The next morning came, and I was totally floating in the sky. Inasikaso ni Colton maging ang pagkain ko at ang maging ang mga damit ko. He really had this kind of rough and tough aura, but he showed me his gentle side. He would often kiss my forehead whenever he had the chance to, hug my waist, and bury his face in the crook of my neck.
"I'll go to your building later, sabay tayo mag-lunch," seryosong saad ni Colton habang pina-pack ang cheese sandwhich na ginawa niya para sa 'kin. I was looking at him seriously as he moved into his kitchen. Nakasuot pa rin siya ng apron at walang damit pang-itaas, sa baba naman ay tanging sweatshorts lang ang kanyang suot.
"Okay," I replied, smiling at him. He stopped for a moment and kissed my forehead. Napagiti ako at bahagyang itinulak siya dahil matatagalan kami kung ipagpapatuloy niya ang panlalandi sa akin.
I was already wearing my blouse and skirt. Hindi ko namalayan na nilabhan niya pala ito kagabi. "Wait here, I'll just take a shower, then we'll go now," paalam niya sa 'kin at hinalikan ang tungki ng ilong ko. I sighed in contentment. I wish we'd always be like this.
Hindi na ako nagpahatid sa mismong room ko dahil alam kong pati siya ay male-late na. Nag-alala siya na baka masakit pa rin ang gitna ko, though; it really hurt like a hell, but I managed to pretend that it's not. Alam ko kasing baka hindi niya ako papasukin kapag nalaman niya na patuloy kong iniinda ang sakit sa p********e ko at maging siya ay hindi makakapasok. This is the consequence of our action, and I have to deal with the pain I am feeling right now.
"Kasama mo si Colton kagabi?" kaagad na tanong ni Zylla, hindi pa nga ako nakakaupo. Suddenly, the intimacy we had shared last night flashed through my mind. Nakagat ko ang dila ko nang maramdaman ang pamumula ng mukha ko.
"Oo," sagot ko sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Nakita ko kung paano niya pagmasdan ang bawat kilos ko, mas lalo akong naging maingat sa pag-upo dahil sobrang sakit ng hita at p********e ko.
"Ayos ka lang?" tanong niya nang mapansin na pinagpapawisan na ako at halos mamutla. Ngumiti ako ng alanganin at saka tumango. I don't want her to know that there's something happening between Colton and me. Masyado pang maaga at alam kong papagalitan niya lang ako.
The class went on, and I was having trouble keeping up with the class. I could feel my feminine aching; hindi na ako halos makapag-focus sa klase at ilang beses na akong napagalitan ng professor namin. Kahit nagtataka si Zylla ay hindi na siya nagtanong pa; she knew that I would tell it to her once I was ready.
When the professor closed the door, nagsimula nang magligpit ang mga kaklase namin para makapag-lunch. Lumapit sa akin si Zylla at tinitigan ang buong katawan ko at marahang nilapat ang palad sa aking noo. "May sakit ka ba? Kanina ka pa wala sa sarili, gusto mong dalhin kita sa clinic?"
I shook my head and smiled faintly. Anong sasabihin ko sa clinic? Na masakit ang p********e ko dahil kay Colton? Napailing ako at pasimpleng kinurot ang sarili. Kung ano-ano na lang ang naiisip ko ngayon, hindi yata magandang ideya na pinilit ko ang sarili kong pumasok ngayong araw kahit na masakit pa ang katawan ko.
She no longer asks questions at me, but I'm sure she's still confused. I just assured her that I'm okay and left the room. Kaagad na hinanap ng mata ko si Colton ngunit, hindi ko nakita kahit anino niya sa building namin. I just sat on the bench near our building and waited for him. Naiwan ko ang cell phone ko sa condo niya kanina, kaya hindi ko siya magawang tawagan. Lumipas ang ilang minuto hanggang sa naging isang oras 'yon at hindi pa rin siya dumadating.
I just forced myself to smile and go back to our room; hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Zylla nang makapasok ako sa room. My body ached, and my chest felt heavy. Gusto ko na lang magpahinga sa apartment ko at matulog. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong makaramdam ng sama ng loob ngunit ayon ang nararamdaman ko ngayon.
"Kaya mo bang umuwi mag-isa? Ihahatid na kita, Amaia. Kanina ka pa namumutla pero mas malala na ngayon, mainit ka na rin at nilalagnat. Nagpaulan ka ba kahapon? Bakit ba naman kasi pinapabayaan mo ang sarili mo!" sermon ni Zylla at tinulungan akong tumayo. I just let her assist me; wala na akong lakas buong maghapon at pakiramdam ko ay bibigay na ang katawan ko anytime. I was expecting Colton to go into our room to see me, but even a bit of him didn't show up. Napangiti na lang ako ng mapait at umiling.
