THIRD PERSON'S POV Nakatitig si Caliber sa tulalang si Helliana. Pangalawang araw na ito na kapag kakagising niya ay tulala si Helliana. Sinubukan niyang tanungin si Helliana pero hindi ito sinagot ni Helliana. Walang nagawa si Caliber kubg hindi ang lumapit at kay Helliana at niyakap ito. Natigilan sa pag iisip si Helliana ng maramdaman niya ang yakap ni Caliber sa kanya. Dinamaan niya ito at napapikit. Naalala na naman ni Helliana ang kanyang napaniginipan. Hindi niya alam kung bakit patuloy niya itong napapanaginipan at bakit niya ito napapanigipan. Sa tuwing gigising siya ay naglalaho sa kanya ang imahe ng binata. Hindi na naman niya maalala ang itsura nito ngayon. FLASHBACK Hanggang ngayon ay nararamdaman niya parin ang titig ng binata sa kanya. Sa totoo lang ay gusto na ni

