bc

Muling Hagkang Ang Kahapon

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
HE
second chance
friends to lovers
heir/heiress
city
office/work place
small town
addiction
like
intro-logo
Blurb

Mula pagkata, si Tryon Garcia ay lihim nang umiibig sa kanyang matalik na kaibigan si Miesha Ramos - ang anak ng katiwala ng kanilang Hacienda sa Gabaldon, Nueva Ecija. Sa ilalim ng kubo sa puno ng mangga, sabay nilang binuo ang kanilang mga pangarap at pinangarap ang isang masayang kinabukasan. Ngunit hindi lahat ng unang pag - ibig ay nagkaroon ng masayang wakas. Dahil sa mga maling akala, lihim at mapait na pangyayari, napilitang magkalayo ang kanilang mga landas. Lumipas ang maraming taon na kapwa nila sinubukang kalimutan ang karaan at magpatuloy ng tadhana? Sa kanilang muling pagkikita, babalik ang mga alaalang pilit nilang kinalimutan at mga damdaming hindi kailanman nawala. Sa gitna ng mga sugat ng nakaraan at mga pagsubok ng kasalukuyan, handa pa ba silang bigyan ng ikalawang pagkakataon ng pag - ibig? O mananatili na lamang itong isang magandang alaala na minsang nabuo sa ilalim ng kubo sa puno ng mangga? Sa pagbalik ng kahapon, muling matutuklasan nina Tyron at Miesha kung sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang lahat ng sugat ng nakaraan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Anak ng isang kilalang negosyante si Tyron Garcia..Ang ama niya na si Don Cyrus Garcia ang nag mamay-ari ng isang trucking company sa Probinsya ng Nueva Ecija.. Sa isang Farm sa Gabaldon Nueva ecija namamalagi ang pamilya Garcia. Dalawang magkapatid na lalaki sina Tristan at Tyron, Si Tristan ay lumaki sa kalinga ng kanilang abuelo na nasa Makati,doon ito nag-stay para may kasama ang lolo nito. Umuuwi lang ang binata kung may Special na okasyon sa Haciend kaya tanging si Tyron lang ang lumaki sa pangangalaga ng kanilabg mga magulang kung kaya mas malapit ito sa mga mag-asawa. Labing tatlong taon gulang palang si Tyron at nasa high School level na siya ngaun ng maging kaklase niya ang kababata na si Miesha. Anak ito ng kanilang katiwala sa hacienda na si Manong celso na hindi narin itinuring na iba ng pamilya. Elementary palang ay may lihin ng pag- hanga ang binatilyo sa dalagita dahil sa angking talino nito. Lagi itong nangunguna sa klase kung kaya hindi nakapagtataka kung makapag-aral ito sa Private School kahit na kapos sa palagi ito pera. Tuwing Sabado at Linggo ay sumasama si Miesha sa kanyang ama na si Manong Celso para mamitas ng mga bungang puno sa Farm. Binibigyan din kasi ito ng mag-asawang Garcia ng konting pera pakonswelo dahil sa pagtulong nito na mamitas ng prutas at gulay. "Miesha tara sumama ka nalang sakin dun tayo sa ginawang kubo ng Tatay mo!" aya ni Tyron. "Hindi pa pwede boss Tyron hindi pa kami tapos ni tatay na mamitas ng kalamansi!" wika ni miesha. "Ano ka ba ok lang yan! kaya na yan ni Manong Celso! Tara na para hindi n tayo gabihin" pagpupumilit na aya ni Tyron. "Sorry pero hindi talaga pwede..pagkatapos nalang! Sayang din naman ang pera na ibibigay sa akin ng mommy mo--alam no naman di ba na marami tayong gastusin sa school!" ani Miesha. Nakangusong lumapit si Tyron sa dalagita... Hindi niya magawang sisihin kung bakit ganoon kasiryoso ang kababata ng araw na iyon dahil wala naman itong inaasahan na extrang panggastos para sa mga project sa eskwela. "Ano yan ginagawa mo?" tanong ni Miesha ng makitang bitbit na ni Tyron ang isang balde na lalagyan ng