What the f**k?! Awtomatiko ko na lang na naibuga ang iniinom ko dahil sa sinabi niyang iyon. “What the hell, Zero?!” Sigaw ko ngunit tipid siyang natawa. “I’m just kidding.” Aniya at saka yumuko habang nakasara ang mga kamao niya. Nagsalubong ang kilay ko dahil doon. “Humarap ka nga sa ‘kin. Anong problema? You’re acting really weird, nag-away ba kayo ni Aki?” Tanong ko. Tumingala naman siya at saka binaling sa akin ang tingin. “Hindi kami nag-away, it’s just that... Nahihirapan na ako.” “Nahihirapan saan? Kanina ka pa nagsasalita ng kung ano-ano. Kanina nag-sorry ka ng walang dahilan, what’s the problem?” Tanong ko. Tumayo naman siya at saka naupo rito sa kama katabi ko. “Nothing, matulog ka na.” Ginulo niya pa ang buhok ko habang nakangiti. Nag-iba talaga ang aura niya. Ano bang na

