Chapter 8

3263 Words
Halos hindi ko na mabilang ang araw na lumipas kapag kasama ko si Colton. We stayed in our apartment at naging issue rin 'yon sa school namin ngunit mas pinili naming huwag pansinin ni Colton. We both know that we are already consenting adults; alam na namin ang ginagawa naming dalawa at ang mga limitasyon. "I'll just go to the office to get the documents; stay here and wait for me," Colton said, kissing my forehead. Nakahiga ako sa kama habang nagko-crochet. Ito ang pinagkakaabalahan ko kapag wala masyadong kailangang gawin sa school. I used to sell this when I was still at the orphanage. Tinigil ko lang nang hindi ko na kayang pagsabayin ang paggawa sa pag-aaral. "Sasama ako, please? Hindi ako magkukulit, promise," pakiusap ko sa kanya at mas lalong nagpaawa. He raised his brow and stared at me. Ngumuso ako lalo para magmukhang kaawa-awa sa tingin niya. "Fine, wear this." Kinuha ni Colton ang hoodie niya at sinuot sa akin. Nakangiti akong humawak sa braso niya habang palabas kami ng apartment. Sumakay kami sa Ford niya at dumiretso sa opisina. Sinabi sa akin ni Colton na paminsan-minsan ay siya ang pumapalit sa kapatid niya kapag wala ito at nasa ibang bansa. Wala raw kasing mag-aasikaso ng mga naiwang papeles at maaga rin naman siyang sinanay sa mga gawaing pang-opisina. Hindi ko na napigilang mamangha nang makita kung gaano kataas ang building. Marami ang palapag at halos babasagin ang lahat, tinignan ko si Colton na seryoso lang ang mukha habang papasok kami ng building. He snaked his arms around my waist and guided me inside. Sumakay kami sa private lift at halos mangunot ang noo ko nang makita kung paano nataranta ang mga empleyado sa pagdating ni Colton. I just didn't talk and looked at Colton. Sabagay, sino bang hindi matatakot kung ganito kaseryoso ang mukha ng amo mo na para bang anytime mananapak? Huminto ang lift sa ika-dalawanpung palapag. Mas lalo akong namangha nang makitang ang buong floor na 'yon ay isang opisina. Dumiretso si Colton sa isang table at pinakialaman ang mga gamit doon. Nilibot ko naman ang panigin sa palagid at parang batang nag-ikot sa loob ng opisina. Mayroong sariling banyo ito at kwarto kung saan may kama, mas lalo akong namangha nang makitang halos lahat ng gamit sa bahay ay rito na matatagpuan. "Colton, 'yong kuya mo ba rito na sa opisina nakatira?" tanong ko sa lakaki matapos mapagod mag-ikot. Nakaupo na siya ngayon sa swivel chair at busy sa pag-type, tinignan niya ako saglit bago nagpatuloy sa ginagawa. "No. But he rarely goes home because of piles of documents he needs to read and sign, so he made this office like this," he explained. I nodded and sat down on the couch. Tahimik kong hinintay si Colton hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako roon. Madilim na sa labas nang magising ako ngunit patuloy pa rin si Colton sa pagtatrabaho. Hindi niya rin napansin ang pag-alis ko sa couch, kaya mas lalo akong napasimangot. Masyado siyang tutok sa laptop, kaya tagumpay akong nakasakay sa lift. Tinitigan ko lang siya habang unti-unting magsara ito ngunit bumagsak ang balikat ko nang hindi man lang siya lumingon. I just headed to the nearest restaurant and bought us food. Gutom na rin kasi ako at baka nakalimutan na rin ni Colton na um-order dahil sa sobrang busy. I waited for the food to be prepared and sat near the glass wall. Maraming mga sasakyan ang dumadaan sa kalsada at may iba namang naglalakad lang. It was a peaceful and serene night. I just wish that I could show this to Colton, and we would walk down the street as our hands clasped. Dalawang buwan pa lang simula nang ma-engage kami ni Colton. Ako ang nagsabi sa kanya na tapusin muna namin ang pag-aaral namin bago magpakasal. Hindi naman kailangang madaliin ang lahat dahil sa simbahan pa rin naman kami mauuwi. He just agrees, but I know deep inside he wants to complain. Mabuti na lang at naintindihan niya ang lahat ng sinabi ko. Nang makuha ang order ko ay hindi kaagad ako nakaalis nang may babaeng humarang sa harapan ko. She was tall, and her body fit just like those models on television, but when I saw her face, I immediately raised my brows. It was her. Colton's ex and the woman I saw last time. Seryoso ang tingin niya sa akin at nakataas ang kilay na pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Bahagya akong napaatras nang ngumisi siya sa 'kin na para bang may nakakatawa sa 'kin. "I've been with Colton for years, and I didn't know that he has this attitude of choosing cheap and lame girls," she muttered slowly, making sure that her every word would reach my ears. Nakagat ko ang labi at napabuntong hininga. Hindi ko na ine-expect na magiging maayos ang ugali niya pagdating sa 'kin dahil base naman sa mukha niya habang kausap si Colton ay may gusto pa siya sa lalaki. "Excuse me," tanging nasabi ko na lang dahil baka alam na ni Colton na umalis ako sa opisina at magalit siya. Mas lalong hinarang ng babae ang katawan niya at nginisian ako. Mas matangkad siya sa 'kin dahil nakasuot din siya ng mataas na heels, tanging flat shoes lang ang suot ko. "I'm not done talking to you; is that really you your attitude? Oh, I should not be surprised. Cheap girls like you don't know how to act with class and manners," nang-uuyam na saad niya habang nakatingin sa kuko niyang bagong linis. Nakagat ko na lang ang labi upang pigilan ang sarili na patulan siya, kapag nagsalita kasi ako ay mas lalong hahaba ang usapan namin. Kinakabahan na ako lalo dahil hindi ako nagpaalam kay Colton. "Wala akong oras na makipag-away sa 'yo, Miss. Kung marami ka pang sasabihin, ibibigay ko na lang sa 'yo ang number ko at doon mo 'ko i-text, inaabala mo na 'ko." "Ha!" "Tabi!" asik ko at tinulak siya pagilid. Walang lingunan akong umalis sa restaurant na 'yon kahit na nang tawagin niya pa ako. Mabilis akong umakyat sa floor ng opisina kung nasaan si Colton. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa 'kin ang madilim at galit na mukha ni Colton. Sinubukan kong umatras ngunit mabilis niyang nahigit ang braso ko at tinulak ako paupo sa couch. Sinigurado ko namang hindi matatapon ang pagkain na binili ko at kaagad na nilayo 'yon sa 'kin. "Ano ba?!" sigaw ko kay Colton. Masama pa rin ang tingin niya at mabigat ang paghinga. Nangilid ang luha ko sa kaba nang makita na gumagalaw na ang panga niya sa tindi ng galit na nararamdaman. "Where did you f**k go, Amaia?" he asked while gritting his teeth. My tears slid down my cheeks, and I sobbed as I heard his words. He didn't shout at me, but his mere presence frightened the hell out of me. Hindi ko alam ngunit mabilis na nanginig ang kamay ko at napasandal sa couch, tila ba umiiwas kung sasaktan man niya ako. "Amaia!" galit na tawag niya sa 'kin dahilan para mapapitlag ako sa kinauupuaan. "Don't shout, please," naiiyak na pakiusap ko sa kanya at sumiksik sa couch. Tila roon siya natauhan at kumalma, tumabi siya sa akin at hinatak ang kamay ko. Hindi tulad kanina na mahigpit, magaan ang palad niya na humaplos sa braso ko. He looked into my eyes, and his anger vanished as he saw my tears. "Be mad, but please don't shout at me, Colton. N-Natatakot ako sa 'yo," umiiyak na saad ko. Napabuntong hininga siya at bakas ang konsensya sa mata. Hinatak niya ako upang yakapin at kaagad kong binaon ang mukha sa dibdib niya. "I'm sorry, baby. Nagulat lang ako na wala ka bigla rito sa opisina. Tinawagan ko ang mga empleyado sa baba, pero hindi ka rin daw nila nakitang