-ANGELICA- Tumagal kami ng isang oras sa pagkain. Paano ba naman may kasama pang kuwentuhan. Alas siyete na at naghahanda na kaming sumabak sa brainstorming. Nasa library kami ngayon at nakaupo sa sapin na inilagay namin sa lapag. Bawal kaming matulog hanggang hindi pa tapos ang script na gagawin namin. "Okay, Guys! Pili muna tayo kung anong genre ang gagawin natin. Any suggestion?" panimula ko. "Horror!" masayang sigaw ni Cheche. "Anong horror? Ikaw gaganap na multo?" pambabara ni Katty. "Hindi! Mas mukha kang multo sa akin!" pambabara rin ni Cheche. "Okay Guys, enough!" saway ko sa kanila. "Romance na lang! Tutal 'yon naman ang mas gusto ng mga manonood," wika ni Mariza. "Puwede rin!" sagot ko. "Haluan natin ng drama para maka-relate ang mga manonood," wika naman ni Jah

