ONE YEAR has passed naging tahimik naman ang buhay ni Ehna, nakabalik siya sa pagaaral at ngayon ay magtatapos ng kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management. Ngayon ang araw ng Graduation niya masaya siya dahil natupad na ang pangarap ng kaniyang Inay para sa kaniya. Natutuwa siya dahil malago ang kanilang palayan, wala na din silang utang at unti unti na silang nakakabangon mula sa kahirapan. Walang mapagsidlan ng kasiyahan niya pero kahit halos nasa kaniya na ang lahat ng hinihiling niya sa Diyos, may kung ano sa kaniya na kulang, may parte sa puso niya ang hindi mabuo buo. "Anak, napaka saya ko ngayon dahil magtatapos ka na, maraming salamat anak" maluha luhang sabi ng kaniyang Inay. Habang inaayos nag buhok niya. "Ako nga po dapat ang magp

