-ANGELICA- Pagkakuha ni Jared ng libro ay umalis na lang siya bigla. Galit ba siya? May nasabi ba akong mali? Napatingin ako kay Ate Jelly nang magsalita siya. "Huwag mo na siyang isipin, baka napagod lang," nakangiting wika niya bago namin pinagpatuloy ang paghahanap ng mga libro. Naisip ko bigla kung ano nga ba ang kalagayan ni Jared. Bakit parang lagi siyang nahihilo? "Ate, puwede pong magtanong?" tanong ko kay Ate Jelly. Lumingon naman siya sa akin bago sumagot. "Sure! Tungkol saan ba?" nakangiting tugon niya habang naghahanap ng libro. "Napapansin ko po kasi na dumadalas ang pagkahilo ni Jared. Ano po ba'ng kalagayan niya? May sakit po ba siya?" curious na tanong ko. Napatigil naman siya sa ginagawa ng marinig ang tanong ko. Seryosong humarap siya sa akin.

