bc

Almost a Lifetime (Complete | Free-to-Read | Filipino)

book_age18+
32
FOLLOW
1K
READ
family
HE
second chance
decisive
single mother
drama
sweet
bxg
lighthearted
campus
highschool
childhood crush
love at the first sight
civilian
like
intro-logo
Blurb

What could have been if she had just told him how she truly felt? Iyan ang malaking question mark sa isip ni Lia Beatriz Salazar kung paano niya sikretong minahal si Vince Alvaro Reyes noong sila ay nasa senior high school. She thought her feelings for him were just a phase. Minahal niya ito kahit may nagmamay-ari na ng puso ng binata. But after graduation, life pulled them apart. Years of distance convinced her that she had finally moved on. Two years later, fate draws them back together---this time under one roof. Dito nadiskubre ni Lia kung bakit patuloy pa ring nasasaktan si Vince dahil sa kanilang nakaraan. And Lia? She's not sure if her heart is forcing her to believe that she doesn't love him anymore... or secretly hoping that she still does. In this story of "almost," kailangang magdesisyon nina Lia at Vince. Will they keep running from what they feel, o haharapin na nila ang katotohanang matagal nang naghihintay?

chap-preview
Free preview
Chapter 1.1: When We Were Strangers
ALAS-SIYETE PA lang ng umaga, pero ramdam na ni Lia ang init ng araw. Siksikan din sa jeep, at sa bawat preno at arangkada nito ay lalo siyang naiipit sa pagitan ng mga pasahero. Sinubukan niyang kumapit sa strap ng kanyang sling bag habang pinupunasan ang manipis na pawis sa kanyang batok. Makalipas ang halos sampung minuto, narating na rin niya ang private school na matagal na niyang pinapasukan—ang St. Matthew Academy of Manila. Agad siyang sinalubong ng magkahalong lamig ng hangin at tirik na sikat ng araw nang bumaba siya ng jeep. She clutched her sling bag and scanned the familiar school grounds. Bagong school year. Bagong classroom. The same old butterflies in her stomach. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya habang pinagmamasdan ang paaralang naging ikalawa na niyang tahanan. Simula noong junior high hanggang ngayong senior high, hindi niya pa rin magawang lisanin ang eskwelahang ito. Dito kasi nabuo ang karamihan sa kanyang core memories. At kung lilipat man siya sa iba, sigurado siyang may mga taong mamimiss niya ng sobra. Huminga siya nang malalim, pilit niluluwagan ang dibdib na tila hinahawakan ng kaba. Kaya mo ’to, Lia, sambit niya sa sarili. Mabilis siyang naglakad patungo sa main gate ng SMAM. Mula sa malayo ay natanaw na niya ang pamilyar na guard. Para sa mga nag-aaral sa SMAM, kilala na ang istriktong bantay sa campus na hindi nagpapapasok kapag wala kang dalang ID. Agad siyang napatingin sa kanyang dibdib at napabuntong-hininga nang makitang suot niya ang kanyang ID. Buti na lang, hinga niya nang maluwag. Nang tuluyan na siyang makalampas sa malaking gate, muling sumiksik ang kaba sa kanyang dibdib. Laging ganito tuwing unang araw ng klase. Kahit ilang beses niyang sabihing kaya niya, may bahagi pa rin ng sarili niya ang gustong umatras. Dahil dito ay marahan niyang inalog ang dalawang kamay upang mawala ang nararamdaman niyang tensyon sa buong katawan. Pinapakalma niya ang sariling hindi mapakali. Normal lang ‘to, sabi niya sa sarili. Mawawala rin ito kapag nakilala ko na ang mga classmate ko. STEM, o Science, Technology, Engineering, and Mathematics strand, nga pala ang pinili niya sa senior high. Balak niya kasing kumuha ng Nursing pagdating ng kolehiyo dahil isa ito sa mga pangarap na matagal na niyang pinanghahawakan. For almost two years, naging maayos ang takbo ng pag-aaral niya. Kahit mahal ang tuition sa SMAM, ginagawa niya ang lahat para manatili sa top ng buong klase. Paulit-ulit kasing umaalingawngaw sa isip niya ang bilin ng kanyang ama—"Make me proud. Do well in