-ANGELICA- Kasalukuyan naming tinutulungan si Mama sa pagluluto ng dadalhin naming pagkain kina John. Napag-usapan kasi namin na lahat kami ay magdadala ng pagkain at pagsasalu-saluhan na lang namin. Ang pinili namin na dadalhin ay Bico, Lumpiang Shanghai, at Carbonara. Pinagtutulungan na namin itong lutuin para pagdala namin doon ay kakainin na lang. Masakit nga lang sa ulo ang katulong namin dahil panay ang kain nila. Hindi pa yata makararating ito sa bahay nina John dahil kina Terrence at Leo pa lang ay ubos na. "Leo! Terrence! Doon na lang kayo sa sala! Hindi talaga kayo nakatutulong! Kami na lang dito!" naiinis na wika ko sa kanila. Lumabas naman agad sila kasama si Jah. Mabuti ay hindi na sila nagpasaway pa. Lumapit sa akin si Billy at bumulong. "Ate, alam na po ba ni K

