Chapter 2 - SCHOLARSHIP FOR ALLHEAN

1019 Words
"Baby? General, wala akong nakitang sanggol noong araw na iyon." "What do you mean?" "General, si doktora lang ang survivor that day. At wala rin akong nakitang baby. Sa tingin ko si doktora lamang ang makasagot ng lahat General." "Damn!" Nasabunutan niya ang sariling buhok dahil sa sobrang pagkadismaya. Dali-dali niyang tinawagan ang kampo sa Jolo, Sulu at pinapahanap ang kaniyang anak. -ONE YEAR LATER- Habang pinupunasan ni General Albert Sirocco ang kaniyang asawa ay biglang gumalaw ang mga daliri nito. "Baby ko ... Allhean... Allhean ...Anak!" Biglang napaupo si Dra. Sheann, nang maalala ang nangyari. "Honey, thanks God! At gising ka na!" Masayang sabi ni General Sirocco at niyakap ang asawa. "Honey, nasaan ako? At anong nangyari?" "Dito ka sa hospital at isang taon kang nag-coma." "Ano?! 'Yung baby natin, si Allhean? Oh — No! Nooo..." Bigla siyang humagulgol nang maalala ang pagkahulog ng kanilang anak. "Honey, alam mo ba kung nasaan ang anak natin?" mahinahon niyang tanong. "I'm sorry, Albert — H-hindi ko sinadya na mahulog ang anak natin. I'm sorry, it's my fault ... it's my fault! I'm sorry!" "Shhhh... wala kang kasalanan. Aksidente ang nangyari." Hindi matanggap ni Sheann ang nangyari sa anak nila at patuloy ito sa paghagulgol. Kaya napilitang tumawag ng doctor si General Sirocco, upang mabigyan ng pampatulog ang asawa. Sapagkat natatakot si na baka masiraan ng bait ang kaniyang asawa. Lalo na't kakagaling lang nito mula sa pagka-coma. HALOS dalawang taon rin na walang tigil sa paghahanap ang mag-asawang Sirocco. Hanggang sa nagdesisyon si General na itigil na ang operasyon sa paghahanap. Sapagkat para sa kaniya ay imposibleng mabuhay ang isang sanggol. Kung nahulog ito mula sa itaas. Subalit sa puso ni doktora Sheann ay buhay pa ang kaniyang anak. Hanggat walang bangkay ng isang sanggol ang kaniyang nakikita. -EIGHT YEARS LATER- "Allhe?! Allhe?!" Tawag ng isang may edad na lalaki at hinahanap ang kaniyang anak sa kagubatan. "Allhe! Allhe?!" "Tay, nandito ako! Halika, Tay! Tingnan mo ang nahuli kong ibon." Limang ibon ang nahuli ni Allhean gamit ang kaniyang tirador. "Allhe, halika na! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag kang pumunta dito na mag-isa?" "Dahil na naman ba sa mga rebelde, Tay?" inosenteng tanong ng walong taong gulang na batang babae. "Oo, dahil sa rebelde." "Masasama po ba ang mga rebelde, Tay? Hindi po ba sila tao?" "Tao ang mga rebelde, pero masasama sila. Kalaban sila ng mga sundalo." "'Yung sundalo, Tay. Mababait ba sila?" "Oo, sila ang nagprotekta sa mga tulad nating ordinaryong tao lang." "Hmmm ... paglaki ko, Tay. Gusto kong maging sundalo. Para maprotektahan ko kayo ni Nanay at ang ating mga ka baryo. Nang sa ganoon ay hindi na tayo panay takbo." "Kung gusto mong maging sundalo ay mag-aral kang mabuti. Hindi iyong panay ang punta mo dito sa gubat." "Opo! Tay, kailan po kayo pupunta sa bayan?" "Bakit?" "Basta lang, Tay!" "Sa susunod na araw siguro." "Ummm ... bili mo ako ng bagong tirador, Tay. Tingnan mo ang tirador ko lumang-luma na." "Panlalaki naman ang tirador, nak." "Ge na, Tay! Gusto ko