-WILLIAM SKY- Nandito na kami ni Angel sa SM North. Kasalukuyan kaming nasa Department store. Sinusundan ko lang siya kung saan siya pupunta. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may chance na sagutin niya ako. Nalungkot lang ako ng hindi siya makasagot sa huling sinabi ko sa kanya. Okay lang! Hindi pa rin ako titigil hanggang sabihin na niya sa akin ang tatlong salitang iyon. Nawala ako sa pag-iisip ng tawagin ako ni Angel. Napatingin ako sa kanya. May tinatanong siya sa akin pero hindi ko iyon maintindihan dahil busy ako sa pagtitig sa kanya. Bakit ang ganda niya? Lalo na kapag nakangiti. "Hey! Jah!" tawag niya sa akin habang kinakaway niya ang kanyang kamay sa mukha ko. "Ahh... Ano ulit 'yon?" tanong ko sa kaniya nang mahimasmasan ako sa pagkatitig sa kanya. "Ano