your studies." At kapag mataas ang grades niya, pangako ni Ramon, ang kanyang ama, na pag-aaralin siya nito sa isang magandang unibersidad sa abroad. Gusto niya iyon, kaya hindi siya nagpapakampante. Isang ambivert si Lia. Kaya niyang makisalamuha sa lahat, pero mas komportable siya sa isang tahimik na sulok kasama ang sarili. Kaunti lang ang kanyang mga kaibigan at madalas, mas pinipili niya ang mag-aral kaysa sa iba. Isang tipikal at responsableng estudyante lang siya kung tutuusin. Makalipas ang ilang minutong paglalakad, agad na niyang narating ang STEM Building. Mabilis niyang kinuha ang COR mula sa bag upang tingnan ang kanyang class schedule. “Practical Research 2 – Room 108.” Tumingala siya upang hanapin ang numero ng silid. Dahil hindi siya biniyayaan ng katangkaran, kailangan pa niyang tumingkayad para mabasa ang mga numerong nakapaskil sa itaas ng pinto. “Room 100... 101... 102... 103... 104... 105…” Hindi pa siya nakakarating sa Room 106 nang may bumangga sa kanyang balikat. Hindi iyon gaanong malakas pero sapat iyon para mapalingon siya sa lalaking bumangga sa kanya. “Sorry,” sabi ng lalaki. Ni hindi man lang ito lumingon at patuloy lang itong dumaretsong naglakad paalis sa kanyang kinatatayuan. Naiwang nakabusangot si Lia habang tinitingnan niya ang likod ng lalaking bumangga sa kanya. Sa uniporme pa lang na suot nito, halatang STEM student din ito kagaya niya. Ngunit imbes na patulan, napailing na lang siya at ipinagpatuloy ang paghahanap sa kanyang classroom. “Lia!” Napahinto siya’t napalingon sa malakas na boses na tumawag sa kanya. Pagtingin niya sa harapan, nakita niyang kumakaway si Xyriel habang patakbong papalapit ito sa kanya. Nakangiti pa ito na parang walang bahid ng kaba sa mundo. Si Xyriel Zambrano—ang maingay niyang kaibigan na halos taon-taon niyang kaklase sa iba’t ibang subject. “Nandito ka? Ano’ng subject mo today?” hingal na tanong nito nang ito’y tuluyang makalapit sa kanya. “Practical Research 2. Ikaw?” Biglang napasigaw si Xyriel. Halos mapatingin sa kanila ang ibang mga estudyanteng nakatambay sa hallway nang tumili ito. “Hoy! Same! Patingin nga ng class schedule mo.” Ibinigay ni Lia ang papel na kanina pa niya hawak-hawak. Sabay silang napamulat nang makita ang pareho nilang schedule sa klase. “Hala ka, Te! Magkapareho ulit tayo ng schedule! Last year din ganito nangyari!” “Oh my God, seryoso?” “Oo! Kita mo ‘yan. Meant to be talaga tayo as best friends, ‘Te,” nakangising sabi ni Xyriel. “OA mo. Kung ikaw masaya na magkasama ulit tayo this school year, ako naman, e, maiiyak dahil maririndi na naman ako sa ‘yo,” sagot ni Lia at nagkunwari pa siyang iritable. “Grabe siya, o,” natatawang sagot ni Xyriel. But deep inside, may namumuong guilt sa dibdib niya dahil totoo ang sinabi ng kaibigan niya. “Hayaan mo. Promise, hindi na ako magiging madaldal this year.” Itinaas pa nito ang kanang kamay na parang nanunumpa. “Talaga lang, ha?” “Oo naman. At saka, alam mo, swerte natin, ‘Te. Balita ko may classmate tayong pogi. Si Vince Alvaro Reyes—‘yung matalino sa batch natin. Usap-usapan na sa Room 108 din daw ang klase nito sa PR 2. ‘Di ba, doon din tayo,” bulong sa kanya ni Xyriel. Napaismid si Lia. “Sino ‘yon? Hindi ko siya kilala.” “Hala! ‘Te, si Vince?! ‘Yung gwapo sa STEM! Siya nga ‘yung kumanta ng “I Think I’m Fallin’” ni Janno Gibbs noong intrams!” Napailing siya. “Wala ako noon, ‘di ba? Nagkasakit ako.” “Ah oo nga pala. Basta, makikilala mo rin siya. Ang chismis, ka-blockmate raw natin ngayong taon. So expect na makakasama natin siya the whole year!” excited na excited na sabi ni Xyriel kay Lia. “Ganun ba,” mahinang tugon na lamang niya. Sa totoo lang, pamilyar sa kanya ang nasabing pangalan ng kaibigan. Hindi lang niya maalala kung saan niya ito narinig. Hanggang sa may naalala na nga siya. Ito ba ‘yong may