Chapter 3

1801 Words
Chapter 3 "Sayonara" "Magaling, Zubiri!" Prof Arturo seems pretty impressed with the outcome of my report. "Kung kailan huling sem mo na saka ka pa tumino." Tumawa siya. "Anyway, you did great." Nilingon ko naman si Rurik sa pwesto niya. Halatang nagpipigil siya ng ngisi. I winked at him. Napailing na lang siya. "Class dismiss. Prepare for a long quiz in the next meeting," ani ni Prof habang dinadampot ang kanyang gamit. Agad na lumapit sa akin si Laz. "You're freaking hot while you report a while ago, girl." Manghang mahang talaga siya. Tumawa na lang ako. "So may pagnanasa ka na sa akin?" sabi ko, tinatanggal ang cord naka-connect sa laptop. "Eww... I am not a tomboy!" Diring diri pa ang itsura niya. "Shut up, Lazaro!" "Did you just call me by my given name?" Napasinghap pa siya. "I believe I just did." Tinalikuran ko na siya at pinuntahan si Rurik na nakaupo parin sa upuan niya kahit nakaalis na ang karamihan sa kaklase namin. "He is right, you look hot back there," nakangisi niyang sinabi nang makalapit ako. "Nilalandi mo na ako niyan?" I raised a brow. I think after that bar incident we just clicked. Hindi na siya naiirita sa presensya ko. He flirts back too, lalo na kung kami lang dalawa. Although, I haven't dig deeper with his secret relationship with Rossette. Stalker parin siya, and the funny thing is, sabay naming ini-stalk si Rossette. We will sit on a corner and watch her girl do her thing. Smitten nga ang gago! He shrugged. Inabot ko sa kanya ang laptop niya. Yes, ladies and gentlemen, inutusan ko si Rurik Montalba na isang mayamang businessman na magdala ng laptop dahil tinatamad akong magdala ng laptop ko. Tinitigan niya lang ito. "Akin na 'to?" Tumatawa kong sabi. "Ang yaman mo naman para mamigay ng laptop. Magkano ba 'to 'pag naibenta? This must cost a fortune." His laptop is the latest Macbook available in the market today. I heard him 'tss', bago ito kinuha. "Hey, are you two dating or something?" ani Laz na hindi na nakatiis. Nasa tabi ko na siya. I rolled my eyes at him. "Hindi. He prefers freshmen," sagot ko. Ngumisi ako kay Rurik. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Laz did not get it. Sabay kaming tatlo na lumabas ng classroom. Surprisingly, gaya nga ng sabi ni Prof, tumino ako kung kailan patapos na ang klase. Maybe it has something to do with him, Rurik. Kaunti na lang iisipin kong nahawa na ako sa kanya. He teaches me business stuff. One time, I was at the portion of the old library. Madalas akong tumambay doon kapag tinatamad akong umuwi sa condo ko para maghintay ng susunod na klase. I noticed a very familiar car. Agad na hinanap ng mga mata ko ang may-ari nito. I saw him, Rurik, but he is definitely not alone. Kasama niya si Rossette. Secret rendevoiz, huh? Napapalatak ako. Punyeta, para silang high school students na strict ang parents. They were just sitting there talking about something. Hindi ko naman marinig kung ano ba ang pinag-uusapan nila. Nagpatuloy na ako at humiga sa usual spot ko. I usually sit here, idling while watching the sky most of the time. Namamangha ako. What does it feel to be up there? I mean, not riding a plane, okay? Minsan na ring sumagi sa isip ko ang subukang mag-sky diving. Maybe soon. "Dennis?" I heard Rurik's voice. Nasa tapat ko na pala siya. Dahil nakahiga ako, nakadungaw siya sa akin. "Don't move," utos ko sa kanya at kinapa ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko. Kumunot ang noo niya. "Stay still." Inumang ko sa kanya ang cellphone ko saka siya kinunan ng litrato. I got three shots bago siya umatras. "This makes a good DP you know," sabi ko habang bumabangon para umupo. Dahil against the light, nagmukhang silhouette ang figure ni Rurik and it emphasized the background, ang kalangitan. I showed him the picture. "Tapos na kayo? Ang cheap mo naman. Dito talaga?" Nakangisi kong tuya. Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya but I think he got what I mean. Umiling lang siya at naglakad na paalis. Mabilis akong tumayo at sinundan siya. "Ano'ng pinag-usapan niyo?" Pangungulit ko sa kanya. Nag-igting ang panga niya. "Share naman diyan. I promise, I wont tell any soul." I don't know pero hindi talaga ako natatakot kapag inaasar ko siya kahit na nagdidilim ang mga mata niya. "So ano na? Saang base ka na?" tudyo ko pa. "Shut up, Dennis!" He hissed nang mapikon na siya. Tumawa naman ako dahil nalukot na talaga ang mukha niya. He opened his car and went in. Mabilis naman akong umupo sa passenger seat. "Damot," bulong ko pero nakangisi parin. "Pa-hitch," anas ko na lang habang sinusuri ang mamahalin niyang sports car. Gusto kong magkaroon ng ganitong sasakyan but I am too lazy to learn how to drive. Plus, I don't have the budget. "'Di ba may klase ka pa?" baling niya sa akin. "A-Absent?" I said nonchalantly. He did not say another word. Pinaandar niya na ang sasakyan niya. Madalas ay ganito kami. Kung hindi ko siya nilalandi ay pinipikon ko siya, either way hindi naman niya ako tinataboy. I just assumed that we are friends. Time flies nga naman, malapit nang matapos ang semester. Ganoon parin ang nangyayari, I still bug him, and he still stalk Rossette. Lalo ko lang napatunayang seryoso nga siya kay Rossette. On the other hand, I know Rossette feels the same way too but something is stopping her. Strict ang parents eh? Hindi naman ako nakikialam. Nakaaligid lang ako. Graduation came. I am alone. Hindi naman sa walang gustong dumalo, I just preferred na huwag nang papuntahin si Lola o kahit ang tito at tita ko. Ayaw ko namang papuntahin ang mga pinsan ko. They will just tease me. "Girl! Finally, we are done with school shits," nagtatalon na sabi ni Laz at niyayakap ako. "I can't agree more," nakangisi kong pagsang-ayon. But I don't feel the same way. Para bang disappointed akong gagraduate na ako. "You sure you won't be coming to our house?" Inaaya niya kasi akong mag-celebrate sa kanila. His parents invited me too, pero tumanggi ako. "Uh-huh." Nagyakapan kaming muli. "Basta, call me," aniya habang pumipilantik ang daliri sa ere. "Sure," tugon ko. Sakto namang tinawag na siya ng mama niya. Bago siya tuluyang sumunod sa parents niya, kumaway pa kami sa isa't-isa. I turned my back para puntahan si Rurik sa kinatatayuan niya. Napapairap na lang ako. Of course, he is here. Papalampasin ba naman niya ang performance ng dearly beloved niya? "Hey stalker," tawag ko sa kanya. As usual lukot na naman ang mukha niya. Naiinis talaga siya kapag tinatawag ko siyang stalker and I will just laugh out loud. Pissing him is my dose of entertainment. Hinawakan ko siya sa kamay at saka hinala papuntang parking lot. Nagpatianod naman siya. We went inside his car. Pinaandar niya ang makina nito. "Where are you going?" tanong niya kahit nakabusangot. "Where are we going," pagtatama ko. Napailing siya, he would not argue or say something. "Treat mo ako ng dinner tapos nuod tayo ng concert." I demanded. Hindi naman siya nagreklamo. Sanay na siya sa kakapalan ko. Hindi rin siya nagrereklamo kahit madalas akong magpalibre sa kanya. Yaman eh! I once checked his networth online, and I was appalled. Ang ang yaman-yaman ng stalker nitong si Rossette. What a lucky bicth! Blessed! "Hindi mo talaga tatanggalin 'yan?" tanong niya, pinapasadan ng tingin ang suot kong toga ko. "Hindi. May problema ka?" He shook his head, parang sinasabing, 'Bahala ka sa buhay mo'. Napangisi naman ako. He is coming with me! Kailan ba siya tumanggi sa akin? Pinagtitinginan ako ng mga ibang nakapila papasok sa concert venue ng isang foreign band. Who cares kung nakatoga akong dadalo ng concert? Tinaasan ko na lang ng kilay iyong mga lantarang tumititig sa akin. "Dito ka nga." Hinapit ko pa palapit ang naiiritang si Rurik. He hates crowded places pero wala siyang choice dahil kinaladkad ko siya. Sinamaan ko ng tingin iyong babaeng halatang nagpapansin kay Rurik, na wala naman pakialam. He is just plainly annoyed, at me or the crowd, I don't give a damn. Sumama naman siya. I showed our tickets and the guard let us in. Hinawakan ko siya sa braso. "You should have told me before hand. I could have bought a VIP ticket para hindi na tayo nakipagsiksikan doon," asar na asar niyang sabi. "Ayoko ko ngang mag-VIP. Magmumukha akong benefactor ng concert. Isa pa, where is the fun in that?" Hinila ko na siya papunta sa pwesto namin. Ang layo namin sa stage. Tahimik lang naman siya pero bakas sa mukha niya ang iritasyon. Bahala nga siya. Obviously, ako lang ang nag-i-enjoy sa concert. I sing along with the band like a mad fangirl. Ang lakas lakas ng boses ko. Magulo rin ako as I keep on jumping and throwing my hands up in the air kasabay ng kanta. Nakikisabay ako sa ingay ng isang fans club na katabi lang namin. Para naman akong kinakahiya ni Rurik sa mga katabi namin. Naiinis pa ako dahil panay ang maraming nagpapansin sa kanya. Hindi na lang ang banda ang pagtuonan ng atensyon. Tatarayan ko sana at sasabihing, "Concert ni Rurik?" Hindi ko na tinapos ang concert. May awa rin naman ako kay Rurik. I once again dragged him out. He seems out of place there. Kahit naman saan siya magpunta out of place siya. Para bang bagay lang siya sa corporate world o kung hindi na sa modeling. Mas bagay nga yata siya sa isang kaharian, sa palasyo, sa trono. "It's not done yet," sabi niya. Nasa kotse niya na kami. "It's okay. Mamaya dumugin ka ro'n, mapagkamalan kang miyembro ng banda," humahagikhik kong sabi. He started the engine. Napabuntong hininga naman ako. Now, I realized kung bakit parang labag sa loob ko na graduate na ako. Maybe because of this guy behind the wheels. Sa pang-hi-hitch ko sa kanya ay alam niya na saan ako nakatira. He stopped the car in front of my condo building. I faced him and plastered my smile. "I guess this is good bye?" Hindi naman siya nagsalita. Nakahawak parin siya sa steering wheel. I sighed. "Thanks, Rurik. You made my last sem fun," I said it with full sincerity but I felt something heavy na nakadagan sa puso ko. I leaned forward to him and kissed his cheek. "Sayonara, stalker." May lungkot sa boses ko. I was about to open door on my side when he speaks. That made me stop. "You can work for me," alok niya na nagpalingon sa akin. Did I hear him right? Is he asking me to work in their company? Is he serious?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD