HELLIANA'S POV
Halos saglit lang ang tulog ko kakaisip kung bakit nag punta doon si Caliber ng ganoong oras. Kapag pasok nila sa loob ay umalis na ako at dumiretso sa mansion nila Clark. Doon ako tumambay sa bubong at nag isip isip. Halos 3 am na ako umuwi kina Caliber at ngayon nagising ako 5 am.
Mabilis lang akong nag ayos at dumiretso na sa kwarto ni Caliber. Bubuksan ko na sana ang pinto ng naka lock iyon. Kunot noo naman akong malakas na kumatok sa pintuan niya.
Hindi naman niya nilolock ang pinto niya, ah. Hindi ko alam kung bakit ang weird ngayon ni Caliber. Lagi niyang iniiwang hindi naka lock iyon dahil alam niyang pupunta ako sa kwarto niya para gisingin siya.
"CALIBER!" malakas kong sigaw. Kumatok ako ng mas malakas pa para magising siya.
"Helliana?" mahinang sabi nito.
Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa kanya. Kakaiba ang boses niya, parang pagod na pagod siya. Pagod siya saan? Ano bang ginawa niya doon at pagod na pagod siya? Mas lalo akong nainis sa mga naiisip kong ginawa nila.
"Open your door, Caliber!" sigaw ko ulit at pilit pinipihit ang doorknob.
"Hindi ako papasok." mahina nitong sabi. Napakunot naman lalo ang noo ko. Seriously, ano bang nangyayari?
"Why? Open your door!" inis ko ng sigaw.
"I can't."
"What?" inis kong sigaw pero hindi na ito sumagot.
Inis akong nagmartsa para dumaan sa bintana niya. Nakakabadtrip, wala ako sa mood makipag ganito sa kanya at badtrip na badtrip pa ako sa ginawa niya.
Binasag ko ang bintana niya at agad pumasok sa loob. Kapag pasok ko ay sobrang dilim ang tanging ilaw lang ay ang liwanag sa labas na nanggagaling sa binasag kong bintana.
"Caliber," tawag ko sa kanya at nagsimulang maglakad.
Napatingin ako ng may maapakan akong bubog na panigurado akong hindi ito galing sa bintana na binasag ko. Nagmadali akong pumunta sa switch ng ilaw at agad binuksan ang ilaw. Napaawang ang labi ko sa nadatnan ko. Buong kwarto ni Caliber ay gulo gulo, ang daming bubog sa lapag at halos lahat ng gamit niya ay nasa sahig na. Napatingin ako kay Caliber na ngayon ay nakatungo habang nasa isang sulok. Agad akong lumapit kay Caliber at inalog ito.
"Hey, what happen?" Dahan dahan itong tumingin sa akin.
Napaatras ako ng puro dugo ang mukha niya at kamay niya. Tinignan ako ni Caliber at nag simulang maglandas ang luha nito. Napatitig naman ako sa kanya sa gulat, anong nangyayari? Dapat galit ako sa kanya ngayon dahil sa ginawa niya kagabi pero paano ako magagalit kung ganito siya? Ano ba kasing nangyari kagabi at nagka ganito si Caliber?
"Helliana?"
Nagulat ako ng bigla ako nitong niyakap ng sobrang higpit. Kahit nagtataka ako sa inaasta niya ay wala akong nagawa kung hindi yakapin siya pabalik.
"What's wrong?" tanong ko sa kanya.
"I'm scared." Napakunot ang noo ko.
"Scared? of what?" taka kong tanong sa kanya. Hindi naman ito sumagot at niyakap lang ako ng mahigpit.
Ilang minuto rin kaming ganito ng maramdaman kong bumubigat siya. Napatingin ako kay Caliber at mahimbing na itong natutulog na nakayakap sa akin.
Maingat ko siyang inalalayan patayo at pilit na iniiwas sa bubog. Inihiga ko siya sa kama at mas nilakasan ang aircon dahil pawis na pawis siya. Hinubad ko rin ang damit niya dahil basang basa na ito ng pawis niya. Hinahaplos ko ang buhok niya habang nakatingin sa kanya.
"Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok nito.
Napatingin ako sa buong paligid ng kwarto niya. Napadako ang tingin ko sa salamin niya sa banyo na ngayon ay basag na at may dugo pa.
Agad akong kumuha ng gamit para linisin ang sugat niya sa kamay.
Nang matapos ako ay napatingin ako sa kanina niyang inuupuan at nandoon ang cellphone niya na ngayon ay umiilaw. Agad ko itong kinuha at binuksan. Alam ko ang password niya kaya madali ko na lang nabuksan iyon. Binuksan ko ang message niya at merong text doon si Kean at James.