eh!" "Shaa, sige." "Yehey! Salamat, Tay!" Nang makarating sila sa kanilang kubo ay naabutan nilang may kausap ang kaniyang Nanay. Hindi nila ito agad namukhaan dahil nakatalikod ito. Ngunit nang marinig nila ang boses ng bata ay agad napalingon ang bisita. "Allhean? Naku! Ang laki na nang pamangkin ko ..." masayang sabi ni Maria Fe. Kapatid ito ng kaniyang Nanay, at siya ang kaisa-isang taong nakakaalam tungkol sa tunay na pagkatao ni Allhean, at kung paano at saan nila ito nakita. Sa bayan na siya nakatira sapagkat tagaroon ang kaniyang napapangasawa. Kaya madalang na lang ito umuuwi sa kanilang baryo. MABILIS ang ikot ng mga taon. At ngayon ay patapos na siya ng high school. Ilang buwan na lang ang kaniyang hihintayin. Nagtapos si Allhean sa elementary na isang valedictorian. At ngayon ay standing for valedictorian na naman siya ng high school. Nagiging sports ni Allhean ang 'Taekwondo', sapagkat alam niyang magagamit ito sa pagpasok niya ng military. Biglang inanunsyo sa kanilang paaralan na mayroong free exam for scholarship sa 'MANILA SIROCCO MILITARY ACADEMY-(MSMA ) Biglang natuwa si Allhean, at pakiramdam nito ay destiny niya ang pagiging military. Hindi niya ito pinalampas at agad niyang sinunggaban ang exam. "Nay ... Tay!" Masayang tumakbo si Allhean patungo sa kanilang kubo. "Ano kaya ang nagpapasaya sa anak natin Fidel?" tanong ni Rosario, habang hinihintay na makalapit ang nag-iisa nilang anak. "Lagi namang masaya ang anak natin kailan ba iyan nagiging malungkutin?" "Suwerte natin sa batang iyan, hindi tayo binibigyan ng sakit ng ulo. At ni minsan ay hindi nagrereklamo sa ating kahirapan." "Tama ka, Rosario. At binuo niya na maging isang pamilya tayo." "Tay, Nay! May sorpresa akong dala para sa inyo. Chaadaan..." masiglang turan sabi Allhean at inabot sa mga magulang ang sertipiko." "Ano ito, anak?" Tanong ni Fideliano na siyang tumanggap sa papel. "Scholarship po iyan Tay, Nay. Nakapasa ako sa exam at top one po ako." "Scholarship Para saan anak?" nakangiting tanong ng kaniyang Nanay. "Sa MANILA SIROCCO MILITARY ACADEMY-(MSMA)." "Ang layo naman noon, anak." "Hayaan mo na ang anak natin Rosario, ayaw mo ba noon? Matupad na ang pangarap ng anak mo at pangarap natin." "Nay, para rin naman po ito sa inyo eh... gusto ko kayong maprotektahan ni Tatay at ang ating mga ka baryo. Isa pa, Nay. Apat na taon lang naman iyon." "Ibig mong sabihin apat na taon kang hindi uuwi?" "Ummm,... parang ganoon na nga, Nay. Kasi mahal ang pamasahe. At saka may gagastusin rin akong konti sa school. Kaya kailangan kong mag-part time job." "Basta anak, kung hindi mo kaya umuwi ka agad," tanging tugon ng kaniyang Tatay. "Tay, Nay, kahit mahirap pa po iyan ay kakayanin ko para sa inyo. Dahil mahal na mahal ko po kayo." Pinag-iipunan ng kaniyang mga magulang ang pagpunta niya sa Manila. Nag-doble sikap ang kaniyang Tatay sa bukid upang may maipabaon sa kanilang anak. Ang kaniyang Nanay naman ay araw-araw na minabuting makarami sa paggawa ng mga amakan. Dahil batid ng kaniyang Nanay na mapabaunan ang siya nang sapat na halaga upang hindi ito mahihirapan doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD