-ANGELICA- Natagalan kami sa aming biyahe dahil na rin sa maraming mga estudyante ang papauwi pa lang at marami ring namimili ngayong buwan ng Disyembre. Grabe na ang traffic nitong mga nakaraang araw. Nang sa wakas ay nakarating na kami. Nag-park muna kami bago sabay-sabay na pumasok sa loob ng mall. Sobrang dami rin ng tao kahit tanghaling tapat. Dumiretso na kami sa McDo dahil alam naming kanina pa naghihintay sina Mariza at Jared. Pagpasok namin sa loob ay pahirapan pa dahil marami ng kumakain. Nakita namin sila sa dulong bahagi at mukhang pinaayos nila ang mga lamesa at upuan para magkasya kami. Nang makalapit na kami ay saka lang namin napansin na may kausap pala silang lalaki. Sino kaya iyon? Nakatalikod siya kaya hindi namin makita ang mukha. Nakita agad kami ni Mariza kaya tum