pinipitas na kalamansi. "Ano pa de tutulungan kita!" wika ni Tyron. "Tigilan mo yan boss Tyron, baka makita ka ng mommy mo at pagalitan pa kami!" wika ni miesha. "Anong boss Tyron? Di ba sinabi ko sa iyo na Tyron nalang? At bakit naman magagalit si Mommy? Sigurado ako na matutuwa pa yun kapag nakita ako na nagsasanay ng gawain sa Farm!" ani Tyron. " Sigurado ka ba na gagawin mo yan? Sige bahala ka---tara na bilisan mo na diyan ng matapos na tayong mamitas!" natatawang wika ni Miesha. "Sige--para makapunta na tayo sa kubo! Sigurado ako na magugustuhan mo dun!" ani Tyron. Alas tres ng hapon ng matapos mamitas sina Tyron at Miesha. Natanaw nila ang ina ni Tyron na si Donya Carmen na bitbit ang tray ng miryenda. Magalang na bumati si Miesha sa Ginang at maayos naman nagpaalam si Tyron sa ina "Mommy dun na po kami magmimiryenda ni Miesha sa ginawang kubo ni manong celso! Gusto ko pong ipakita sa kanya ang magiging tambayan namin kapag gagawa kami ng homework." " Ok sige Tyron,dalin niyo na itong tray ng miryenda! Hindi rin ajo magtatagal at babalik narin ako sa bahay.." wika ng donya. "Salamat mommy!" Bitbit ang tray ng miryenda nagtungo ang magkababatang sina Tyron at Miesha sa kubo na gawa ng ama ni Miesha. Napamangha si Miesha ng makita ang kubo na ginawa ng ama. Hindi pa man niya naaakyat iyon ay nakasisigurado siyang maganda ang naghihintay na tanawin sa itaas ng puno na iyon. " Wow ang galing naman! kubo sa puno ng mangga?!" gulat na wika ni miesha. "ikaw eh kanina pa kita inaaya hindi ka agad sumama!" nakangusong sagot ni Tyron. "eh hindi ko naman alam na ganito pala kaganda ang kubo na ginawa ni tatay!" ani Miesha. Mula sa dalawang mataas ng puno ng mangga nakapatong ang isang kubong yari sa kawayan..Nakaharap ito sa mahabang ilog ng gabaldon na napapaligiran ng mga bundok. Presko na presyo ang simoy ng hangin sa itaas ng puno kung kaya masarap tumambay doon. " Tyron baka pagalitan tayo ng Mommy at Daddy mo kapag nalaman na ginawa nating tambayan ito?" alalang tanong ni miesha. "Hindi ah pinagawa talaga ito nila mommy para daw mayron akong tambayan pag nag aaral ng mga lesson sa School. " Naks sana all talaga richkid..." wika ni Miesha " kaya mo din maging richkid someday! ikaw pa ba ang talino mo kaya! sigurado ako na pagtanda mo makakahanap ka rin ng maayos na trabaho." " sana nga!". Gumagabi ng tawagin ni Manong Celso sina Miesha at Tyron sa kubo. " Anak tayo ng umuwi at gumagabi na...may pasok pa kayo bukas!" tawag ng matanda. " Sige po tay bababa na po kami.!" sagot ni miesha. "Magkita nalang tayo sa school bukas,ingat kayo sa pag-uwi Miesha.!" Paalam ni Tyron. " sige salamat!" Kinabukasan ay naunang dumating sa klase si Tyron.. ilang minuto ng late si Miesha kay inakala niya na hindi na papasok ang kababata. Kaya ganoon nalang ang paglapad ng ngiti ni Tyron ng makita niyang dahan-dahan pumapasok ng nakayuko si Miesha habang nakatalikod ang kanilang guro. " Your late Miesha! Saan ka ba galing bakit ngayon ka lang?" mahinang wika ni Tyron. "wag ka ng maingay baka mapansin pa ni Maam Verde na ngayon lang ako dumating!" inis na wika ni Miesha. " bakit ka ba kasi late?" makulit na tanong ni Tyron. "pwede ba mamaya mo na ko interviewin, late na nga ako oh!" Natawa nalang ang binatilyo sa sinabi ng dalagita. Tanghilian, sabay na nag Lunch break ang magkaibigan sa Canteen ng School. Marami ang tumataas ang kilay tuwing makikita silang magkasama, isa kasi si Tyron sa pinaka-gwapo na lalaki sa buong Campus kaya ganoon nalang ang pagtaas ng kilay ng ilang mga babae na naiinggit sa kaniya.. Agad na napansin ni Tyron na nakasimangot si Miesha dahil sa grupo ng mga babae na nagpaparinig ng mapadaan sila. "Akala mo naman ang gaganda,mga mukhang butiki naman!" simangot na bulong ni Miesha. Natawa nalang si Tyron sa sinabi ni Miesha. "Huwag mo na ngang pansinin yun mga wala lang magawa iyon, naiinggit lang yun dahil kasama mo ang isang artistahin!" sabay tawa ng binatilyo. " ay hambog! kumain kana at nalilipasan kana yata ng gutom.!" ani Miesha. "Bakit hindi ba totoo?" "Nagugutom na ako Tyron kaya tigilan mo na ang kahanginan mo!" Tulad ng madalas na pangyayari magkasabay na nagtanghalian ang magkaibigan, hindi parin nakaligtas si Miesha sa pangungulit ng kababata. "bakit ka nga ba na late kanina?" untag na tanong ni Tyron habang kumakain. "Naghanap pa kasi ko ng glue para sa sapatos ko,paakyat na ko ng building ng magutom ang sapatos ko at nguma-nga!" natatawang biro ni Miesha sa kaibigan. "wow nice ang style ng sapatos mo ah! Saan mo nabili iyan?" pambubuska ni Tyron. " nakakainis ka naman! Nagmamadali kasi ako kaya hindi ko na nalinis ang gilid-gilid!" " sorry ngayon lang kasi ako nakakita ng ganyan! sige na kumain kana at ibuhos mo nalang ang asar mo sa pagkain...sagot ko!" nakangiting wika ni Tyron. Matapos kumain ay nagpunta ang magkaibigan sa isang bench sa ilalim ng malaking puno ng akasya para doon mag-review sa topic ng susunod na klase. Napaangat ng tingin si Miesha ng lumapit sa kanila si Lira para magpaturo kuno kay Tyron sa Math. Si Lira ang pinakamaganda sa kanilang magkaka-klase, bukod sa maganda na ito ay nag-buhat din ito sa mayaman na pamilya na kilala sa lipunan. "Tyron gusto mo ba na sumama mag-milktea mamaya pagtapos ng klase? Libre kita para sa pagtuturo mo sa akin ngayon!" Anyaya ni Lira. "Hindi na,salamat nalang mamimitas pa kasi kami ng prutas mamaya di ba Miesha?" ani Tyron. Tumango naman si Miesha para pagsabg-ayon sa kaibigan. "Ganun, bakit hindi mo nalang hayaan sila Miesha tutal kayo naman ang may-ari ng Hacienda di ba?" "Lira, hindi naman porke kami ang may-ari ng farm hindi na namin dapat pakialaman ang trabaho nila. Kailangan din namin ng kaalaman sa negosyo namin, kaya nga sumasama kila Miesha dahil mas magandang matuto sa expirience kesa sa mga nababasa natin sa libro.."ani Tyron. "ah ok sige,bahala ka next time nalang!" sagot ni Lira. Malakas na tawanan ng magkaibigan ng mapaalis nila si Lira. "Bakit di mo kasi pinagbigyan,halata naman na patay na patay sayo ang anak ni Vice Mayor!" ani Miesha. " sus hayaan mo siya, puro pasosyal lang naman mga alam nun! hindi ganun ang tipo ng babae na gusto ko!" " Bakit ano ba ang type mo sa isang babae?" " simple lang yung hindi maarte at hindi pasosyal tulad ni Lira.."ani ni Tyron. Tumango-tango si Miesha at ibinalik ang tingin sa librong binabasa. "Ikaw Miesha ano ba ang gusto mo sa isang lalaki?" siryosong tanong ni Tyron. Napatingin si Miesha sa gawi ng kababata at hindi niya inaasahan ng magtama ang mga tingin nila. Hindi malaman ni Miesha kung ano ang isasagot niya kay Tyron kaya ang laking pasasalamat nalang niya ng marinig ang pagtunog ng bell sa Campus na iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
729.6K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
964.9K
bc

A Warrior's Second Chance

read
350.0K
bc

Not just, the Beta

read
344.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook