THIRD PERSON'S POV Naalimpungatan si Helliana ng makaramdam ng gutom. Tinignan nito ang mahimbing na natutulog na si Caliber habang mahigpit na naka-yakap sa kanya. Dahan dahan niyang inalis ang pagkakapulupot nito bago lumabas ng kwarto. Bumaba ito at natagalan pa ito sa paghahanap ng kusina dahil sa sobrang laki nito. Agad siyang kumuha ng pagkain doon at umupo muna bago nag simulang kumain. Nag iiscroll siya sa cellphone niya ng may maramdaman na papalapit sa kanya. "Axel." Hinarap niya si Axel sa likod niya na seryoso siyang pinapanood na kumain. "What do you want?" irita nitong tanong. "Magkano ang kailangan kong ibayad sayo para lumayo ka sa anak ko." Napakunot ang noo nito sa sinabi ni Axel. "What?" "Simula ng dumating ka sa buhay namin, nag kagulo na ang lahat. Bakit ngay

