Kakalipat lang nina Helliana sa bagong bahay na pag aari dati ng lola nila. Nag aayos na ang mga maid nila ng mga gamit nila hanggang sa tumatakbong yumakap sa kanya ang bunso niyang kapatid na si Lion. "I want cotton candy." nakangusong sabi nito kay Helliana. Ngumiti naman si Helliana at hinaplos ang mukha ng kapatid. "Then I will go buy it for you." Mas lalong humaba ang nguso nito. "Can I come with you?" Napailing si Helliana lalo na at nakitang pababa na ang Mommy nila. "Darling you need to enroll." Napanguso si Lion at yumakap sa binti ni Helliana. "But I want to be with Ate." Tumawa naman ang Mommy nila at agad na lumakad papalapit sa kanila at binuhat si Lion. Nagpumiglas ito nung una pero agad ding yumakap pabalik. "After you enroll, you can with your Ate." Malungkot na napa

