Hinatid lang ako ni Colton sa bahay namin at mabilis din siyang umalis dahil may kailangan pa raw siyang asikasuhin. Hindi na ako nangulit para sumama dahil napagod din ako sa lahat ng nangyari. The guy who harassed me is already in jail. Gusto ko na lang matulog dahil nakakapagod isipin lahat ng nangyayari.
I cleaned my body and changed my clothes before tossing my body in bed. Hindi na ako nag-abalang magluto ng hapunan at kumain dahil alam kong madaling araw pa dadating si Colton. I just closed my eyes and let myself fall into oblivion.
I took a step forward and roamed my eyes around the hallway when everything suddenly changed. Wala na ako sa kwarto namin at nasa isang hindi pamilyar na bahay na. Nilibot kong muli ang paningin sa paligid at nakita ang isang kwarto na nakabukas at awang ang pintuan. I walked towards the door, and I don't know why, but I felt my knees shaking. Malakas din ang kabog ng dibdib ko at tila ba nararamdaman nang may hindi magandang makikita sa loob.
I gasped for breath when I slowly entered the room. May undergarments ng babae na nakakalat sa sahig at may high heels din na nakakalat. My eyes watered because an unknown emotion flooded my system. I slowly stepped forward and covered my mouth with my hand when I heard someone moaning. Palakas 'yon ng palakas habang papalapit ako.
Tuluyan nang tumulo ang luha ko nang makita si Colton na nakahiga sa kama habang may babaeng nakapatong sa kanya at gumagalaw sa kanyang ibabaw. He was biting his lower lip and moaning while meeting the thrusts of the girl. Nanghina ang mga tuhod ko at mabilis na natumba, nakita ko kung paano silang dalawa natigilan at napunta ang atensyon sa akin. I met Colton's cold eyes, and I was surprised when I saw that he wasn't even bothered that I saw him f*****g another girl.
Pinilit kong tumayo kahit na sobra akong pinanghihinaan. Inalis ni Colton ang babae sa kanyang ibabaw ngunit hindi ko pa rin nakita ng malinaw ang mukha nito. Nanginginig sa galit ang kamao ko at gustong-gusto kong sabunutan ang babae ngunit masyado akong nanghihina at nagpapadala sa nakakalunod na emosyon.
"P-Paano mo nagawa sa 'kin 'to?" I asked while crying. He wore his boxer before walking towards me. Umangat ang tingin ko sa kanya ngunit walang ano mang emosyon na makikita sa mukha niya. I stood up straight and slapped his face. Umalingawngaw sa buong kwarto ang tunog ng palad ko sa kanyang pisngi.
"A-Akala ko mahal mo 'ko? Bakit ganito, Colton? Bakit kailangan mong gawin sa 'kin 'to?" umiiyak na sigaw ko sa kanya at nagsimulang hampasin ang dibdib niya. He didn't stop me, and that pains me too. Patuloy ako sa pag-iyak habang sinasabi sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko.
I am mad. I wanted to pull that girl's hair and push her onto the cliff, but I don't have the heart to do that. Patuloy akong umiyak hanggang sa mapagod at mapaluhod sa harapan niya.
"Mahal kita, eh... mahal na mahal kita na kaya kong tanggapin ang lahat ng pagkakamali mo pero ito... binigay ko naman sa 'yo lahat, 'di ba? Sinubukan kong gawin lahat ng gusto mo kahit na hirap na hirap na 'ko pero bakit naman ganito? Bakit kailangan mong iparamdam sa 'kin na hindi ako naging sapat?"
I cried harder as I realised he didn't care about my pain. Unti-unting dumilim ang paligid ko hanggang sa tuluyan akong magising nang marinig ang boses ng lalaking pinakamamahal ko.
"Baby!" I was panting and catching my breath. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Colton, kaya mabilis na tumulo ang luha ko at napahagulgol. I thought that was real. Akala ko niloko niya na talaga ako at pinagpalit sa ibang babae.
I hugged his body and buried my face in his chest. Mas lalo akong napahagulgol nang maramdaman ko ang kamay niya na humahaplos sa likod ko. "Shhh, it was just a dream. That won't happen, hm? Calm down, Amaia."
