Chapter 2

1332 Words
Chapter 2 Lumipas ang mga araw at buwan, mas naging matalik na magkaibigan sina Tyron at Miesha. Madalas na magkasama ang mga ito sa eskwelahan man o maging sa farm ng mga Garcia. Desyembre noon at birthday ng dalagita ng imbitahan ni Tyron si Miesha na pumunta sa Farm para doon mag- celebrate ng kaarawan nito.Pinakiusapan ng binatilyo ang ina na magpahanda ng miryenda para sa kaarawan ng kaibigan na si Miesha. Pumayag rin naman ang ina ng binata sapagkat parang anak narin ang naging turing nito kay Miesha. Nang umaga rin na iyon ay nagpunta si Tyron sa isang mall sa bayan para ibili ng regaloang kaibigan.Isang simpleng black shoes ang napili niyang ibigay kay Miesha para palitan ang lumang sapatos nito. "Sigurado ako na magugustuhan niya ito!" bulong ni Tyron sa sarili matapos bayaran sapatos para kay Miesha. Sa mansion sabay-sabay na nagtanghalian ang mag-amang Celso at Miesha kasama ang pamilya Garcia. Masayang-masaya si Miesha ng araw na iyon dahil ngayon lang siya ulit nakapag-celebrate ng birthday na maraming nakahanda na pagkain sa ibabaw ng lamesa. "Thank you po Don Cyrus at Donya Carmen Tatanawin ko po na malaking utang na loob itong paghahanda niyo para sa akin.!" masayang wika ni Miesha. "Naku Miesha, huwag mong isipin un alam mo naman na hindi kana rin iba sa amin, pasasalamat narin namin sa iyo dahil tumutulong ka dito sa farm, masaya kami dahil kahit wala kaming anak na babae ay nandiyan ka naman na parang anak tunay na namin!" ani Donya Carmen. "at kung may higit ka na dapat pasalamatan hija---si Tyron un, dahil siya ang nangulit sa amin na maghanda ng konting miryenda para sayo!"pagsingit ni Don Cyrus. Tumango ang dalagita. Nakangiti na ibinaling nito ang tingin sa kaibigan. "Salamat Tyron!". "Your always welcome Miesha." simpleng sagot ng binatilyo. Hindi matatawaran ang ngiti sa mga labi ni Miesha ng mga oras na iyon. Matagal na panahon na ang huling beses na nag-celebrate siya ng kanyang kaarawan. Limang taon gulang lang siya ng huling beses na naranasan niyang makapag- celebrate ng kanyang kaarawan. Ang huling pagkakataon na iyon ay noong nabubuhay pa ang nanay Melda niya. Natatandaan pa nga niya ang mga kakanin na ginawa nito para sa kanya. Suman at biko, pansit palabok at sinampalukang manok para sa tanghalian ang madalas iahin ng kanyang ina dahil paborito niya ito. Hindi mapigilan ang pagpatak ng luha sa mata ni Miesha ng maalala ang tungkol sa kanyang ina. Hindi niya akalain na mararanasan niya ang mag-celebrate ng kaarawan kasama ang ama at ang mabubuting tao na nasa paligid niya. "hey, whats wrong? bat umiiyak ka?" tanong ni Tyron. "wala, masaya lang ako. Salamat sa lahat ng ito Tyron! masayang-masaya ako dahil nakasama ko kayo---Thank you!" ani Miesha at di na napigilan na yumakap sa kaibigan. "Meron bang masaya na umiiyak!" tanong ni Tyron. "Oo,meron! tears of joy!" "iyan palang umiiyak kana?Tara! may pupuntahan pa tayo." nakangiting wika ni Tyron at hinila ang baraso ni Miesha. "Teka, saan tayo pupunta?" "basta! sumunod ka nalang.! excuse us po!" paalam ni Tyron sa matatandang naroroon. Nakangiting nagsi-tango naman ang matatanda sa hapag kainan na iyon para sa pagpapaalam ng mga ito. Sa kubo nagmamadaling hinila ni Tyron si Miesha para ibigay ang binili niyang regalo para dito. "Happy birthday! sana magustuhan mo,ako ang pumili niyan para sa iyo." "Tyron bat bumili ka pa ng regalo? sobra-sobra na ung nagastos niyo para sa akin!" nag-aalalang wika ni Miesha. "Ok lang iyan Miesha,minsan lang ang birthday sa isang taon kaya dapat kumpleto di ba? kailangan may pagkain at miryenda kaya buksan mo na!" excited na utos ni Tyron. Masayang binuksan ni Miesha ang balot ng regalo at nanlaki ang mata niya ng makita ang kahon ng sapatos. Dali-dali niyang binuksan ang kahon at tumambad sa kaniya ang pares ng black shoes na pamasok sa eskwela. Simpleng-simple lang design ngunit halata na mamahalin ang presyo noon dahil sa tatak nito. "Thank you Tyron ang ganda!" sabay yakap sa kaibigan. "siguro