THIRD PERSON'S POV
"If you will kill me no matter what then I will tell Helliana what I know." Agad namang napatawa si Clark at hinawakan ang panga nito.
"Are you threatening me?" Ngumisi naman si Liana.
"Why? Are you scared?" Mas lalong napatawa si Clark at hinigpitan ang hawak sa panga nito. Napadaing ng bahagya si Liana.
"You think you're scary?" Masamang tinignan ni Liana si Clark nang bitawan siya nito at agad umupo sa sofa.
"Then go ahead, tell Helliana what you know." Ngumisi naman si Liana sa kanya.
"You think I can't?"
"Of course you can, go ahead tell her. I won't stop you." Nanatiling nakatingin si Liana kay Clark na ikinangisi ni Clark.
Hindi mabasa ni Liana kung ano ang nasa isip ni Clark. Pakiramdam nito napaka liit ng mundo at nasa iisang lugar silang lahat. Noong nahanap niya si Caliber ay tuwang tuwa siya hindi niya alam na nakapaligid din pala itong mga ito kay Caliber.
"Oh I thought you're going to tell Helliana." ngising tanong ni Clark.
"I will but not now."
"If you don't tell her now, I will kill you." Napalunok naman si Liana. Noong una ayaw ni Clark na sabihin kay Helliana ang nalalaman nito ngayon naman ay siya ang nagpipilit na mag sabi kay Helliana. Hindi nito alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito ngayon.
"I thought you don't want me to tell her!" sigaw nito kay Clark.
"Lower your voice, I can hear you." Napakagat ito ng labi at kunot noong tinignan na lang ang prenteng nakaupo na si Clark.
"That's true, I don't want you to tell Helliana what you know but you said you will tell her because I will kill you no matter what. If you tell her, walang mawawala sa akin pero sayo meron." Mas lalong kumunot ang noo ni Clark. Lumapit ito kay Liana at nginisian ito.
"What?"
"You will lose Caliber."
"What do you mean?" Ngumisi naman si Clark at bahagyang lumayo kay Liana.
"What you're thinking about Helliana is true." Agad nanlaki ang mata niya. Sigurado siyang hindi alam iyon ni Caliber, sobrang mapaglaro ng tadhana kung ganoon. Alam din ba ni Helliana? Kung alam niya bakit nagkaroon siya ng relasyon kay Caliber? Diba dapat galit siya kay Caliber?
"She's-" Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng inunahan na siya ni Clark.
"Yes, her real name is Liana Gwyneth Stavros." Napaatras naman si Liana at hindi alam kung anong sasabihin. Ngayon na nalaman niya na si Helliana ay si Liana pala, hinding hindi niya sasabihin kay Helliana ang alam niya. Hindi niya alam kung mapag laro ba talaga ang tadhana o may nag lalaro sa kanilang tadhana?
"Alam ba ni Helliana ang totoo?"
"No. I erased her memory. Her past memory is blurry." Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi sa narinig, kahit hindi na maalala ni Helliana ang nakaraan baka tulad ni Caliber ay unti unti rin itong makaalala.
"What if makaalala siya?"
"Well, she remember some of her memory pero hindi lahat. Kung makaalala man siya, ako pa rin ang mananalo. Kung makaalala man si Helliana mas mananatili siya sa tabi ko." Bahagyang napangiwi si Liana.
"You're obsessed with her. Why is everyone so obsessed with her?" Nagkibit balikat lang naman si Clark at nginisian siya.
Naupo si Clark sa sofa at pinaikot ikot sa daliri ang kanyang dagger. Napatitig naman si Liana sa kanya.
So, totoo ngang buhay ang babaeng iyon at si Clark ang nagtatago sa kanya kaya pala kahit anong hanap ang gawin ay hindi siya mahanap. Kahit maliit na ebidensiya ay wala.
"Paano nagkita si Caliber at Helliana?" Napalingon si Clark sa kanya habang patuloy sa pagpapaikot sa daliri niya ng dagger.
"Helliana is Caliber's bodyguard." Taka namang tinignan ni Liana si Clark.
Hindi nito alam kung seryoso ba si Clark sa sinabi niya o nag bibiro ito. Seryoso naman ang mukha ni Clark pero hindi ito makapaniwalang bodyguard ni Caliber si Helliana. Nagtataka rin ito kung bakit kailangan pa ni Caliber ng bodyguard, kung kayang kaya naman nito ang sarili niya.
"What? Are you serious?"