bumaba. f**k, I'm sorry if I shouted at you. Hindi na mauulit, baby. I'm sorry." I looked at him as tears started to form at the corners of my eyes again. "B-Bumili lang ako sa baba ng pagkain natin. I'm sorry rin kung hindi ako nagpaalam. I saw you busy, k-kaya lumabas kaagad ako." He apologised to me many times before we decided to eat the foods I bought. Hindi ko na sinabi kay Colton na nakasalubong ko ang ex niya kanina dahil natakot din ako na baka mas lalo siyang magalit. "I'm sorry for screaming at you earlier," Colton said, kissing my forehead. Nakauwi na kami sa apartment, pero nakokonsenya pa rin siya, niyakap ko na lang siya, at pinakinggan ang mabilis na t***k ng puso niya. "Next time you'll do that, tell me. You can't just leave my side without telling me, Amaia. Mababaliw ako kapag hindi kita nakita." I pinched his n****e and giggled when his eyes turned darker. "Opo. Hindi na po mauulit," nakangiting sagot ko sa kanya. Napailing siya at marahang humaplos sa bewang ko. Bukas ay may pasok na naman at balik na ulit sa dati, madalas pa rin kaming magsabay ni Colton sa lunch, pero may pagkakataon na hindi ko siya naabutan dahil nag-o-overtime minsan ang professor namin. Dinadalhan niya na lang ako ng pagkain sa room, kahit na ilang beses na siyang pinapagalitan. "I'll try to go to your room after my class." Colton kissed my forehead, and I watched his back walk away. Napabuntong hininga ako at pumasok sa loob ng room, naabutan ko roon si Zylla na nakasimangot at magkakrus ang braso habang masama kaagad ang tingin sa akin. Pinukulan ko siya ng nagtatanong na tingin ngunit umirap lang siya at umismid. Napailing na lang ako dahil ugali niya talagang ipakita sa 'kin kapag naiinis siya or galit siya sa 'kin. Hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanya ang tunay na status namin ni Colton. Nahihiya pa rin kasi akong aminin sa kanya na engage na kami ni Colton nang gano'n kabilis. Honestly, hindi ko kinakahiya si Colton. Natatakot lang din ako sa sasabihin niya dahil ilang beses na niya akong pinaalalahanan na mag-ingat sa mga lalaki at huwag madaliin ang lahat. Nang sumapit ang lunch ay hindi pa rin ako pinapansin ni Zylla. Napansin ng mga blockmates namin 'yon, pero mas pinili nilang hindi na magtanong. Nag-text sa 'kin si Colton at sinabing inaya siya ng mga kaibigan niya na tumambay sa palagi nilang pinagkakainan kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para sundan si Zylla at humingi ng tawad. "Sorry na, Zylla. Kausapin mo na 'ko, hindi ako sanay na ganiyan ka katahimik. Mas gusto ko pang sinesermonan mo ako kaysa ganiyan ka lang at hindi ako pinapansin. Sorry na, please?" Hindi ko pinansin ang mga tao sa canteen na nakatingin sa aming dalawa ni Zylla. Paano ba kasi, kanina pa ako nagsasalita pero hindi maman ako kinakausap ng babae. Naubos na lang ang laway ko at ang pagkain na kinakain niya hindi pa rin siya sumasagot. "Kung hindi mo sasabihin kung anong mayro'n sa inyo ng lalaking 'yon, hinding-hindi kita papansinin," nakasimangot na saad niya. Napangiti ako dahil kahit mataas ang pride niya ay ganito niya ako kamahal. Hinatak ko siya sa banyo pagtapos niyang kumain at siniguradong naka-lock ang pinto. "Ganito ba talaga karami ang sikreto mo sa 'kin kaya dinala mo pa 'ko rito?" nakataas ang kilay na tanong niya. Sumimangot ako at inirapan siya. "I'm engaged." "What the—gaga ka ba, Amaia?!" gulat na sigaw niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil baka may nakarinig sa amin sa labas. "Paano? Kailan pa? Hindi mo manlang sinabi kaagad sa 'kin, wow naman! Baka ako pa ang pinakahuling nakaalam niyan?" Nakonsensya ako bigla sa sinabi ni Zylla. Simula kasi nang umalis ako sa bahay ampunan ay siya na ang