Chapter 4
Nagpatuloy ang pagiging malapit na magkaibigan nila Tristan at Miesha.
Isang hapon matapos ang klase,pumarada sa tapat ng inibersidadang sasakyan ni Tristan para sunduin sa eskwelahan ang dalaga. Inaya siya nito para kumain sa labas at mamasyal bago umuwi ng Hacienda. Nang araw din na iyon ay ang araw na nagpahayag ng nararamdaman si Tristan para sa dalaga.
" Miesha, sige na hayaan mo sana akong ligawan ka, siryoso ako na gusto kita..." ani Tristan.
"Sorry Tristan pero wala pa kasi sa priority ko ang magpaligaw o makipagrelasyon.
Gusto ko muna kasi na mag-focus sa pag-aaral ko kesa sa mga ganyang bagay."
Malalim ang buntong hininga na pinakawalan ni Tristan at hinarap ang dalaga.
" Naiintindihan naman kita Miesha, handa naman akong maghintay, ang sa akin lang gusto ko sanang ipaalam sayo kung ano ang nararamdaman ko para sayo! Kaya please---bigyan mo naman sana ako ng chance and i swear na hindi ako magiging distraction sa pag-aaral mo.."
"Tristan---"
"Miesha please...i liked you at hindi ka mahirap mahalin---"
Napa-awang nalang ang bibig ni Miesha ng hawakan ni Tristan ang kanyang kamay at halikan iyon. Sa pagkakataon na iyon ay hindi na tumanggi pa si Miesha at hinayaan nalang niya na manligaw ang binata.
Lumipas ang mga araw at maging mga buwan, tulad ng sinabi ni Tristan ay hindi na nagawang pigilan ni Miesha ang panliligaw ng binata. Hinahatid sundo siya nito sa school at pag wala namang pasok ay sinasamahan siya nito sa farm para mamitas ng mga gulay at prutas. Hindi naging mahirap para kay Miesha na maging malapit kay Tristan lalo na at lagi niyang itong nakakasama at nakakwentuhan. Sa tulong ni Tristan ay nabawasan ang pangungulila niya sa kababatang Tyron. Sa pamamagitan din nito ay panandalian niyang nakalimutan ang mga pangakong napako ni Tyron.
*******
Sem-break, hindi na inaasahan ni Miesha na makikita niya ang kaibigan na si Tyron. Nakaramdam siya ng saya ng makita niyang pababa ng sasakyan ang kababata kasama si Donya Carmen para bumisita sa Hacienda.
Malaki na ang pinagbago nito,mas gumuwapo, mas pumuti at mas gumanda ang pangangatawan nito na halatang-halata dahil sa suot nitong sandong puti.
"Tyron!" masiglang tawag ni Miesha.
"Miesha.."
"kamusta ka na? Ang laki na ng pinagbago mo ah,binatang binata kana!"
"Ok lang ako Miesha, same to you--dalagang dalaga kana, ahhmm--if you don't mind, pwede bang maiwanan muna kita, siguro next time nalang tayo mag-usap kailangan ko pa kasing matulog.." wika ni Tyron.
Nakaramdam ng lungkot ang dalaga ng maramdaman na tila matabang ang pakikitungo sa kaniya ng binata. Ramdam niya na parang umiiwas ito na makausap siya at maging tumingin sa kaniya.
Agad naman lumapit sa kanya si Tristan ng makita na nalungkot siya dahil sa malamig na pakikitungo ni Tyron sa kanya.
" Are you okay?" tanong nito.
"ok lang, nagtataka lang ako bakit parang iniiwasan ako ni Tyron! Galit ba siya sa akin? May nagawa ba akong mali Tristan?" tanong ni Miesha.
"Miesha hayaan mo na muna si Tyron na magpahinga baka napagod lang sa biyahe, hayaan mo kakausapin karin nun..." ani Tristan.
Malungkot man ay wala ng nagawa si Miesha kundi ang tanggapin iyon.
Samantala, tila binibiyak ang puso ni Tyron sa nagawang pag-iwas sa kababata. Kasalukuyan siyang nakatayo sa teresa ng kwarto sa ikalawang palapag ng matanaw niya sina Tristan at Miesha na masayang nagku-kwentuhan sa garden habang nadidilig ng halaman. Gusto man niyang yakapin at kausapin ang kababata ay pinigilan niya ang sarili dahil sa pakiusap ng kanyang Kuya Tristan.
Mula ng kausapin siya ng kanyang kapatid na gusto nitong ligawan ang kanyang matalik na kaibigan at kababata ay minabuti nalang niya na lumayo para irespeto ang kagustuhan ng kanyang kapatid.
Minsan lang niya makitang masaya ang kanyang Kuya Tyron, minsan lang din ito lumapit sa kaniya para humingi ng pabor kaya hindi na niya natanggihan ng makiusap ito na tulungan siyang napasagot ang kababata. Kaya kahit sobrang miss na miss na niya ang kaibigang si Miesha ay hindi man lang niya magawang iparamdam ito.
Gusto ko man niyang yakapin ito ay hindi niya nagawa bagkus ay mas pinili nalang niyang ignorahin iyon dahil naroon ang kanyang kapatid na si Tristan.
Bitbit ang gitara na kanyang libangan ay tinungo ni Tyron ang kubo kung saan sila madalas tumambay ni Miesha. Mas gugustuhin nalang niyang balikan ang kahapon kesa makita na masaya na ang babaeng lihim niyang minamahal kasama ang kanyang Kuya Tristan.
Habang naghihintay sa paglubog ng araw, ang paboritong kanta ni Miesha ang unang pumasok sa isip niya. Napangiti nalang siya ng maalala ang unang beses na tinugtog niya ang paboritong kanta ng kababata.
ALAM KONG HINDI MO PANSIN
NARITO LANG AKO
NAGHIHINTAY NA MAHALIN
UMAASA KAHIT DI MAN NGAYON
MAPAPANSIN MO RIN...
MAPAPANSIN MO RIN....
ALAM KONG DI MO MAKITA
NARITO LANG AKO
HINIHINTAY LAGI KITA
UMAASA KAHIT DI MAN NGAYON
HAHANAPIN MO RIN, HAHANAPIN DIN..
PAGDATING NG PANAHON
BAKA IKAW RIN AT AKO
BAKA t***k NG PUSO KO'Y
MAGING t***k NG PUSO MO
SANA NGA'Y MANGYARI 'YON
KAHIT DI PA LANG NGAYON
SANA AY MAHALIN MO RIN
PAGDATING NG PANAHON
Hindi pa natatapos ang pagtugtog niya ng gitara ng marinig niya ang pamilyar na boses mula sa ibaba ng kubong iyon..
"Miesha, ano ginagawa mo dito?" sigaw na tanong ni Tyron.
"Narinig ko kasi paborito kong kanta kaya huminto ako. Bakit Tyron, bawal na ba ako dito?" malungkot na tanong ni Miesha.
"hindi naman nabigla lang ako ng tumawag ka.. Anong ginagawa mo dito bakit hindi mo kasama si Kuya Tristan?"
"Umalis si Tristan, pwede ba ako maki-join sa iyo? Malapit ng lumubog ang araw oh!" nakangiting wika ni Miesha.
"Pwede naman, sige bahala ka!' ani Tyron at hinantay na makaakyat ang kababata bago itinuloy ang kanta.
DI PA SIGURO BUKAS
DI PA RIN NGAYON
MALAY MO BALANG ARAW
DUMATING DIN IYON
PAGDATING NG PANAHON
BAKA IKAW RIN AT AKO
BAKA t***k NG PUSO KO'Y
MAGING t***k NG PUSO MO
SANA NGA'Y MANGYARI 'YON
KAHIT DI PA LANG NGAYON
SANA AY MAHALIN MO RIN
PAGDATING NG PANAHON
Natahimik nalang si Tyron sa bawat lyrics na nilalaman ng kanta. Pakiramdam niya na bawat salita ng kantang iyon ay tumatagos sa puso niya. Bawat salita na binibigkas sa awiting iyon ay para sa kanila ni Miesha.
Maaaring minamahal niya ang kababata ngunit hindi pa iyon ang tamang panahon para sa kanila.
"Tyron---"
"Uhmm??" tugon ni Tyron ng maputol ang pagmumuni-muni niya.
"Salamat dahil pinayagan mo ako na makasama ka ulit kahit sandali.
Simula kasi ng dumating ka napansin ko na hindi mo ko masyadong kinakausap at parang iniiwasan mo ako" siryosong wika ni Miesha.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng binata bago magsalita.
"Pasensya kana Miesha marami lang akong iniisip, busy lang din sa pag-aaral kaya wala akong masyadong oras maglakwatsa.." palusot ni Tyron.
"Ano bang iniisip mo? Ganoong ba kasiryoso kaya kahit ako wala kang time na kausapin manlang?"
"Nag-uusap na nga tayo di ba? Ano pa ba itong ginagawa natin?" tanong ni Tyron.
"Dahil wala ka ng choice, napilitan kana dahil nandito na ako.Ano bang nangyari Tyron bakit nagbago ka? dati ako ang lagi mong sinasabihan ng nangyayari sa buhay mo,ngayon napunta ka lang ng Manila parang di mo na ko kilala.!" tampong wika ni Miesha.
"hindi naman sa ganun kaya lang---" bitin na wika ni Tyron.
" Kaya lang ano? Siguro may girlfriend kana kaya ka ganyan! May nagbabawal na siguro sa iyo para makipagkaibigan sa babae!".
Napangiti nalang si Tyron ng makita ang reaction ng kababata. Gusto man niyang sabihin na walang ibang babae na nagmamay-ari sa kaniya ay hinayaan nalang niya dalaga sa iniisip nito.
"Tara na gabi na,baka hinahanap na tayo sa Hacienda!" pag-iwas ni Tyron at bumaba na ng kubong iyon.
Walang ng nagawa si Miesha kundi ang tahimik na bumaba ng kubo at sundan nalang ang binata.