-ANGELICA- Pagkatapos naming magkaayos ni Mariza ay halos hindi na rin kami nagkausap dahil sa sobrang busy. Ngayon nga ay hindi kami mapakali dahil bukas na ang defense namin. "Cheska, kumusta ang printed copies ng thesis natin?" tanong ko kay Cheska pagkarating na pagkarating ko sa classroom. "Ate Angel... Hindi ko pa po napapa-print. Sorry po," mangiyak-ngiyak na sagot niya. Napatigil ako sa sinabi niya pero inunawa ko na lang siya. "Maaga pa naman. Let's go! Magpa-print na tayo tutal wala ng klase ngayon," nagmamadaling wika ko sa kanya bago kunin ang bag ko na wala halos laman. Pumasok lang talaga ako para asikasuhin ang thesis namin. Wala ng klase dahil defense na bukas at sembreak na ang kasunod. Palabas na ako ng room ng may tumawag sa akin. Nilingon ko ito at na