"What happened to her?" rinig ko ang boses ng isang lalaki na kausap ni Zylla.
"Hindi ko nga alam, eh! Kanina okay naman siya pero ngayon halos hindi na makalakad ng tuwid. Samahan mo kami sa clinic, please," naiiyak na pakiusap ni Zylla sa lalaki. I closed my eyes when everything got blurry. Naramdaman ko na lang ang paglutang ko sa hangin kasabay ng pagbigat ng talukap ng mata ko.
Nagising na lang ako na parang napapalibutan ako ng mga tao sa kwarto. I kept my eyes closed but still listened to their conversation. Masakit pa rin ang katawan ko at mabigat dahil sa lagnat na mayroon ako; hindi ko alam kung ganito ba talaga ang nangyayari after mag-s*x, but hindi ko gusto ang nararamdaman. I felt really sick.
"Puwede na po ba namin siyang iuwi?" boses ni Zylla 'yon. Unti-unti akong nagmulat at kaagad bumagsak ang tingin ko sa lalaking, hindi ko inaasahang tutulong sa amin. It was Yosemite.
"Kumusta? Do you feel better now?" he immediately asked and helped me get up. Sumandal ako sa headboard at napansin na nandito pala ako aa clinic, malinis at puro kulay puti ang paligid at mayroong sidetable kung saan nakapatong ang mga prutas.
"Z-Zylla," pagtawag ko sa kaibigan ko dahil kinakabahan ako sa nangyayari. Doctor Allan stared at me seriously. Napalunok ako nang makita kung gaano siya kaseryoso habang nakatingin sa akin. Napatingin na lang ako sa baba at nahihiyang nag-iwas ng tingin. He's a guy, and he probably has an idea what's going on with me.
"Miss Dawson needs to have a long rest. Pagod ang katawan niya at dumagdag pa ang pagkakaroon niya ng lagnat kaya nawalan siya ng malay kanina. I'll write a subscription for you and send it to your professor to approve your absence for the following days. For now, you can bring her home." I nodded while my eyes were still not meeting his eyes. Inalalayan pa rin ako ni Zylla ata Yosemite palabas ng clinic ngunit bumitaw na ako kay Yosemite nang makarating kami sa sakayan.
"Salamat, Yosemite. Pasensya na rin sa abala, puwede ka nang makauwi," nakangiting saad ko sa kanya, kahit gusto na ulit bumagsak ng talukap ko sa mata. The sky was also dark, but I could clearly see his face from the lights coming out of the street's light. Napalunok ako nang makita siyang madilim ang tingin sa akin.
"Are you sure you can go home now? Puwede ko kayong ihatid."
Kaagad akong umiling. "S-Salamat na lang, Yosemite. Kaya ko naman na ang sarili ko at saka kasama ko si Zylla," nakangiting tanggi ko. Tumango siya at nagulat na lang ako nang maramdaman ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko. I looked at him, confused.
"Take care yourself, Amaia, if you don't want me to steal you from your guy," he muttered, turning his back against us. I felt Zylla's stare at me, and she looked shocked too.
"What did he just say?" hindi makapaniwalang bulalas ni Zylla.
"Tara na nga." Hindi ko na siya hinintay pa at nagsimula nang maglakad. She called me, but my eyes were focused on the road. I continued walking until I felt my shoes glued to the floor. I couldn't move. There was this heavy feeling that prevented me from taking another step. There's a tear slid down my cheeks as I watched my man smile at the other woman while looking at her lovingly.
"A-Amaia," Zylla called me, but my eyes remained locked on Colton. Nakangiti siya at marahang hinaplos ang pisngi ng dalaga. Tuluyan na akong nag-was ng tingin dahil sa kakaibang sakit na dulot n'on sa dibdib ko. The girl is indeed pretty and classy; walang-wala sa tulad ko na tanging simpleng blouse at skirts lang ang suot. I looked at them again. Nakasandal ang babae sa kotse habang si Colton naman ay nakaharap sa kanya. Mayroon silang pinag-uusapan ngunit hindi ko mabasa sa kanilang labi ang mga salitang lumalabas doon.
I just knew that both my body and my heart ached. Hindi ko alam ngunit hindi ko magawang lapitan sila, siguro dahil natatakot din akong malaman na girlfriend niya 'yon.
