-MARIZA RIVERA- Napatayo ako ng marinig kong may tumigil na sasakyan sa tapat namin. Mukhang nandiyan na si Jared. Agad-agad akong lumabas ng bahay at sinara ang pinto. Tinulungan niya akong magsara ng gate bago buksan ang pinto ng kotse. Noong mga nakaraang araw ay napapansin ko ang pagiging sweet niya. Mukhang sinusubukan niya talagang ituon sa akin ang atensiyon niya. Hindi magtatagal ay mamahalin niya rin ako at kapag nalaman niya ang totoo ay patatawarin niya ako dahil sa puntong 'yon ay mahal na mahal na niya ako. Napatingin ako kay Jared ng magsalita siya. "Bakit ka nakangiti, Mariza?" nakakunot noong tanong niya bago pinaandar ang kotse. Hindi ko napansing nakangiti na pala ako. "Masaya lang ako dahil halos araw-araw na tayong magkasama!" nakangiting sagot ko. Tumango