From: Kean Bugok
Hoy maaga tayong pumasok, ha!
From: James KJ
maaga daw
Iniscroll ko pa at napakunot ang noo ko ng may pumukaw sa tingin ko. Crazy b***h? Sino ito? Pinindot ko iyon at binasa ang message doon.
From: Crazy Bitch
I'm not lying. If you want to know more, meet me again.
Napakunot ang noo ko. Ano ang gustong malaman ni Caliber na alam niya? Sino ba talaga siya? Sana pala nakinig ako sa pinag usapan nila pero dahil nadala ako ng galit ko ay agad akong umalis doon.
Napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Caliber. Ano ba ang gusto niyang malaman? Paano naman iyon nalaman nung babaeng iyon?
Siya ang huli niyang nakausap bago nagka ganito si Caliber. Ano ang sinabi niya kay Caliber? Agad kong pinunasan ng may tumulong luha sa mata niya. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya pero sisiguraduhin ko na aalamin ko kung ano man iyon. Sigurado akong ayaw sabihin sa akin ni Caliber ang pinag usapan nila kaya ayaw niya ako papasukin.
Hinalikan ko si Caliber sa noo bago lumabas at pumasok ulit sa kwarto ko para magpalit ng damit. Kinuha ko ang cellphone ko bago lumabas at dumiretso kung saan pumunta kagabi si Caliber.
Buti na lang ay wala masyadong bahay dito at iilan lang ang tao na nasa kalsada ngayon. Agad akong umakyat sa bubong ng bahay nito at pumasok sa bintanang nakabukas. Naupo ako sa may sofa at hinintay na bumaba ang babae. Alam kong nandito siya sa bahay niya ngayon.
"AHHHHHH!" malakas na sigaw nito sa gulat ng makita ako.
Nginisian ko naman siya at prenteng naupo sa may sofa niya. Dahan dahan itong lumapit sa akin habang kunot na kunot ang noo. Sisiguraduhin ko na sasabihin niya sa akin kung ano ang sinabi at ginawa niya kay Caliber at nagkaganoon siya. Wala akong pakielam kung mapatay ko siya ngayon mismo sa bahay niya. Pipilitin ko siyang sabihin niya sa akin kung ano ang ginawa niya at sinabi niya kay Caliber.
"Paano ka nakapasok dito?" tanong nito at naupo sa unahan ko. Nginisian ko siya at hindi sinagot.
"What did you do to Caliber?" Natigilan ito pero kalaunan ay agad ding ngumisi. Kumuyom ang kamao sa ngisi niya sa akin, lumapit ito sa akin.
"Why? Naalala niya ba kung sino talaga siya." Nanliit ang mata ko.
"Who are you?" Humalakhak ito ng tawa at bahagyang lumayo sa akin.
Naalala? Kilala ba niya si Caliber noon? Kaya ba pinuntahan siya ni Caliber dahil gusto nitong malaman ang nakaraan niya? Napangisi ako. Kung may alam ang babaeng ito ang kailangan ko lang gawin ay pilitin siyang sabihin kung ano ang nalalaman niya. Mas lalo akong na curious dahil bakit naging ganoon si Caliber matapos sabihin ng babaeng ito ang nalalaman niya? Ano ba ang nalaman niya at nagkaganoon siya?
"You don't have to know." Ako naman ang ngumisi at tumayo para lapitan siya.
"Okay, then what do you know about Caliber?" Tumawa ito at tinugnan ako ng matalim.
"Sa tingin mo sasabihin ko sayo?" Mas lalong lumapad ang ngisi ko.
"No," nakangiti kong sabi at agad siyang tinutukan ng kutsilyo sa leeg. "That's why I will force you."
Napakunot ang noo ko ng kahit nakatutok na sa leeg niya ang kutsilyo ay nagawa pa rin nitong ngisian ako. Natigilan ako ng tinutukan din niya ako kutsilyo sa leeg ko.
"Sa tingin mo matatakot mo ako?" natatawa nitong tanong sa akin.
"You underestimate my power." nakangisi kong sabi lalo ng maramdaman kong nanigas ito ng tutukan siya ni Clark ng baril sa ulo.
"Hi, dear." nakangising sabi ni Clark.
"You know I don't like it when someone is trying to hurt my girl." Tulala itong dahan dahan na binaba ang nakatutok sa akin na kutsilyo.
"Good girl." nakangiting sabi ni Clark.
Lumayo ako sa kanila at bumalik sa pagkakaupo ko.
