-ANGELICA- Tatlong araw na ang nakalipas simula ng araw na ibinigay ni Jared ang kuwintas na ito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan niya kung bakit niya ito ibinigay sa akin. Sinubukan ko na ring tanungin sina Mariza, Cheche, Ana, at Katty kung binigyan ba sila ng regalo ni Jared pero ang sinasabi lang nila ay hindi. Mas lalo akong nagtaka at naguluhan. Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig kong may kumakatok. Binuksan ko ito at bumungad sa akin si Billy. "Ate, pinapatawag ka na po ni Lola. Umalis na raw tayo para matahimik daw kahit saglit ang bahay. Naririndi na raw siya kina Terrence at Leo," nakukunsumeng wika niya. "Isasama ba talaga natin sila?! Tayo naman ang magkakaproblema!" "No choice tayo, Ate. Sila ang magdadala lahat ng ipapamili natin. Doo

