Chapter 3 - MANILA SIROCCO MILITARY ACADEMY

1013 Words
Nalaman rin ng kaniyang kabaryo ang pagpunta niya sa Manila, kaya nagtulong-tulong rin ang mga ito upang makaipon ng konting halaga. "Allhe, tuloy na ba talaga ang pag-alis mo?" tanong ng kaniyang matalik na kababatang si Marissa. At kasalukuyang silang naglalaba sa ilog. "Oo, Mars. Kailangan, eh! Ummm... puwede ba akong hihingi ng pabor sa iyo, Mars?" "Sure, ikaw pa! Ano iyan, Allhe?" "Pag-alis ko puwede mo bang matingnan-tingnan ang aking mga magulang?" "Iyan lang ba? No probs! What are friends for? Basta galingan mo sa pag-aaral doon para may tagapagligtas na kami dito." "Allhean pa! Yakang-yaka niya iyan!" biglang sabat ng isang boses lalaki na si Danilo, kaibigang lalaking nila na may lihim na pagtingin kay Allhean. DUMATING ang buwan at araw sa pag-alis ni Allhean. Lahat nilang kapit-bahay ay nasa kanilang bakuran na hinihintay ang kaniyang paglabas mula sa loob kanilang kubo. "Anak, palagi kang mag-iingat doon, ha. At huwag na huwag kang magpapaapi," bilin ng kaniyang Tatay. "Opo, Tay." "Mami-miss ka namin, anak. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng Tatay mo," luhaang sabi nang kaniyang Nanay. "Mahal na mahal ko rin po kayo. Mami-miss ko rin po kayo." Hindi napigilan ni Allhean ang sarili at humihikbi ito. Hanggang sa tuluyang bumaha ang kaniyang mga luha at mahigpit niyang niyakap ang mga magulang. Sa kaniyang paglabas ay hindi nito inaasahan na maraming nag-abot sa kaniya ng pera. Hindi man malaki ang halaga ngunit malaking tulong ito sa kaniya. "Pangako, magtatagumpay ako para sa inyo!" sigaw nito sabay taas ng kaniyang kanang-kamay. "Aasahan namin iyan, Allhean!" tugon nila. -MANILA- Kinabahan si Allhe, nang makita niya ang lungsod ng Maynila. Napakagulo at nagsiksikan ang mga tao. Hinawakan niyang mabuti ang kaniyang bagpack sapagkat laman nito ang baon niyang pera. Pumara siya ng taksi at nagtanong. "Kuya, alam mo ba ang MANILA SIROCCO MILITARY ACADEMY?" "Oo, doon ba ang punta mo?" tugon na tanong ng driver. "Opo! Puwede mo ba akong ihatid doon?" "Puwede, pero isang libo." "Huh?! Ang mahal naman. Malayo po ba?" "Kalahating oras," tugon nito. "Kuya, puwede bang eight hundred na lang?" "Nine hundred, medyo lugi kasi." "Ah, sige po!" No choice si Allhean, dahil wala siyang alam. Tamang-tama ang kaniyang pagdating dahil mag-ala-una pa. Maraming mga mag-aaral ang naghihintay sa labas ng malaking gate. Sa tanto niya ay nasa two hundred students ito. Pareho ang lahat na halos may dalang malalaking maleta. Samantalang siya ay maliit na travelling bag at packbag lang ang kaniyang dala. "Ano ba?! Dahan-dahan! Magasgasan mo iyang maleta ko. Mahal pa iyan sa buhay mo!" bulyaw nito sa kapwa niyang babae. At itinulak niya ang pobreng mag-aaral. "S-sorry po! S-s-sorry po!" Nakayuko nitong humihingi nang patawad. "Anong sorry?! Linisan mo iyan gamit ang dila mo!" "Booo! Booo!" halos sigawan sa mga nasa paligid na hindi sang-ayon sa inuutos nito. "Go! Go! Go! Didila na iyan!" ganting sigaw naman sa grupo nang hambog at mayabang na babae. Akmang didilaan na sana nang pobre ang maleta nito, ngunit maagap siyang hinila ni Allhean. "Huwag mong gawin iyan!" aniya at tinulungan niyang makatayo ang katulad