-JARED COLTON- Maaga kaming nagising lahat dahil kailangan pa naming ayusin ang mga props. Kapag may liwanag na ay magre-record na lang kami. Tapos na rin naman kaming kumain. Napatingin ako kay Ate Jelly. Kahapon pa siya gumagawa ng kalokohan. Sinabihan ko na siya kagabi pero tinatawanan niya lang ako. Wala naman daw siyang ginagawang mali. Sumasakit lang ang ulo ko sa kanya. Bakit ko ba hinayaang sumama siya sa amin? "Ate Jelly, tulungan ko na po kayo sa pagbubuhat!" alok ni Mariza kay Ate Jelly. "Hindi na! Kaya ko naman!" wika ni Ate Jelly sabay lakad paalis. Naiwan namang nakatayo roon si Mariza. "Angel! Patulong naman ako sa mga bitbit ko. Ang bigat kasi!" umaarteng wika ni Ate Jelly kay Angel. Nag-uumpisa na naman siya sa mga kalokohan niyang nakakasakit. Nilapitan ko si Mar

