-ANGELICA- Pagkapasok na pagkapasok namin sa classroom ay nagulat ako sa nadatnan. Ang mga kaklase ko ay may kanya-kanyang hawak. May mga baloon, cake, banner, at party popper. "WELCOME BACK, ANGELICA!" sigaw nilang nakangiti. "Frenny! We miss you!" sigaw ni Katty sabay yakap sa akin. "I miss you too!" "Best!" sigaw ni Mariza. "Best friend, I miss you!" "I miss you more!" sabi niyang ngiting-ngiti. "Pasaway kayo. Nag-abala pa talaga kayo!" "Actually, nakisabit lang kami. Si Red talaga ang naghanda ng lahat," paliwanag ni Ana. Napatingin ako kay Red. Nakangiti siyang nakatingin sa akin kaya napangiti na rin ako. "Salamat! Hindi ka na dapat nag-abala pa!" "Basta para sayo, My Angel!" "Ayieee!" sabay-sabay na asar ng lahat. Nakaramdam ako nang hiya kaya napayuko ako. Nar

