-JARED COLTON- Maayos na ang pakiramdam ko kaya puwede na akong pumasok ngayon. Nag-text na rin ako kay Mariza na susunduin ko siya, kaya lang sabi niya ay huwag na muna dahil kagagaling ko lang sa sakit. Hindi ko na siya pinilit. Pababa na ako ng hagdan ng makita kong pababa na rin si Ate Jelly. "Good morning, Ate Jelly! Naihatid mo po ba si Angel kahapon?" wika ko sa kaniya habang sumasabay sa pagbaba. "Oo naman! Takot ko lang sa iyo! Oo nga pala, napagplanuhan namin kahapon na dito kayo gagawa ng thesis mamaya!" excited na wika niya. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit hindi niya sinabi agad? Wala man lang akong alam. "Dapat sinabi mo po sa akin kahapon para naman may alam ako," napapakamot sa ulong sabi ko sa kaniya. "So, kasalanan kong hindi ka sumabay sa amin kumain

