It had been a week since Lia last went to school after undergoing dental surgery. The dentist who performed the procedure had advised her to take time off to rest and avoid a relapse. She was also prescribed medicine to reduce the swelling.
For that entire week, Lia stayed home. Since her mother, Rosalie, still had to go to work, Lia had no choice but to be alone. Hinahanda lang ni Rosalie ang kanyang pagkain at gamot bago ito umalis ng bahay, para hindi na siya masyadong kumikilos. Baka nga raw mabinat siya—iyon ang laging bilin ni Rosalie.
Lia was beyond restless. Each day dragged on like a slow drip of time. She was sick of lying in bed, sick of the silence. No conversations, not even online.
Occasionally, Xyriel would message her to check in, but even those chats were short-lived. Her best friend was also swamped with classes.
With nothing better to do, Lia ended up falling asleep again and again, as if sleep could fast-forward her through the dullness.
Sa mga nakaraang araw, hindi rin maalis-alis sa isipan ni Lia ang katotohanang matalik na magkaibigan noon ang ina ni Vince at ang kanyang ina. Kuwento ni Rosalie sa kanya matapos silang pumunta sa dentista: magkapareho raw sila ng kursong kinuha sa kolehiyo. Nagkakilala sila dahil magkatabi sila sa upuan noong first day of school.
Tahimik, grade-conscious, at probinsyana raw ang ina niyang si Rosalie, habang ang ina naman ni Vince na si Maricel ay isang outspoken city girl—always late and always loud.
But despite their differences, they clicked instantly. Rosalie helped Maricel with papers and quizzes; Maricel helped Rosalie come out of her shell and experience life beyond books, kahit na nagtatrabaho ito bilang part-time kasambahay.
They were inseparable, kwento pa ni Rosalie sa kanya.
Ngunit pagkatapos ng college, nawala ang kanilang komunikasyon. Nang mag-asawa si Rosalie, parang sinulid na naputol bigla ang koneksyon nila ni Maricel.
Until, just a few days ago, fate brought them back together in the most unexpected place. After all those years, they had crossed paths again. And not only that—Lia and Vince saw each other that same day, too.
Pagkatapos ng araw na iyon, napagkasunduan ng dalawang dating magkaibigan na magkaroon sila ng family lunch gathering kasama ang kanilang mga anak.
Sa ideyang iyon, hindi alam ni Lia kung ano ang mararamdaman niya. Kinakabahan siya, nae-excite, at nahihiya—ewan. Gusto pa nga niyang hindi na lang sumama, pero kung magpapaalam siya sa ina, siguradong magagalit ito.
Kaya siguro, hahayaan na lang niyang mangyari ang mga dapat mangyari sa darating na weekend. Kakain lang naman sila, eh. Sigurado si Lia na ang dalawang ginang lang ang magku-kuwentuhan ng matagal sa nalalapit nilang family lunch gathering.
Pagkatapos ng isang linggo, medyo nawala na rin ang pamamaga ng ngipin ni Lia. Kaya kailangan na rin niyang pumasok muli sa eskwelahan—dahil base pa lang sa mga kwento ni Xyriel, mukhang marami siyang hahabuling lab reports at assignments.
Monday. Practical Research 2 Class.
Lia arrived early at the STEM building. As she stepped into Room 108, she came to an abrupt stop when a boy walked out of the classroom at the same time.
It was Vince.
“Ay—sorry,” he said as he passed by her, leaving the room.
Lia brushed it off, even though she felt the slightest tug in her chest from their near collision. But what truly caught her off guard was when she heard her name calling him.
“Lia?”
Nanumbalik ang kanyang kaba. Napahinto siya sa pagpasok at humarap sa lalaki. May kung anong kiliti siyang muling naramdaman sa kailaliman ng kanyang puso.
“Ha?”
“Kumusta ka na? Okay na ang ngipin mo?” tanong ni Vince.
In that moment, Lia could feel her heart race out of nowhere. She couldn’t understand why. He was just checking up on her—why did her heart have to overreact like this?
Still, Lia kept her composure. She didn’t want him to see the mess her heart had turned into just from hearing his voice. She gave a small nod and a faint smile. “O-Okay naman. Medyo gumagaling na.”
Bakit alam ni Vince na namaga ang ngipin ko? Ay, oo nga pala. Nagkita nga pala kami ro’n sa may dental clinic.
“Ah… ganun ba. Pero may iniinom ka namang gamot, ’di ba?” tanong pa ni Vince sa kanya.
Bakit sobrang concerned naman nitong si Vince sa akin? naisip niya.
Muli siyang tumango ng ulo. “Oo naman. Meron pa.”
Vince nodded back, as if affirming what she said. “Mabuti kung gano’n.”
And then… silence. Everything around them seemed to pause. They just stood there, looking at each other, unsure of who should speak next.
Dahil sobrang naiilang na si Lia sa kanyang kinatatayuan—lalo na sa titig ni Vince sa kanya—ay nagpasya siyang magsalita. “U-Una na ako, ah.”
“Sure. Sure. Ahmm… wait—”
She stopped again and turned back to him.
“Ano… ahmm… kung gusto mong humiram ng notes para makabawi man lang sa klase last week, meron ako.”
Lia was beginning to feel confused by how Vince was acting. His words felt… random. Out of the blue. And honestly, she was starting to overthink. Bakit gano’n? Bakit bigla siyang ganyan sa akin? Hindi naman siya ganyan, ah?
Still, she gave another nod. “S-Sige. Salamat.”
At pagkatapos niyon ay nagpaalam na ulit si Vince na may pupuntahan lang daw, at si Lia naman ay pumasok na sa classroom.
Nang umupo siya sa kanyang assigned seat, halos hindi niya maitago sa sarili ang kilig na nadarama. Natatawa siya at napapangiti ro’n. Suwerte siya dahil siya pa lang ang tao na naroon sa loob ng classroom. Dahil kung meron mang makakita sa kanya, baka isipin ng mga ito na nababaliw na siya.
She calmed herself down when the rest of her classmates began arriving. But the moment Xyriel came in, her energy shot back up—along with that wide grin she hadn’t quite wiped off her face yet.
Kaya nagtataka naman si Xyriel sa ikinikilos niya.
“Ano’ng nangyayari sa’yo, ‘Te?”
“Wala,” sabi lang ni Lia, umiiling.
“’Yong totoo, bakit ka kinikilig diyan? One week kang wala, ah,” tugon ni Xyriel. Umupo ito sa katabing upuan ni Lia—doon mismo sa upuan ni Vince.
“Inoperahan ako sa ngipin dahil sa’yo, ah. Dahil doon sa candy na binigay mo.”
“Sorry naman kung napadami ka sa pagkain no’n, ah.”
Nagkwentuhan pa sila ng kung ano-ano pero hindi man lang ikinuwento ni Lia sa kaibigan kung ano ang dahilan ng kasiyahan niya. Hanggang sa tuluyan na ngang dumating si Ms. Castro—kasabay niyon ang pagdating din ni Vince galing sa labas.
And just like that… they were seated next to each other again. And once again, Lia could feel her heartbeat picking up its pace.
~~~
Dumating ang araw ng kanilang Family Lunch Gathering.
Alas onse-trenta pa lang ng umaga ay naroon na si Lia, kasama ang kanyang ina na si Rosalie, sa isang Filipino cuisine restaurant na pinagplanuhan nilang meet-up.
Wala pa ang matalik na kaibigan ng kanyang ina na si Maricel, lalong-lalo na si Vince. Kaya habang naghihintay ang dalawa roon sa isang lamesa, hindi maiwasan ni Lia na kabahan.
Sa sobrang kaba ay sumasakit ang tiyan niya. Medyo pinagpapawisan din siya kahit mahangin naman sa lugar na iyon. Kasalukuyan kasing nasa second floor sila ng restaurant, doon mismo sa may open area kung saan makikita ang kagandahan ng Manila Bay.
Tirik ang araw. Medyo mainit sa labas. Pero may malaking payong na kulay puti naman ang pumapandong sa kanila.
Dahil sa nararamdamang kaba, nagpaalam siya sa kanyang ina na magsi-CR muna. Pinayagan naman siya nito, kaya dali-dali siyang umalis sa pagkakaupo at pumunta sa restroom ng restaurant.
After using the bathroom, Lia stood in front of the large mirror, washed her hands, and tried to pull herself together.
She wore a soft lavender off-shoulder blouse with subtle floral details, draping perfectly across her shoulders—not too much, not too little. She had paired it with high-waisted white jeans and clean white sneakers. Simple, but elegant.
She dabbed on a light pink lip tint and let her black hair fall freely to one side.
But as soon as she stepped away from the mirror, the nerves came flooding back again. She took a deep breath. Sinubukan niyang maging confident dahil alam niyang matatapos din naman ang family lunch gathering na ito.
Pagkabalik niya sa labas, sakto namang nakita niyang naroon na sa lamesa ang lalaking laging nagpapabilis ng t***k ng kanyang puso.
Kakarating lang ni Vince, kasama ang ina nitong si Maricel.
Lia exhaled, releasing some of the tension in her chest, then slowly walked toward their table.
“Oh, there she is!” narinig na lamang ni Lia ang masiglang sigaw ni Maricel nang makita siya nitong papalapit.
Nang makarating si Lia, magalang siyang bumati sa ginang at nagmano. Hindi niya pinansin si Vince dahil baka mataranta siya kapag ginawa niya iyon.
After the greeting, she quickly sat down next to her mother. And that’s when she noticed Vince was looking right at her—with a smile
“Hi,” Vince said, even giving her a little wave.
“H-Hi,” Lia replied, shyly. She felt her cheeks burning, so she immediately looked down, hoping he didn’t notice. But deep inside, she was blushing hard.
Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kay Vince? He, of course, looked casually handsome. Suot nito ang isang slate gray button-down polo, habang bahagyang naka-roll up ang sleeves papuntang siko nito—giving him a laid-back but clean look. Naka-dark denim jeans din ito at white sneakers.
Napansin din ni Lia na medyo magulo ang buhok ni Vince sa gilid—'yong tipong sinuklay pero inagaw ulit ng hangin. At sa totoo lang, para kay Lia, mas naging charming pa nga ito dahil doon.
She also noticed his perfume. Very subtle. Tamang-tama lang para mapansin ni Lia nang bahagya.
Sa kanilang puwesto, magkatapat sina Lia at Vince, habang ganoon din ang kanilang mga ina. May dumating na waiter upang kunin ang kanilang mga order, at matapos mamili ng kakainin, muling nagkuwentuhan ang dalawang ginang. Habang sina Vince at Lia naman ay tahimik lang na nakikinig.
Sobrang awkward. Lia didn’t know what to do. Should she talk to Vince? But what would she even say? Sa nakikita niya kasi ngayon ay abala itong nakaharap sa cellphone. Mukhang may ka-chat. Hindi niya alam kung sino.
Still, a small part of her wanted to talk to him. And just when she was trying to figure out what to say, Maricel turned her attention to her.
“Lia, hija, kumusta ka naman?” sabi ng ginang.
Bahagyang ngumiti siya. “Okay naman po.”
“Mabuti kung ganoon. Kumusta naman ang pag-aaral mo? I heard you and my son Vince are classmates. Totoo ba iyon?”
Tumango siya ng ulo. “Opo. C-classmate po kami ng anak niyo. At o-okay lang naman po ang pag-aaral ko.”
“That’s good to hear. Makakapante na rin ako dahil classmate mo siya. Kasi gusto ko na may magsusumbong sa akin everytime na malakas ang pagpapaandar ng motor nitong anak ko.”
“’Ma, stop, huwag dito,” Vince muttered in protest. Hindi pinakinggan ni Maricel ang anak at tumingin pa ito kay Rosalie na humahagikhik na sa tawa.
“Eh kasi naman, grabe makapatakbo ng motor itong anak ko, Rosalie. Pinagsabihan ko na ng paulit-ulit, ayaw pa rin makinig.” She turned back to Lia, who was trying not to laugh, especially with how annoyed Vince looked. “Kaya, Lia, favor for me. Isumbong mo sa akin kung ano ang pinaggagagawa ng anak ko sa school, okay?”
Tumango naman si Lia bilang sagot. “Opo, T-Tita.”
Pakiramdam ni Lia parang ang laki ng obligasyon niyang iyon. Tama ang ina nito—ang lakas ngang magpaandar ng motor ni Vince. Alam niya iyon kasi nakasakay na siya rito isang beses, ‘di ba?
Napatawa na lang siya nang tumingin si Vince sa kanya habang ang mata nito'y parang nagrereklamo.
“So, Lia, tell me, may boyfriend ka na ba?” muling tanong ni Maricel.
Lia blinked. She wasn’t expecting that question. She looked over at her mom, then quickly shook her head. “W-Wala po.”
“Wala pa? Mga nagugustuhang lalaki, wala pa?”
Doon siya halos kinabahan. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Basta ang sigaw ng puso niya, meron siyang gustong lalaki. Pero, puwede ba iyong sabihin sa harap ng kanyang ina? At sa ina ng lalaking gusto niya?
Wait, what!?
“W-Wala po, hehe,” sagot na lamang ni Lia. Nakahinga naman siya ng maluwag nang magsalita si Rosalie.
“Naku, Maricel, pag-aaral pa ang inaatupag ng anak ko. Kasi may promise ang papa niya na kapag naging maganda ang grades niya, doon siya sa abroad magko-kolehiyo.”
“Ganoon ba? Ano naman ang kursong kukunin mo, hija?”
“Nursing po sana.”
“Wow! Nice choice. Alam mo, maganda iyan. Ipagpatuloy mo iyan, ah. Naniniwala ako sa iyo na magiging nurse ka soon. At saka… speaking of boyfriend… nandito ang napaka-gwapo kong anak. Baka bet mo,” Maricel added with a mischievous grin, na siyang ikinapula lalo ng pisngi niya. Natawa naman si Rosalie sa pagiging madaldal ng dating kaibigan.
“’Ma, please… don’t embarrass me here. Nakakahiya sa kanila. Nakakahiya kay Lia,” sabi ni Vince sa ina. Medyo hindi na ito kumportable sa upuan.
“Sus! Hindi mo ako kailangang sitahin, anak. Alam ko kung ano ang mas nakakabuti sa iyo. And since we’ve met with my close friend in college,” ang tinutukoy ni Maricel ay si Rosalie, “at may anak siyang babae, at ako, meron ako ikaw, why not ligawan mo si Lia, anak.”
If Vince was uncomfortable, Lia was mortified. Her cheeks felt like they were turning into tomatoes. Sumasabay na lang siya sa tawanan kahit sobrang naa-awkward na siya—lalo na kay Vince.
Siya? Liligawan siya ni Vince?
Ang awkward.
“’Ma, stop it, okay,” may halong authority na sabi ni Vince, kaya napatigil na lang din ang ina nito sa pagtawa. Pagkatapos niyon ay napatayo si Vince at saka umalis sa kinauupuan.
“Hoy, saan ka pupunta? Heto naman, binibiro ka lang,” sigaw ni Maricel sa anak.
“Magba-banyo, ‘Ma,” sigaw nito habang papalakad papasok ng restaurant.
Naiwan ang dalawang ginang na patuloy pa rin sa kuwentuhan, na para bang wala lang sa kanila ang pag-walkout ni Vince.
Pero para kay Lia, medyo nasaktan siya para kay Vince. Kahit sabihing biro lang ang sinabi ng ina nito, hindi pa rin tama iyon.
Nailang si Vince. At nailang din siya.
‘Yon nga lang ay kailangan lang niyang makisama sa topic ng mga ito dahil iyon naman ang rason kung bakit sila narito—upang makipag-bonding. Kaya hindi na siya magugulat kung magwo-walkout si Vince dahil sa inasal ng ina.
At sa kanyang narinig…
Hindi ba alam ni Tita Maricel na may girlfriend na ang anak niya?