niyang pobre. "Sino ka?! Bakit ka nakikialam?! Hindi mo ba ako kilala?" nakapamewang nitong tanong. "Isa lang akong mahirap na mag-aaral na tulad rin niya. At wala akong pakialam kung sino ka. Hindi naman yata tama at hindi makatao na padilaan mo ang maliit na dumi, puwede namang punasan lang ng maayos," pormal at kalmado niyang tugon. "Kung gusto mo ikaw ang maglinis! Do it!" Siya naman ang itinulak ng isang supestikadang babae at napaupo si Allhean. "Can you stop?!" boses lalaki. Biglang tumahimik ang babae nang makita niya ang nagsasalita. Nakanganga naman ang ibang kababaehan habang titig na titig sila sa mala-artistang lalaki. Kinuha nito ang kaniyang panyo at pinunasan ang konting dumi sa kaniyang maleta. "Satisfied?" sarkastikong tanong ng estraherong lalaki. Ibinaling niya ang kaniyang atensyon sa dalagang nakaupo sa lupa. "Jase Samonte," pakilala nito at inilahad ang kaniyang kamay. "Allhean Fabiano!" tugon niya at tinanggap ang kamay nito at hinila siya upang makatayo. "Okay ka lang?" he asked "Oo, salamat!" she replied "No probs!" Pinulot ni Allhean ang bag ng unang biktima. "Nasaktan ka ba?" tanong niya sabay abot ng bag nito "H-h-hindi po!S-salamat!" Napansin agad ni Allhean, na may problema sa pagsasalita ang dalaga at nakaramdam siya ng awa rito. "Halika, doon tayo." Niyaya niya ang pobre at lumayo sila sa mayabang na babae. "Jase, kailan ka pa dumating?" tanong ni Louella Zoe at biglang lumambot ang boses nito "Last week!" he replie at seryoso ang mukha nito na ang tingin ay nasa kay Allhean. Si Louella Zoe, ay pamangkin ni doktora Sheann Sirocco. Anak ito nang kaniyang nakakatandang kapatid na babae. Kaya ganoon na lang siya kung magmataas. Ngunit ang (MSMA) ay pag-aari ng Sirocco, nag-iisang anak si General Albert Sirocco. Kaya noong namatay ang kaniyang mga magulang ay sa kaniya ipinamana ang lahat-lahat nilang properties. Si Jase Samonte, ay anak ni Major General Jayme Samonte at Remedios Samonte. Malapit na magkaibigan ang tatlong apelyidong; Samonte, Zoe, Sirocco. Sapagkat pareho itong may mataas na katungkulan sa militar at parehong matataas na angkan sa lipunan. Subalit sa tatlong apelyido ang Sirocco ang pinakamayan. Tumunog ang kampana at palatandaan na magbubukas na ang gate. "Welcome to Manila Sirocco Military Academy!" naka-speaker na boses at sabay binuksan ang malaking gate. Dalawa ang daanan nito para sa babae at lalaki. Bawat estudyanteng papasok ay hinahanapan ng gate pass at dokumento na nagpapatunay na qualified sila sa (MSMA). Kung wala silang maipakita ay hindi ito makakapasok. "Ops! Excuse me!" boses ni Louella, at sinadya niyang banggain si Allhean. Ngunit hindi niya ito pinapansin sapagkat ayaw niya ng gulo. "Come over here! Faster! Faster!" Tawag ng isang naka-unipormeng military at gumamit ito ng megaphone. Nagkaniya-kaniyang takbo naman ang mga estudyante sa gitna ng track field oval at bitbit ang kanilang mga dalang personal belongings. Ang iba ay nahihirapan dahil maraming laman ang kanilang mga travelling bags. "I'm Master Sergeant Romo Lerio, at siya naman si Sergeant William Hacut. Welcome to Manila Sirocco Military Academy." Masayang pag-welcome nito sa mga bagong mag-aaral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD