-ANGELICA- Nasa classroom na kami ngayon at nagkukuwentuhan. Excited kaming mag-overnight. "Kahapon lang ako nagpaalam na mag-oovernight tayo," kuwento ni Cheche. "Ano'ng sabi? Pumayag naman?" tanong ni Katty. "Oo! Kaloka nga! Hindi ko pa nasasabi ang dahilan ay pumayag na agad!" sagot ni Cheche. "Sanay na yatang lagi kang naka-overnight!" natatawang pang-aasar ni Mariza. "Hoy! Hindi kaya ako laging naka-overnight! May tiwala lang talaga sila sa akin!" depensa ni Cheche. "Ganoon ba 'yon?" tanong ko. "Hindi naman. Depende lang 'yon sa mga magulang." paglilinaw ni Jah. "Bakit Angel? Hindi ka ba pinayagan?" tanong ni Ana. "Hindi puwede! Baka kung ano-ano lang gawin namin pag wala ka!" wika ni Katty. "Aminado na iba talaga ang pakay mo!" natatawang pang-aasar ni Mariza.