"Your girl? I thought she is Caliber's girl." Bahagyang tumaas ang kilay ko. Tumabi naman si Clark sa babae at inakbayan pa ito.
"That's none of your business."
"Siguro naman ngayon, sasabihin mo na sa akin ang nalalaman mo." nakangiti kong sabi sa kanya.
"This is f*****g unfair." inis na sabi nito na agad kong ikinatawa.
"Honey, the world is really unfair kaya naging unfair din ang mga tao." Sinamaan ako nito ng tingin at umatras sa tabi ni Clark. Nag kibit balikat lang naman si Clark.
" I know Caliber when he was young." Tumaas ang kilay ko.
"Then?" Sumandal ako sa sofa pero agad akong napaiwas ng ihagis niya sa banda ko ang kutsilyo at nadaplisan ako sa pisngi ko. Gulat akong napatingin sa kanya na ngayon ay nakalayo na kay Clark at may hawak ng baril na ngayon ay nakatutok sa amin.
"Tama ka nga, unfair nga ang mga tao. So am I." Pinaputok niya ang baril pero agad akong umilag. Sunod sunod
lang ang paputok nito pero agad tumigil ng sinipa iyon ni Clark at seryosong tinutukan ang babae sa noo ng baril.
"You dare hurted my girl." galit na sabi ni Clark.
"Your eyes," gulat na sabi nung babae na ipinagtaka ko. Napatingin ito sa akin at gulat na gulat. Dahan dahan itong naupo at parang gulat na gulat sa kung anong nalaman niya.
"Clark. I know you. Bakit ko ba nakalimutan ang pangalang iyon?" mahinang bulong nito. Seryoso lang namang nakatingin sa kanya si Clark habang ako ay takang taka kung ano ang sinasabi niya. Kilala niya rin ba si Clark?
"Then, what's your real name?" tanong nito sa akin na ikinagulat ko. She's dangerous. Paano niyang nalaman na hindi Helliana ang tunay kong pangalan. Agad akong napatingin kay Clark na nanatiling nakatingin sa babae at pinapanood ito.
"What are you talking about?" tanong ko. Kilala niya rin ba ako noon?
" Helliana is not your real name, right?" Kumunot ang noo ko.
Parang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya na lalong nagpapataka sa akin. Ano na ba ang nangyayari?
"Helliana, go back." taka akong napatingin kay Clark.
"What?"
"I'll do the rest." Wala akong nagawa ng tinignan na ako nito. Tumayo ako at lumabas na lang. Kung makikinig ako paniguradong malalaman iyon ni Clark.
THIRD PERSON'S POV
Napaatras si Liana ng lumapit si Clark sa kanya.
"What's your name?"
"L-liana." alinlangan pa nitong sagot dito.
Napaisip naman si Clark bago muling binalingan si Liana.
"That's why you know me." mahinang sabi ni Clark.
"I want to kill you right now but kailangan muna kitang pakinabangan." Kumunot naman ang noo ni Liana.
Hindi nito alam ang gagawin. Kilala niya noon si Clark at nakita mismo ng dalawa niyang mata kung gaano ka brutal si Clark. Hindi siya siguraso kung tama ba ang hinala niya kung sino si Helliana pero lumaki ang kanyang hinala ng makitang natigilan si Helliana.
"What do you mean?"
"Tell Caliber everything you know at siguraduhin mong maalala niya but don't tell anything about Helliana." Mas lalong kumunot ang noo nito. Nagtataka ito kung bakit gusto ni Clark na makaalala si Caliber.
"What if she force me to tell her what I know?" Nginisian naman siya ni Clark.
"Kahit patayin ka niya, don't tell her."
"What?" inis na sabi ni Liana.
Hindi siya papayag na mamatay sa kamay ng babaeng iyon. Mas gugustuhin niya pang si Caliber ang pumatay sa kanya kesa kay Helliana.
"You'll die anyway." Napalunok naman ang dalaga.
Napadaing ito sa sobrang sakit ng may inilagay si Clark sa leeg niya. Para itong kinukuryente, nang alisin ni Clark ang kamay niya ay napahawak siya sa leeg at may kung anong nandoon.
"What is this?" taka nitong tanong.
"One wrong move, Liana. It can kill you, maririnig ko lahat. You know me, isang suway mo lang sa utos ko hindi lang ikaw ang papatayin ko kung di ang buo mong pamilya." Napakuyom sa kamao si Liana.
"f**k you!"
"You think hahayaan kong saktan mo ng ganon si Helliana? No, I will kill you but not now." Ngumisi naman si Liana.
"If you will kill me no matter what then I will tell Helliana what I know."