Erin’s POV “Her brain deprived of oxygen due to blood loss, the patient is in coma.” Awtomatiko akong napaupo nang ibungad sa akin iyon ng doctor pagkalabas ng operating room. “Erin.” Hingal na tawag ni Zero, agad ko siyang nilingon at niyakap. Hindi ko na rin napigilan ang paglabas ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan habang nasa ambulansya. In the end ako pa rin ang naghatid kay Akira rito sa hospital. “May nakita ka ba? May nahabol ka?” Nagmadali akong punasan ang luha ko nang kumalas ako sa pagyakap. Hinintay kong magsalita si Zero ngunit tanging pag-iling lang ang isinagot niya sa akin. Sobrang nanghihina ang tuhod ko sa mga nangyayari kaya hindi ko na napigilan ang mapaupo. I was so lost in thought na hindi ko na naiisip kung anong itsura mayroon ako ngayon. Punong-puno ng

