THIRD PERSON'S POV "Are you ready?" Napatingin si Helliana kay Clark. Lumapit si Clark at sinuot sa kanya ang maskara, tinitigan nito ang wala ng ekspresyon na mata ni Helliana. "Your eyes, it reminds me of-" Agad umiwas si Helliana at tinalikuran si Clark bago pa nito matapos ang dapat na sasabihin niya. Napabuntong hininga na lang si Clark at tumalikod na rin para mag ayos. "I need a knife." Kumunot ang noo ni Clark at napalingon muli sa nakatalikod na si Helliana. May iba siyang pakiramdam sa kinikilos ni Helliana. Sana lang talaga ay wala itong gawing kakaiba para masira ang kanilang plano. "Why?" Pinilit ni Clark na ipaharap sa kanya si Helliana at hindi siya pwedeng mag kamali at may plano itong gawin. Hindi sumagot si Helliana at naka iwas lamang ang tingin, napabuntong hinin