Ilang minuto pa bago niya ako tuluyang napakalma. Lumayo ako sa kanya at pilit na pinunasan ang mga luha sa mata ko gamit ang nanginginig kong kamay. "Please, don't do that, Colton. D-Don't do that, please." umiiyak na pakiusap ko sa kanya. Nakita kong sobra siyang naguguluhan sa sinasabi ko ngunit hindi na nagtanong. He just hugged me again, and I cried harder as I remembered what happened in my dreams.
Kung mangyari man 'yon sa totoong buhay, alam kong higit pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon ang mararamdaman ko.
The next day, Colton was too distant for me. Pinilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya sa takot na baka magkatotoo ang panaginip ko. He would not go to work today because it's his rest day. Sa kwarto lang siya nakatambay ngunit para akong hangin sa tuwing nasa paligid niya 'ko.
"Colton, may gusto ka bang ipaluto ngayon?" I asked him as I sat on the bed. He's watching a basketball game on the TV; he didn't look at me, but I saw him at least glance in my direction.
"Cook whatever you want, Amaia," he replied, playing with the remote. I sighed and looked at my feet, defeated. Nag-isip ako ng puwedeng pag-usapan naming dalawa bago ako bumaba para magluto.
"What about dessert, Colton? May gusto ka bang ipagawa sa 'kin? May sobrang ingredients sa baba, puwede akong gumawa ng cakes or cupcake if gusto mo. 'Di ba favourite mo ang strawberry cake? Okay, gagawan na lang kita n'on," nakangiting pagdadaldal ko. Sa wakas ay tinapunan niya na ako ng tingin. He looked at me boredly before looking back at the television.
"Go downstairs, ang ingay mo." Nakita ko ang pagdaan ng inis sa mukha niya, kaya hindi na ako nangulit pa. I sighed and stood up, lumapit ako sa kanya at pumunta sa gilid. I saw him eye me, but I just bowed and leaned on his face. I smiled a bit and kissed his cheek. Hindi naman siya nakapalag dahil mabilisan lang 'yon at kaagad akong tumakbo palabas ng kwarto.
I just cooked sinigang na bangus and rice for us; nang matapos ay kaagad kong sinimulan ang pagbe-bake ng strawbery cake. Mabuti na lang at may stocks kami ng strawberry dahil kakapamili lang din. I began to mix the ingredients, and I was halfway done when I saw Colton entering the kitchen.
"Gutom ka na ba? Naluto ko na 'yong ulam, you can now eat. Tatapusin ko na lang 'tong cake." I wiped the sweat forming on my forehead and smiled at him. Nawala ang ngiti ko nang makitang may hawak siyang susi.
"Saan ka pupunta?"
"I just need to fetch someone; I would probably go back late at night. Don't wait for me, matulog ka na kaagad." And with that, he left me in the kitchen, shattered.
Napabuntong hininga ako at walang emosyon na tinignan ang ginagawa ko. I released a heavy breath again and bit my lower lip. Ayokong mag-isip ng kung ano dahil alam kong sasaktan ko lang din ang sarili ko.
I just shook my head and smiled bitterly as I finished everything. Tinapos ko pa rin ang strawberry cake kahit na alam kong hindi 'yon makakain ni Colton. It was just small, good for five servings. Tinitigan ko ang mga pagkain na hinanda ko na ngayon ay nakalatag sa lamesa at mapait na napangiti.
I just laughed as tears started to form at the corners of my eyes. All of my efforts were useless because he didn't even see them as one. Tinakpan ko ang lahat at nilagay sa fridge ang cake at saka umakyat sa kwarto upang magbihis.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at lumabas ng bahay. The guards tried to stop me from going out because Colton had already told them before that I was not allowed to go outside, but I just warned them that I would tell Colton that they were harassing me.
Tulala lang ako habang naglalakad sa kalsada. Tirik ang araw at maraming sasakyan ang dumadaan. I walked like a homeless person who had no way to go.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngunit hinayaan ko na lang ang sarili na maglakad hanghang sa mapunta ako sa isang malaking bridge. It was huge and far from the bottom. Sumilip ako sa baba at nakitang maraming sasakyan ang mabilis ang takbo.