jowang varsity player? Hindi siya sigurado. Dahil ayaw niyang ma-stress sa first day of school, binale-wala na lang niya ang iniisip at hinayaang hilahin siya ni Xyriel papunta sa Room 108 nang mapagtanto nila na malapit nang mag-alas otso. Pagpasok nila sa Room 108, napansin agad ni Lia ang mga mukhang hindi pamilyar sa kanya. May ilan sa kanila na medyo pamilyar ang mga mukha, pero hindi niya gaanong naging close ang mga ito. ‘Yong iba naman ay hindi niya talaga lubusang kilala. Dahil dito ay hindi napigilan ni Lia na kumapit sa kamay ni Xyriel. Isang tahimik na senyales na agad naramdaman ng kaibigan kung ano ang ibig sabihin niyon. “Mukhang back to zero tayo rito, ‘Te,” bulong ni Xyriel sa kanya. “Halos wala tayong kilala sa kanila. Nasa kabilang block siguro ‘yong mga dating naging kaklase natin last year.” Nagkibit-balikat si Lia. “No choice. Doon na lang tayo umupo sa likod.” Tumango si Xyriel bilang pagsang-ayon bago sila sabay na pumasok sa loob at naglakad patungo sa likod ng classroom. Pinili nilang umupo sa pinaka-huling hilera ng mga upuan, malapit sa may bintana. Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating na rin ang kanilang teacher sa PR 2. Mabilis na nagkatinginan sina Xyriel at Lia nang makilala ang guro—si Ms. Leah Dimagiba Castro. Dali-dali namang pumasok ang ilang estudyanteng nakatambay sa labas nang mapag-alaman na ang istriktang si Ms. Castro ang kanilang guro sa PR 2. ‘Yong mga estudyanteng nanatili naman sa loob ay agad ding umayos ng upo. May ilan pa sa mga ito na nagtatawanan at nagkukuwentuhan nang pumasok si Ms. Leah Castro, pero natahimik din ang kanilang mga bibig nang ihagis ng matandang teacher ang makapal na libro sa mesang nakatayo sa unahan. Halos mapatalon naman sa upuan sina Xyriel at Lia dahil sa malakas na pagbagsak ng librong itinapon ni Ms. Castro. “What is the commotion all about?” malamig na tanong ng matandang teacher sa kanila habang nakapamewang ito’t nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanilang lahat. Ni isa sa kanila ay walang sumagot. Tuluyan na ngang bumalot sa kabuuan ng classroom ang katahimikan, na kahit ang tunog ng lamok ay mukhang maririnig na yata nila. “You’re all in Grade 12 now. I expect more maturity,” pagpatuloy ni Ms. Castro sa matigas nitong tinig. Habang patuloy na nagsasalita ang guro, hindi maiwasan na mapatingin si Xyriel sa kaliwa niya nang makitang may isang lalaking umupo sa katabi nilang upuan. Kung tutuusin ay tatlong upuan lang ang agwat nila sa lalaking iyon, at nang makilala ni Xyriel kung sino ito, halos mapatili siya dahil sa tuwa. Mabuti na lang, mahigpit siyang napahawak sa kamay ni Lia. Kunot-noo namang napatingin si Lia sa kaibigan na tila ba parang nagpipigil na huwag mapaihi sa salawal. “Oh my God! Si Vince!” bulong pa nito. Tinuturo pa niya ang lalaking walang kamuwang-muwang sa kanila. “‘Wag kang maingay. Just save it later,” bulong ni Lia upang tumigil na si Xyriel sa pangingisay nito dahil sa nararamdamang kilig. Mahirap na baka makita sila ni Ms. Castro at pagalitan silang dalawa. Mayamaya, nagsimula nang mag-discuss si Ms. Castro sa harap tungkol sa kanilang syllabus. Abala naman ang lahat sa pagsusulat sa kanilang notes habang nagsasalita ang matandang guro. Nasa kalagitnaan na sila ng isang oras nang muling mag-announce si Ms. Castro. “So today, we’ll be forming groups for your year-long capstone project. This will determine a big chunk of your final grade.” Nagulat ang lahat sa malaking anunsyo ng guro, lalo na sina Lia at Xyriel. First day of school pa lang, pero may mangyayaring grupuhan na kaagad para sa kanilang research project sa PR 2. Kahit labag sa kalooban ay wala silang nagawa kundi sundin ang gustong mangyari ng kanilang guro. Maya-maya, nagsimula nang magtawag ng mga pangalan si Ms. Castro para sa Group 1 at Group 2. Nang dumating sa puntong ang mga pangalan para sa Group 3 na ang tatawagin, tahimik na nakinig si Lia sa kanyang upuan. “Okay, sit down now, Group 2. Now, let’s proceed to Group 3. When I call your name, please stand up and form your group here,” utos ni Ms. Castro habang tinuturo nito ang kabilang panig ng silid. “REYES, VINCE ALVARO. SALAZAR, LIA BEATRIZ. SANCHEZ, DENISE. And lastly, SANTOS, ANGELO. Please form your group here. Faster!” sigaw ng guro habang may kasamang pagpalakpak. Hindi agad na-proseso ni Lia ang utos ng guro dahil isa sa mga pangalang binanggit nito ang nakakuha ng kanyang pansin. Vince Alvaro Reyes? Naputol ang pag-iisip niya nang biglang sumigaw ulit si Ms. Castro. Mabilis na tumingin si Lia kay Xyriel upang magpaalam na lilipat siya ng upuan. Kitang-kita niya sa mukha ng kaibigan ang gulat nang siya’y tumayo. Kinuha niya ang kanyang sling bag at dali-dali lumipat sa kabilang panig ng upuan upang makisama sa Group 3. As she sat down on her assigned seat, she noticed an empty chair beside her. She glanced around and wondered who was missing. Then, when she looked from the other side of the room, there was a guy standing up and walking towards them. He had fair skin, tousled hair, and sleepy-looking eyes. His polo was a little wrinkled, but he had that effortless cool aura. At nang makilala niya kung sino ang lalaking ito, doon nagsimulang mamilog ang kanyang mga mata—it was the guy who bumped her in the hallway. Kahit hindi niya nakita ang mukha ng lalaking bumunggo sa kanya kanina ay kilalang-kilala naman niya ang tindig nito, at hindi nga talaga siya nagkakamali. “So this is Vince Alvaro Reyes?” sabi ng kanyang isip. “Pero teka… bakit parang narinig ko na ang pangalan niya? Saan ko nga ba ‘yon narinig? Ah, oo, siya nga pala ‘yong may jowang volleyball player dito sa school tapos—” “Hi.” Naputol ang pag-iisip ni Lia nang magsalita ang lalaki sa kanya. Nang itaas niya ang tingin dito, nakita niya kung paano ito tipid na ngumiti, dahilan upang lumabas ang dalawang biloy sa magkabilang-pisngi nito. Naramdaman ni Lia na halos maiatras na niya ang dila nang subukan niyang magsalita. “H-Hello,” she said. Sinubukan niyang alisin ang tingin sa lalaki dahil hindi niya nagugustuhan ang pagbilis ng kabog ng puso niya. Hinayaan lang niyang umupo ito sa tabi niya bago ito muling nagsalita. “I’m Vince,” he said while smiling at her. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa katabi. Sinubukan din niyang ngumiti kahit tipid lang. “Lia,” she replied with a shy smile. Nang makitang gustong makipag-shake hands si Vince, doon siya parang naging estatwa habang nakatingin sa kamay nitong nananatiling nakalahad. “Hindi madumi ang kamay ko,” sabi pa nito na siyang bumalik sa kanyang pagkatao. Nahihiyang napailing tuloy siya. “Sorry. May iniisip lang,” pagdadahilan niya bago pa niya kinuha ang kamay nito upang makipag-shake hands. “Nice to meet you, V-Vince.” “Nice to meet you too… Lia,” he said, smiling again. Nang mapansin ni Lia na nakatitig lang si Vince sa kanya, agad niyang inalis ang tingin sa lalaki dahil nakararamdam siya ng awkwardness dito. After that, they both fell silent. Matapos ang grouping, hindi tuloy maiwasan ni Lia na mapalingon sa likuran. Nakita niya roon si Xyriel at halos hindi maipinta ang mukha nito sa inis nang makita na magkatabi sila ni Vince. Napangiti siya. Alam niyang inggit na inggit ito sa kanya ngayon. Maya-maya, inilipat ni Lia ang tingin sa bago niyang katabi, at may kung anong puwersa ang nagpangiti lalo sa kanyang labi nang pagmasdan niya ulit ang gwapong mukha ng lalaki. At doon… tuluyan ngang bumilis ang t***k ng kanyang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.5K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.6K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook