-ANGELICA- Hapon na at paalis pa lang kami papuntang Cavite. Kaninang umaga ay namili muna kami ng mga dadalhing pasalubong para kina Lola, Tita, Tito, at sa mga pinsan ko. Ngayon ay bibiyahe na kami. Commute lang kami dahil wala naman kaming sasakyan. Kanya-kanya kami ng dadalhin. Naglalakad na kami palabas ng village ng may tumigil na kotse sa harap namin. Nakita na lang namin na si Tita Roxanne pala iyon. Napansin rin namin ang pagtigil ng isa pang kotse sa likod nito. Bumaba si Tita Roxanne at lumapit sa amin. "Saan ang lakad ninyo, Quinie?" nakangiting tanong ni Tita Roxanne ng makalapit sa amin. "Pupunta kaming Cavite. Taon-taon kasi namin itong ginagawa tuwing mag-uundas," nakangiti ring sagot ni Mama. Napatingin ako sa likod ni Tita Roxanne ng makita kong naglala