I was contemplating where to go next, but I still couldn't decide. I just spent my hours staring at the highway and looking at the sky lifelessly. Hindi ko alam, but I feel empty right now. I also felt tired from everything. I'm tired of pushing myself to Colton and telling myself that I could still fix everything.
As I stared at the grey canvas, a bittersweet smile appeared on my lips. I was fascinated while watching the sky change its hues. Na-imagine ko tuloy na kasama ko si Colton at pareho kaming nakatingala sa langit.
I don't know how many hours I spend staying outside. Maraming tao at pinagtitinginan ako, pero nawalan na ako ng pake sa lahat. As I walked home, I saw a woman carrying a baby in her arms. Nakangiti ang bata habang nilalaro ang daliri ng kanyang ina. Katabi ng babae ang isang lalaki na may dalang mga plastics na may lamang mga pagkain. My eyes welled up, and my heart was instantly filled with regrets.
Kung hindi lang sana ako umalis ng araw na 'yon, masaya siguro kaming dalawa ni Colton ngayon kasama ang anak namin. We could have been living in our house now with our child. I would prepare Colton's office attire and his breakfast before going to work. He would kiss my forehead before leaving the house and tell me that he loved me.
Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang paninikip 'yon. If I could just go back in time and decide for the second time, mas pipiliin kong nasa tahanan lang ako kasama si Colton. Mas pipiliin kong intindihin ang desisyon niya, kaysa mawala sa amin ang anak namin.
The sky went darker, and a drop of liquid fell from my shoulder. Nagsimulang mataranta ang mga tao sa paligid ko nang unti-unting lumakas ang ulan. Nagmistulang magulo at traffic ang lugar, habang naglalakad ako mag-isa sa gitna ng ulan.
I just don't care anymore about everything. Naglakad ako nang naglakad hanggang sa muli akong makapasok sa village namin. I saw the guards panicking and giving me an umbrella, but I was already drenching. Nginitian ko na lang sila at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa harap ng bahay namin ni Colton.
When Colton's guard saw me, he also panicked. Kaagad niya akong pinayungan at inalalayan papasok. Hindi siya nagsalita ngunit ramdam ko ang takot at kaba dahil bakas 'yon sa mukha niya.
"Ma'am, magagalit po si Sir sa amin niyan. Bakit ka naman po nagpa-ulan?"
I smiled bitterly as tears started to form in my eyes. "N-Nandiyan na siya?"
He nodded and looked at me, still afraid. "Kanina pa po. May kasama po siyang bisita sa taas, magkasama po sila ngayon."
I don't know why, but I suddenly felt uncomfortable when I heard his words. Hindi na ako nagpapayong sa kanya at mabilis na pumasok ng bahay. Doon ko lang naramdaman ang pagod at pangangalay ng paa ko. Halos mangatal ang labi ko at manginig sa sobrang lamig.
I hugged myself while walking upstairs. Mabagal ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa tapat ng pinto ng kwarto namin ni Colton. I held the door knob and slowly twisted it. Malakas ang kabog ng dibdib ko at mabigat ang paghinga, parang kaunti na lang ay bibigay na ang katawan ko sa sobrang pagod.
My head started spinning, but I forced myself to open the door and get inside. Halos matumba ako nang bumukas 'yon. My eyes started to close, but I took a deep breath and forced myself to stay awake. Para akong matutumba ano mang oras nang maglakad ako papasok ngunit tuluyan na akong natulos sa kinatatayuan nang makita ko si Colton.
His eyes widened, but my sleepy eyes just stared back at him. I felt my chest tighten more, and the pain was more evident in my face. I was already wet and drenched in the rain's water, but my face got damp again because of the tears that escaped from my eyes.
In our own room, where I cherished our memories, I saw Colton half-naked on top of a girl I knew. She was also naked and lying in our bed. Nagtama ang mata namin at nakumpirma kong ito nga ang kababata ni Colton.
My breathing hitched, and I started to gasp for more air. Narinig kong tinawag pa ako ni Colton ngunit hindi ko na nagawang makasagot nang mas lalong bumigat ang talukap ng mata ko at tuluyang mawalan ng malay.
Maybe in another life, I wouldn't have to suffer like this. I would live a happy life with my child—away from the pain.