-ANGELICA- Naging abala kami nitong mga nakaraang araw dahil tumulong kami sa pagdedesenyo ng resort na gaganapan ng birthday ni Lola. Gumawa rin kami ng program at nag-isip ng games. Inimbitahan ko si Jah at pumayag naman siya. Si Jared naman ay nag-text sa akin na makapupunta raw siya kaya tuwang-tuwa si Lola. Ngayong araw sila pupunta rito dahil bukas na ang birthday ni Lola. Nandoon na silang lahat. Naiwan lang kami ni Terrence para hintayin sina Jah at Jared. Napatingin naman ako kay Terrence ng magsalita siya. "Sino mas guwapo sa dalawang lalaking darating, Ate?" tanong niya habang nakahiga sa sofa. "Siyempre 'yong nobyo ko!" "Baka naman nasasabi mo lang po iyan dahil nobyo mo 'yon?! Halimbawa wala kang nobyo sa dalawa, sino ang mas guwapo?" "Si... Si Jared!"