"Yes. Humingi sa akin si Axel ng bodyguard para kay Caliber and ibinigay ko si Helliana para maging bodyguard ni Caliber."
"Why did you do that? You know who is Caliber." Doon na tumigil si Clark sa pagpapaikot ng dagger at nginisian ng napaka lapad ang dalaga.
"I know who is the real Caliber, kaya ginawa ko iyon." Agad natigil si Liana at pinagtagpi tagpi ang lahat. Agad napaawang ang labi ni Liana ng mapag tanto kung ano ang ibig sabihin ni Clark. Napangisi naman si Clark dahil iyon ang intensiyon niya, ang malaman nito ang plano niya. Alam naman niyang hindi ito magsasalita kay Caliber or kay Axel tungkol sa plato niya. Kung mag salita man siya bago niya magawa ito ay patay na siya. Hindi rin naman siya mabubuhay ng matagal kaya ayos lang na may alam ang babae.
"Are you going to revenge her?"
"Yes. You think hahayaan ko na ginanon nila si Helliana? No, gusto kong matikman nila kung ano ang sakit na ginawa nila kay Helliana. Hindi lang iyon, dodoblehin ko pa. I'm done with his daughter and now my main target, Caliber Midnight Rios." Napalunok naman si Liana sa takot kay Clark.
"Alam mo bang may relasyon sila Caliber at Helliana?" Napatikom ito ng bibig ng makitang tumalim ang mata ni Clark sa kanya.
Hindi ba niya alam na may relasyon si Helliana at Caliber? Parte ba iyon ng plano niya o nahulog ng kusa si Helliana kay Caliber? Si Caliber hindi na siya magtataka kung mahulog man ang binata kay Helliana. Expected na niya ito.
Ang pinagtataka niya, hindi ba nito namumukhaan si Helliana? Hindi ba pamilyar ang mukha ni Helliana sa kanya? Well, kahit naman si Liana ay hindi niya namukhaan ang mukha nito pero iba siya at iba si Caliber. Noon kahit nakatalikod lang ang dalaga ay alam na alam na agad nito kung sino iyon. Dahil ba walang alaala si Caliber kaya hindi niya namukhaan si Helliana?
"I know." mahinang sabi ni Clark at tumalikod na kay Liana.
"Is that part of your plan?"
"Not really pero expected ko na rin na mangyayari ito. Alam kong masasaktan si Helliana but what can I do? Siya mismo ang pumili nito." Napatitig si Liana kay Clark.
"You really love her, ha." Doon muling tumingin sa kanya.
"She's my air, she's the reason why I'm alive." Napatitig si Liana sa mata ni Clark. Ibang iba na ito sa kaninang mata nito, ngayon ay parang kinukuwento nito ang pinaka magandang nangyari sa buhay niya.
"He's my air too." mahinang bulong ko.
"I want to ask him, why her? I'm the one who's always by his side." Lumapit si Clark sa kanya.
"Because you're weak."
"W-what?"
"Laging talo ang mga mahihina, remember that." Naiwan na lang doon na tulala si Liana dahil tinalikuran na siya ni Clark at umalis na.
Napaupo siya sa sahig at napatulala doon. Ang dami niyang nalaman na ngayon, na sa tingin niya ay dapat hindi niya alam pero nalaman niya. Alam niyang hindi nag bibiro si Clark sa sinabi nitong papatayin siya nito.
Napatingin siya sa picture ni Caliber na nakangiti tinitignan si Helliana. Noon palang nainsecure na siya kay Helliana, noon palang lahat ng gusto niya gusto si Helliana.
FLASHBACK
LIANA'S POV
"Did you know na mayroong bagong lipat dito?" Napatingin ako ng magsalita ang batang kalaro ko ngayon.
"Yes, and she's super rich." Agad ng kumunot ang noo ko. Sino ba ang pinag uusapan nila? Sigurado naman akong mas marami akong laruan kesa sa new girl na iyon.
"Sino ba ang pinag uusapan niyo?"
"The new girl."
"What new girl? Stop talking about her. Marami akong doll na pinabili ngayon kay Dad." Agad kong nilapag ang mga doll na pinabili ko kay Dad. Laging ako ang bida dito dahil lagi akong may bagong laruan at hindi sa pag mamayabang pero ako ang pinaka cute sa mga bata dito kaya ako ang pinaka mas napapansin.
Nag umpisa na kaming mag laro at masayang masaya kami. Bidang bida na naman ako pero agad natigil iyon ng dumaan ang isang bata.
"Hey," Masama kong tinignan ang isang kalaro ko ng tinawag niya ang sa tingin ko ay bagong lipat na bata.
Mas matangkad siya sa amin ng konti at malinis na naka pony ang buhok niya. Seryoso itong tumingin sa tumawag sa kanya at hindi man lang ito ngumiti habang ngiting ngiti naman sila sa kanya.
"Do you want to play?" aya niya dito.
Napangisi ako ng umiling ang bata at agad kaming tinalikuran.
"She's rude." nakangusong sabi nung tumawag.
"She's rude, kaya wag mo na siyang yayain." inis na sabi ko dito.
"But I want to be her friend." Agad akong nag ngitngit sa galit kaya agad ko siyang tinulak. Gulat naman itong tumingin sa akin at nagsimulang umiyak. Inirapan ko lang ito at tinalikuran. Inamo naman siya ng mga bata doon pero hinayaan ko lang siya tsaka lang ako napalingon ng marinig ang malamig pero magandang boses.
"Why are you crying?" Yung batang babae kanina ay bumalik na may dalang dalawang cotton candy.
"Do you want this?" Alok nito sa iyaking bata. Kinuha naman niya ito at agad na tumahon. Hmp. Napaka arte.
Dito nag simula ang lahat. Lahat ng kumakalaro sa akin ay halos hindi na ako pansinin ngayon at sinasabing masama daw ang ugali ko. Lahat siya ay sumusunod sa bagong bata na kaparehas ko pa ng pangalan. Liana din ang pangalan niya.
Hinayaan ko naman sila sa gusto nila, kung gusto nila doon sa gaya gayang Liana na iyon edi dun sila. Gusto rin nila doon dahil gwapo daw ang kapatid na lalaki, ang lalandi. Basta ako meron na akong Caliber kaya wala akong pakielam sa kapatid niya.
Agad nag ningning ang mata ko ng makita kong naglalakad si Caliber. Seryoso itong naglalakad sa playground pero ang pogi pogi niya pa rin mabilis kong kinuha ang cellphone ko at agad siyang pinicturan. Halos namula ang buo kong mukha ng napatingin ito sa akin.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya. May mga kasama siyang malalaking lalaki at mga armado pero wala akong pakielam.
"Hi, Caliber." bati ko sa kanya. Tinignan lang naman ako nito bago ako muling lagpasan pero tulad ng lagi kong ginagawa ay sinundan ko siya. Hinahayaan lang naman niya ako sa ginagawa ko and take note ang daming babaeng nagkakagusto sa kanya pero ako lang ang nag iisang babaeng hinahayaan niya na sundan siya ng ganito.
"Alam mo bang may umagaw sakin ng mga kalaro ko. Akala mo naman kung sinong cute. Lahat ng kalaro ko mas gusto na siya kesa sa akin dahil na rin sa kapatid niyang gwapo daw, nakita ko na iyong kapatid niya pero mas gwapo ka doon." Tinignan ko kung magkakareaksyon siya sa sinabi ko pero nanatili itong nakatingin sa nilalakaran at seryosong seryoso.
"Wala naman akong pakielam sa mga kalaro ko e. If I know kinakalaro lang nila ako for my new toys, hindi sila kawalan. Akala naman nila-" Natigilan ako ng medyo malayo na pala ang distansiya ni Caliber sa amin at ang mga kasama niya at nabangga niya si Liana. Agad kumunot ang noo ko ng magkatitigan ang dalawa.
Agad akong lumapit at tinignan silang dalawa. Halos kainin ako ng selos ng tinititigan ni Caliber si Liana ng ganoon katagal. Sa akin ang ginagawa lang niya ay sulyap pero kay Liana ay titig na titig siya, parehas lang naman kaming Liana.
Nag pagpag si Liana at tumungo lang bago nilagpasan si Caliber at dumiretso sa kapatid niyang naghihintay doon.
"Caliber!" tawag ko sa kanya.
Hindi ako nito pinansin at nanatiling nakasunod ang mata kay Liana. Napatingin din ako at nakitang nakangiti si Liana na kinakausap ang kapatid niya. Napansin ko na tsaka lang ngumingiti si Liana kapag kausap niya ang kapatid niya. Napabalik ang tingin ko at walang pinag bago, nanatiling nakatitig si Caliber kay Liana. Nakatungo na lang ako at napakuyom ang kamao ko. How dare you? Lahat na lang inaagaw sa akin.