-ANGELICA- Nagising ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Nang tingnan ko ito ay bumungad sa akin ang mukha ni Katty. Saka ko lang naalala na nasa ibang bahay nga pala ako. Umupo ako kahit antok na antok pa. "Good morning Angel!" masayang bati ni Katty. "Good morning din! Anong oras na?" tanong ko habang umuunat-unat pa. "9:30 am na," sagot niya. "Hala! Kailangan ko nang umuwi. Marami pa akong tatapusin!" nagmamadaling sabi ko sabay tayo. "Relax lang, Angel. Kaya nga ginising na kita. Saka lahat naman tayo kagigising lang. Kumain na muna tayo. Hintayin ka na lang namin sa baba," wika niya. "Ganoon ba. Sige, saglit lang ako. Salamat!" tugon ko. Naligo, nagsepilyo, at nag-ayos ako ng mga gamit bago ako bumaba. Naabutan ko silang nag-uusap-usap. "Good morning Guys! So