naging kaibigan ko, lahat ng sikreto ko ay alam niya. Ito lang talaga ang hindi ko masabi. "I'm sorry. Naghahanap lang ako ng tiyempo sabihin sa 'yo, b-baka kasi magalit ka." "At bakit naman ako magagalit? Kung masaya ka sa lalaking 'yon, wala naman na akong magagawa. Basta, huwag ka lang niya sasaktan dahil magkakaroon talaga ng madugong labanan dito!" Mahina akong napatawa at dahan-dahang lumapit sa kanya. I hugged her and whispered my apology. Halos maiyak pa ako nang sabihin niyang ayos lang sa kanya ang lahat. Masaya ako hanggang sa matapos ang klase dahil pinapansin na niya ako ulit at sabay pa kaming pumunta sa parking lot. "May power bank kang dala?" I asked her because I didn't notice that I leave the house without charging my phone, na-dead battery tuloy ako. "Wala, eh. Kabisado mo ba ang number ni Colton? Maki-text ka na lang sa phone ko, sasamahan din kitang maghintay rito." I smiled at her and typed Colton's number on her phone. Sinubukan kong tawagan, pero hindi naman sumasagot. Nandito pa ang kotse niya sa parking lot kaya nandito pa rin siya sa school. "I-text mo na lang kaya? Para alam niya na nandito ka na," suggestion ni Zylla na kaagad kong sinunod. Binalik ko ang phone sa kanya at tahimik na naghintay. Mayamaya ay umilaw ang phone ni Zylla, nagliwanag ang mata ko ngunit kaagad 'yong naglaho nang makitang ang nanay 'yon ni Zylla at hinahanap na siya. "Sige na, mauna ka na. Ite-text na lang kita kapag nakauwi na 'ko, kailangan mo na ring umuwi." Nakailang pilit pa ako sa kanya bago siya umalis. Gabi na ngunit hindi madilim ang parking lot dahil mayroong ilaw sa poste, halos wala na rin akong makitang estudyante dahil ganitong oras ay nakauwi na ang lahat. I waited more, and I almost jumped in shock when someone covered my eyes with a large palm. "Bakit ngayon ka lang?" nakasimangot na tanong ko at pilit na tinanggal ang kamay niya sa mata ko. Nang matanggal ay kaagad ko siyang niyakap nang hindi manlang tumitingin sa mukha, napagtanto ko lang na hindi si Colton 'yon nang makita ko ito ng maayos. "Oh my! I'm sorry! Akala ko..." Yosemite smiled at me and ruffled my hair. Namula ang pisngi ko sa sobrang hiya. Gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyang ginawa ko. "Akala mo ano?" "I'm sorry talaga," naiiyak na saad ko at yumuko. He laughed and stared at me in the eyes. Napakagat ako ng labi dahil halos maiyak ako sa katangahang nagawa ko. "Hey, don't be shy. I like that hug too." Nagulat ako sa sinabi niya at nanlalaki ang matang tinignan siya. Magsasalita pa sana ako ngunit tanging tili ang lumabas sa bibig ko nang bigla siyang tumilapon sa damuhan matapos suntukin ni Colton. "H'wag! Tama na, Colton! Please, tumigil ka na!" pakiusap ko nang kaagad niyang daganan si Yosemite at paulanan ng suntok sa mukha. Umiiyak na nilapitan ko silang dalawa, hindi ko mahawakan sa braso si Colton sapagkat pakiramdam ko ay maling galaw niya lang ay matutulak niya ako ng malakas. Wala akong nagawa kundi sumigaw ng tulong habang naawa sa itsura ni Yosemite. "Stop! Please, Colton! Mapapatay mo siya! Mapapatay mo, tama na!" I screamed and hugged his back when Yosemite started coughing with blood. Napahagulgol ako nang tumigil si Colton at nakitang puno ng dugo ang kamay niya. My body was shaking in fear, but I couldn't think properly now. "f**k you for touching my girl!" "T-Tama na, Colton. Please, t-tama na." "At ikaw," baling sa 'kin ni Colton at sinamaan ako ng tingin. Humiwalay ako sa kanya at napaatras sa takot dahil sa galit na nakikita ko sa mata niya. "I told you to wait for me! Makikita na lang kita na nakayakap sa gagong 'to?" "C-Colton..." "Get inside the f*****g car, Amaia. You don't want me to shout at you again," mahinahon ngunit