"'Tangina ng lalaking 'to. Sabihin mo lang, Amaia. Susugurin ko talaga 'yang tarantadong 'yan," nangigigil na saad ni Zylla nang makita si Colton. Kaagad akong umiling at malungkot na tumitig sa kanya.
"Uwi na tayo, please?" As if on cue, a car stopped in front of us. Nagulat ako nang makita si Yosemite na bumaba sa kotse at walang alinlangan na hinawakan ang braso ko, muli akong napatingin kay Colton at nakita ang gulat na mata niya nang makita ako.
I just smiled at him bitterly and let Yosemite drag me inside. Tumabi sa akin si Zylla ngunit nanatili akong tahimik sa loob. The atmosphere was awkward for him, but I remained silent. My insides shattered as I remembered his shocked face. Gano'n na lang ba'yon? Tapos na ba kaagad ang lahat sa amin?
Hinatid nila ako sa tapat ng apartment ko ngunit hindi na nila ako makausap ng matino. Kaagad akong pumasok at dumiretso sa kama, humiga ako roon at pinikit ang mata. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na hinihila na ako mg antok, tuluyan na akong nakatulog dala ng pagod at sakit sa katawan.
When I woke up, I felt a little better, but the pain in my body and head was still evident. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa banyo para maglinis ng sarili. Maliit lang ang banyo ko ngunit mayroon pa ring shower. I removed my clothes and took a bath; pakiramdam ko ay inalis ng tubig ang lahat ng sakit at bigat sa katawan ko. I just sighed and continued cleaning myself.
Hindi na ako nag-abalang ibalot ang sarili ko sa tuwalya dahil ako lang naman ang mag-isa sa apartment. I felt cold, so I immediately went out of the bathroom to dress myself, but I froze when I saw someone sitting on my bed while holding a tray of food.
"C-Colton," mahinang tawag ko sa kanya. Nakita ko ang pagtitig ng mata niya sa katawan ko. He gulped and looked away. His vein was visible in his arms, and from our distance, I could see that his jaw was clenching.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at hinatak ang tuwalyang nakabalot sa ulo ko para takpan ag katawan ko. Nagmamadali akong pumunta sa cabinet at kumuha ng damit doon, hinintay niya muna akong makapagbihis sa banyo.
"Anong ginagawa mo rito, Colton? At sinong nagsabi na puwede kang pumunta rito ng walang pahintulot ko?" naiinis na tanong ko dahil kanina pa siya hindi nagsasalita. Napaatras ako nang bigla siyang tumayo. Pinatong niya sa sidetable ang tray ng pagkain at humakbang palapit sa akin.
"Amaia..."
Tuluyan nang nanghina ang tuhod ko nang yakapin niya ako. Mabilis niya namang sinalo ang bewang ko at dinala ako sa kama. "Are you okay? How are you feeling right now?"
I couldn't believe that his eyes were filled with worry. Hinaplos niya ang pisngi ko at pinagdikit ang aming ulo. "I'm sorry if I didn't go with you earlier; I just have to do something important. I texted you, but I was jerked to forget that you left your phone in my place. I'm sorry, Amaia. Forgive me, please."
Hindi ako nakasagot. The girl earlier who was with him, sino 'yon? Anong papel niya sa buhay mo, Colton? Gusto kong iboses ang lahat ng tumatakbo sa isip ko ngunit wala pa rin akong lakas upang harapin siya. Mahina ko siyang tinulak sa dibdib gamit ang nanginginig kong kamay. Nanlumo ang mukha niya nang makita ang pagod sa mga mata ko.
"U-Umalis ka na muna, please... gusto kong magpahinga kahit ngayong araw lang. Huwag mo muna akong guluhin, Colton," pakiusap ko sa kanya at dahan-dahang humiga sa kama. Tinalikuran ko siya habang kagat ang labi at pinipigilang maiyak. Sobrang sama ng loob ko ngunit hindi ko 'yon maisatinig. Kung puwede lang... kung may lakas lang ako ay sasabihin ko ang lahat sa kanya ngunit wala na.
I felt him lay beside me; he wrapped his arms around my waist. Kaagad na nangilid ang luha sa mata ko nang maramdaman ang hininga niya sa aking leeg. Tulad pa rin ng dati ay halos tumalon ang puso ko sa pagwawala. Kahit na siguro ilang beses niya akong saktan ay sa kanya pa rin susunod ang puso ko.
I loved him so much that I don't mind if I let myself bleed. And I am afraid that one day it will come. It would come to the point where I would let myself bleed just because I loved him.