CHAPTER 35

1312 Words

-ANGELICA- Nagising ako sa katok na nagmumula sa labas ng pinto. Minulat ko ang mga mata ko at napatingin ako sa paligid. Saka ko lang naalala na nasa beach house na pala kami nina Mariza. Pagkarating namin kaninang umaga ay kanya-kanya kaming diretso sa kuwarto na naka-assign sa amin. Natulog muna kami at napag-usapang sa hapon na lang simulan ang pag-video. Tumingin muna ako sa phone ko para malaman ang oras. Tanghali na pala. Bumangon ako at pinagbuksan ang kumakatok. "Angel! Gising ka na! Kakain na tayo!" masiglang wika ni Katty. "Sige, susunod ako. Maghihilamos lang ako," tugon ko bago isara muli ang pinto. Dumiretso ako sa cr. Naghilamos at nagsepilyo ako. Itinali ko rin ang buhok ko, pagkatapos ay bumaba na ako. Naabutan ko silang nag-uusap-usap sa sala. Napatingin naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD