-ANGELICA- Nagising ako ng marinig ko ang tunog ng aking alarm clock. Tumayo ako saka ito pinatay. Dumiretso ako sa cr para maligo at mag-ayos. Inaantok pa talaga ako pero kailangan ko ng kumilos. Nakakahiya naman kung mahuhuli ako. Nang matapos ako ay kinuha ko na ang mga gamit ko. Isang maleta at isang shoulder bag. Pababa na sana ako ng tawagin ako ni Papa. Siya na ang nagbuhat ng maleta ko pababa. Naabutan kong nandoon na si Jah kausap ni Mama. "Good morning, My Angel!" masiglang bati ni Jah. "Good morning din! Kanina ka pa ba? Ang aga mo!" tugon ko sa kaniya sabay upo sa sofa. "Medyo lang. Excited lang ako. Kumain muna tayo saglit bago umalis. Nagluto si Tita." "Okay, sige. Mag-commute ba tayo?" tanong ko sa kaniya habang papunta sa silid-kainan. "Hindi. Sa kotse tayo sas