naman ngayon hindi kana male-late sa klase natin! hindi na basta-basta magugutom iyang sapatos mo kaya hindi mo na kakailanganin na maghanap ng mabibiling rugby para ipandikit?"pang aasar ni Tyron. "oo na,pinapaalala mo pa! mapang-asar karin eh!" pikon na wika ni miesha. Natatawang kinuha ni Tyron ang isang piraso ng sapatos at umupo iyon para isukat kay Miesha. "Anong ginagawa mo? tumayo ka nga diyan! ako na!" nahihiyang wika ni Miesha. "Ako na! hawak ko na nga oh! arte nito!" "nakakahiya baka madumi pa yung paa ko!" ani Miesha. "Ok lang iyan!" ani Tyron at pinilit kinuha ang paa ni Miesha. "See--- bagay na bagay sa iyo! ang galing ko talagang pumili!" ani Tyron. "Salamat ulit!" Simula noon ay palagi ng gamit ni Miesha ang sapatos na ibinigay sa kaniya ni Tyron. Lihim narin humanga si Miesha sa kaibigan dahil sa ipinapakitang kabaitan nito at pagiging mabuting kaibigan para sa kaniya. Mas lalo narin lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa. Mula sa school ay magkasama na sila hanggang pag uwi ay nagkikita parin sila sa farm para mamitas ng prutas at pagkatapos ay tatambay sa kubo para mamahinga. Isang hapon ay nagpunta si Miesha sa Farm para tumambay sa kubo. Inaya niya si Tyron para gumawa ng assignment. Mathematics ang assignment nila kaya simple lang para kay Tyron na sagutan ang mga iyon,minsan ay tinutulungan siya nito kapag nalilito at naguguluhan siya. Tulad ng madalas na set-up, matapos gumawa ng assignment ay kinuha na ni Tyron ang gitara na nakasabit sa gilid ng kubo para tugtugin ang mga paborito nitong kanta. Ngunit sa pagkakataon na iyon ay napatulala siya ng magtanong ang kababata. "Miesha ano bang paborito mong kanta?" tanong ni Tyron. "Bakit tutugtugin mo ba?" "I'll try..." "Pagdating ng Panahon ni Aiza Seguerra--" sagot ni Miesha. " ok sige subukan natin, wait lang!" ani Tyron at sinimulang kalabitin ang kwerdas ng gitara. "Pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako.. baka t***k ng puso mo'y maging t***k ng puso ko..... sana ngay mangyari yun, kahit di palang ngaun, Sana ay mahalin mo rin Pagdating ng panahon." "Sana para sa atin ung kanta na ito!" nakangiting bulong ni Tyron matapos ang kanya. " Ano? may sinasabi ka ba?" tanong ni Miesha. " wala!". Lihim na nangiti si Miesha dahil sa narinig sa kababata. Ganoon nalang ang kilig ni Miesha at nangarap na sana ay para sa kanila na nga lang ni Tyron ang kanta na iyon. Fast forward.... Araw ng Sabado, abala sina Tyron at Miesha sa pamimitas ng mga kalamansi ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala silang nagawa kundi ang tumakbo sa ilalim ng malaking puno ng mangga para sumilong at hindi masyadong mabasa ng ulan. "Tyron masyado ng malakas ang ulan ,mababasa parin tayo dito!" "Alam ko na, tutal mababasa rin naman tayo tara maligo nalang tayo sa ulan!" Hindi na nagawa pang sumagot ni Miesha ng tumakbo na sa gitna ng ulan si Tyron at inenjoy nalang ang bawat pagpatak ng ulan. "Tyron ano ginagawa mo? baka magkasakit ka!, mapapagalitan tayo ng mommy at daddy mo!" sigaw ni Miesha sa kababata. "ok lang yan Miesha! minsan lang natin mae-enjoy ito kaya tara isulit na natin hanggat pwede pa! Halika na dito at wag kang KJ! mababasa ka rin naman diyan." Dahil sa nabasa narin si Miesha ay sumama na rin ito sa kaibigan. Parang mga batang naghabulan ang dalawa sa ilalim ng malakas na ulan. Nagbatuhan ito ng maliliit na putik dahilan ng pagdumi ng mga damit habang tuwang-tuwa na sa itsura ng isat-isa. Hanggang sa maputol ang kasiyahang ng magkaibigan ng biglang tawagin sila ni manong celso na dala ang malaking payong para sa kanila. "pumarito na nga kayong mga bata kayo, ano naisipan niyo at nagbasa kayo sa ulan?" naiiling na wika ng matanda. " eh 'Tay nabasa narin po kami kanina kaya inenjoy nalang namin!" pangangatwiran ni Miesha. "kayong dalawa talaga puro kayo kalokohan...hala! bilisan nyo at baka magkasakit pa kayo.!" Nagtatawanan nalang magkaibigan at agad na sumunod din sa matanda
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD