-WILLIAM SKY- Nandito ako ngayon sa sala nina Angel. Kanina pa umalis ang mama at papa niya para pumasok sa trabaho. Kukuha kami ng mga requirement. Kailangan naming makumpleto agad iyon para mauna kami. Sa totoo lang ay isang tawag ko lang ay tapos na iyang mga requirement na iyan, kaya lang ay kailangan kong samahan si Angel. Okay lang sa akin 'yon para magkasama kami ng matagal. Two days ko rin siyang hindi nakita dahil may mga inasikaso ako at pahinga naman niya. Pababa na si Angel at may kausap siya sa phone. Nang makalapit sa akin ay saka niya binaba ang tawag. "Sino ang kausap mo?" tanong ko sa kaniya pagkatapos kong tumayo. Humarap siya sa akin bago ako sinagot. "Kanina ang kausap ko ay si Jared. Nag-usap kami tungkol sa pagpapa-book bind ng thesis namin. Magkita