puno ng diin na banta sa 'kin ni Colton. Kahit nanginginig ay sinubukan kong tumayo at pumunta sa kotse ni Colton, nagulat ako nang mapagtantong bukas pa 'yon. Mabilis akong pumasok sa shotgun seat at hinintay si Colton na pumasok sa kotse. Nakita kong may lumapit na guard sa kinaroroonan niya at kinausap niya ito, tahimik akong nagdasal na sana okay lang ang kalagayan ni Yosemite dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Sumakay na kaagad si Colton sa kotse matapos 'yon. Hindi siya nagsalita at mabilis na pinaandar ang kotse, napakapit na lang ako sa seatbelt ko nang mas lalo niya pang bilisan ang pag-andar. "C-Colton, natatakot na 'ko. P-Please, slow down. M-Mababangga tayo." A lone tear escaped from my eye. Naradaman kong sinunod niya ang sinabi ko. Mabilis lang din kaming nakarating sa apartment; hindi na niya ako pinagbuksan ng pinto at mabilis siyang pumasok sa loob. Nanghihina akong napasandal sa upuan at kagad ang labi habang umiiyak. This is my fault; he saw me hugging Yosemite, and he must be so jealous now. Bumaba ako sa kotse at hinanap siya. Nang makapasok sa kwarto ay rinig ko ang tunog ng tubig na dumadaloy sa shower, kaya alam kong nasa loob siya. My knees were already shaking and weak, but I just sighed and closed my eyes to gather my strength and speak with him now. I am mad at him for what he did to Yosemite, but our pride won't do anything good. Inalis ko ang lahat ng saplot ko sa damit at kinakabahang pumasok sa banyo. Bukod sa pinto ay wala ng division ang banyo kaya kaagad kong nakita si Colton na nakasandal ang noo sa pader at hinahayaang dumaloy ang tubig sa katawan niya. Halos mapahikbi ako nang mapagtantong hindi niya pa nahuhubad ang damit niya. I slowly stepped forward and snaked my arms around his waist. He froze, but then he turned around to see me. Kagad ko ang labi at inangat ang paningin sa kanya upang makita siya. "C-Colton..." "I saw you hugging him; do you love him now? Hindi mo na ba 'ko mahal kaagad kaya niyakap mo siya?" Mabilis akong umiling. "H-Hindi sa gano'n, Colton. A-Akala ko ikaw 'yon, hindi ko sinasadyang yakapin siya," paliwanag ko at niyakap ang bewang niya. Hindi naman siya pumalag at nilagay ang kamay sa likod ko. "That's a stupid reason, Amaia," mahinang sagot niya sa 'kin. Nangilid ang luha ko at mabilis na tumango. "I know, ang estupida ko kasi hindi ko agad nalaman na hindi ikaw ang niyakap ko. A-Akala ko lang ikaw kasi naghihintay ako sa parking lot, tinakpan niya ang mata ko kaya akala ko ikaw 'yon," naluluhang paliwanag ko. "That bullshit, what I did earlier wasn't enough to punish him. He's lucky because I didn't bring my gun with me." Napasinghap ako sa sinabi niya. "Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan! Halos mapatay mo na siya kanina, hindi ka manlang ba makokonsenya?" "Saka na ako makokonsenya kapag namatay na siya, Amaia." Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o hindi. Seryoso kasi ang mata niya ngunit nang makitang galit na ako ay mahina siyang tumawa at hinalikan ang noo ko. "Fine. Sapat na muna ang ginawa ko sa kanya kanina. If he does that again, I won't restrain myself anymore and kill him," he muttered seriously. Electricity seeped through my bones when he caressed my cheeks. "You're mine, Amaia. And I don't share what's mine; you get that?" Tila may hipnotismo ang boses niya at dahan-dahan akong tumango. Tumingkayad ako upang patakan ng halik ang labi niya na mabilis naman niyang tinugon. "Akin ka lang din, ah?" nakangising tanong ko sa ilalim ng nakakalasing niyang mga halik. I felt his hand caress my boobs while his other hand went down my core. "Of course, my wife. I'm all yours."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD