-MARIZA RIVERA- I was driving my car pauwi ng mansiyon. It's already 4pm. Pagkagaling ko sa school ay dumiretso ako sa bahay ng Mom ko. Obviously hindi kami magkakasama, dahil may kanya-kanya ng pamilya sina Mom at Dad. Pinaalala lang niya sa akin ang birthday ng kapatid ko. Huwag daw akong mawawala. Tsk! As if may choice ako. Biglang tumunog ang phone ko. Gamit ang kanang kamay ay sinagot ko ang tawag. Naka-loudspeaker ito. "Hello, My Dear Cousin!" bati ni Luis sa kabilang linya. "What do you want?" naiiritang tanong ko. Tumawa naman siya ng malakas kaya pinatay ko ang tawag. Mambubuwisit na naman siya! Nakarating na ako sa mansiyon. Bumaba na ako at ibinigay ko ang susi ng kotse kay Manong Julius. Siya na ang bahalang mag-ayos noon. Marami pa akong gagawin dahil bukas na ang overnig

