ISANG LINGGO na ang nakakaraan noong gabing nagtapat si Dyner kay Ehna, Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nararamdaman ni Dyner para sa kaniya, Simula kasi noong gabing iyon ay araw araw na nagpapadala ng bulaklak o chocolate si Dyner para sa kaniya. Naalala niya pa ang mga sinabi nito noong gabing iyon. "Ehna, please let me prove to you that I'm serious, Let me court you" Dahil sa pagkabigla ay hindi siya nakasagot. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga oras na yon kaya nanatili lang siyang tahimik. Agad naman siyang inunahan ni Dyner. "Silent means yes Ehna, so be ready I will court you whether you like it or not" Kaya wala na siyang nagawa pa, mukhang hindi din naman titigil si Dyner sa pangungulit sa kaniya. Mabuti nalang at busy ito nitong mga nakaraang

