"Amaia, sama ka? Iinom daw sila sa Spark," tawag sa akin ni Zylla, isa sa mga ka-block at kaibigan ko. I put my book down and looked at her; she was smiling at me from ear to ear at alam kong hindi ako makakatakas sa kanya.
"May exam tayo bukas, hindi tayo puwedeng uminom," paliwanag ko at muling kinuha ang libro. I saw her pout. "Paano ako makakauwi kung hindi ka kasama? Paano na lang kapag nalasing ako tapos hindi ikaw ang kasama ko? Paano na kung mapagsamantalahan ako kasi nga mag-isa lang akong pumunta? Marami pa namang masasamang tao—"
"Oo na, oo na. Sasama na ako," pigil ko sa kanya. Naririndi na rin ako sa sobrang ingay. "Totoo? Yes! Dadaanan kita sa apartment mo mamaya, magdadala na rin ako ng damit para sa 'yo!"
I rolled my eyes at her. "I don't need that, Zylla."
She scoffed as if she remembered something. "Akala mo ba hindi ko pa nakakalimutan 'yon? Pumunta ka sa bar na nakapangbahay lang! Hindi ko na hahayaang maulit 'yon, maraming nanghusga sa 'yo dahil sa suot mo."
I fixed my reading glass and put my book down for the second time. I arched a brow at her when I saw her lips pout more. Napangiti ako nang maalala 'yon. It was my first time going to the bar, and I am not really familiar with that place. Basta na lang akong niyaya ng mga kaibigan namin at mag-isa akong pumunta roon nang hindi alam ang madadatnan. At first, I was honestly shocked, but Zylla explained everything to me.
"Basta, ako na bahala sa susuotin mo mamaya. Hindi ka puwedeng tumanggi kasi naka-oo ka na kanina," putol niya sa mahabang pag-iisip ko. Tumango ako at hindi na nagsalita pa para hindi na rin niya ako kausapin. I continued reading our book; isang oras na lang ay dadating na rin ang isa pa naming professor kaya nagre-review ako. Ayon pa naman ang madalas magpa-surprise quiz.
After the long day, I immediately went home and took a bath. Umuwi muna saglit si Zylla para kumuha ng damit at dito na rin siya mag-aayos. Lumipas ang ilang minuto at dumating na rin siya. She was excitedly showing me the dress she was talking about earlier.
"Ito, maganda! Bagay na bagay talaga sa 'yo. Never ko pa nagamit 'yan kaya ibibigay ko na lang din sa 'yo, hindi rin kasi bagay sa 'kin ang kulay. Mas lalo akong nagmukukhang maputla," paliwanag ni Zylla. Nabuntong hininga ako at pasimpleng kinamot ang batok. I'm not really a fan of these dresses, but I don't want to hurt Zylla's feelings. Hinayaan ko na lang siyang isuot sa akin ang white tube dress, at sumunod naman ay nilagyan ako ng manipis na makeup.
"Hindi mo talaga alam kung sino ang mga magulang mo? Mukha ka talagang may lahi, sobrang ganda mo," puna niya habang may nilalagay na kung ano sa mata ko.
"Lahat naman ng tao ay may lahi, Zylla," mahinang sagot ko sa kanya. "Ikaw talaga! Ang sarap mo tirisin. I mean, may lahing Afam, Koreana, Indiano. Gano'n ang ibig kong sabihin."
Mahina akong natawa dahil bakas sa boses niya ang panggigigil. "Ang alam ko lang ang Tatay ko ay Russian, at Pilipina naman ang Nanay ko. Bukod doon, wala na akong alam tungkol sa kanila." I grew up being sheltered by a nun. Halos hindi ko na maalala ang mukha ng mga magulang ko dahil masyado pa akong bata nang ipamigay nila ako sa ampunan. Honestly, I'm not interested in them anymore. Hinayaan ko na lang na maging kapalaran ko ang lumaki na wala sila. May tampo sa puso ko dahil sa ginawa nilang pag-iwan sa akin ngunit pilit ko nang binabaon sa limot ang lahat.
"Ayan! Okay na. Ako naman ang mag-aayos, huwag mong guluhin ang ginawa ko. Doon ka muna sa tapat ng electric fan para hindi ka pagpawisan." I blew a breath and did what she said. Tumapat ako sa harap ng salamin at halos natulala sa itsura ko roon. Hindi ito ang unang beses na nilagyan ako ng makeup ni Zylla sa mukha, pero iba ang pakiramdam ko ngayon habang nakatingin sa sarili ko. I just smiled and accepted my fate. I'll just explore new things tonight and let the new Amaia take over.
Nang dumating kami sa Spark ay kaagad na sumalubong sa amin ang malakas na tugtog sa stage at maingay na sigawan ng mga tao. Halos mabunggo pa nga ako kung hindi lang ako hinatak ni Zylla papunta sa gilid niya. I roamed my eyes around and smiled when I found our classmates on one of the couches. Hinatak ako roon ni Zylla at pinaupo.
"Hello! Nasa'n na ang iba?" tanong ni Zylla.
"Papunta pa lang. I didn't expect that you were coming here, Amaia," nakangiting bati ni Yosemite sa akin. I smiled at him and looked away. Dalawang linggo na rin simula nang huli kaming mag-usap. Matapos kong magdesisyon na patigilin siya sa panliligaw sa akin ay hindi na rin niya ako sinubukang kausapin pa. Buti nga dahil hindi naman pala siya galit sa 'kin.
"Do you want to have a drink?" tanong ulit nito at tumabi sa akin. Zylla looked at me and grinned. Nagulat ako nang bigla siyang umalis hanggang sa naiwan kaming dalawa ni Yosemite sa couch. Umalis din ang ilan naming mga kaibigan at pumunta sa stage.
"Hindi ako iinom para mabantayan ko si Zylla. Salamat na lang."
He smiled, making his eyes too small. Halatang-halata sa mukha niya na may dugo siyang Japanese. "Ako na bahala sa inyong magkaibigan, ako na rin mag-uuwi sa inyo kung sakali man na malasing kayo. 'Yon ay kung papayagan mo 'ko," nakangiting saad niya. Napabuntong hininga ako at nilibot ang paningin sa paligid. I saw many girls drooling at him; ayaw kong maging pabigat sa kanya ngayon gabi. I'm not his responsibility.
"Kaya ko na ang sarili ko. Pasensya na, mag-enjoy ka na lang ngayong gabi. Huwag mo na akong intindihin, Yosemite," alanganin ang ngiting saad ko. Napatango siya bago dumako ang mata sa babaeng kanina pa nakatingin sa kanya. Nakagat ko ang labi nang kaagad siyang nagpaalam na umalis. Hindi ko naman na pinigilan at hinayaan siya.
Naiwan akong mag-isa sa couch, habang nililibot ang paningin sa paligid. May mga lalaking sinusubukang makipag-usap sa akin ngunit kaagad ko silang tinataboy, hindi naman sa pagmamaldita ngunit hindi lang ako komportable sa mga tingin nila. Lumipas ang ilang minuto at halos hindi ko na makita ang ilang mga kaibigan namin. Nag-alala ako na baka kung nasaan na napunta si Zylla ngunit nakahinga ako nang maluwag nang makita siya sa isa sa mga couch at may kasamang lalaki roon na hindi ko kilala.
I stood up and fixed my hair before walking in her direction. Nagtama ang mata namin at ngingitian ko na sana siya nang may lalaking humarang sa daan ko at inangat ang kamay sa hangin na para bang makikipagkilala. I looked up at him and met his blue orbs. I almost drowned.
"Bakit p-po?" mahinang tanong ko dahil nanatili siyang seryosong nakatingin sa akin. Ako ang nangangalay sa kamay niya. "Would you not introduce yourself?" I swear to God. I gasped. I didn't expect his voice. It was too manly and husky; halos panawan ako ng hininga nang mas lalo niyang inangat ang kamay at saka pinasadahan ng daliri ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay nangangamatis na ako ngayon.
"Why would I?" Pilit kong tinapangan kahit na sobra ang panginginig ng mga tuhod ko ngayon. Sumilip ako sa kanyang likod at nakitang busy pa rin si Zylla sa pagkausap sa kanyang kasamang lalaki. Binalik ko ang tingin sa lalaking may kulay asul na mata at pinakatitigan ang mukha niya. He has such sharp jaws that the wrong touch may cut your hand. I just gulped when my eyes landed on his red lips. He rolled his tongue on his bottom lips and smirked at me.
"Like the view, huh?" Doon ako tila natauhan at napaatras sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko. Hindi ko maintindihan ang mararamdaman, para akong masusuka sa sobrang nerbyos.
"Aalis na 'ko," paalam ko sa kanya. Narinig kong tinawag niya pa ako ngunit hindi na ako humarap at bumalik na lang sa couch kung nasaan ako kanina para roon hinatayin ang ilan kong kasama. Nakita ko kaagad doon ang bote ng alak, hindi ko alam kung paano mapapakalma ang nagwawalang mga paru-paro sa tiyan ko, kaya kaagad ko 'yong tinungga at napapikit na lang nang may gumuhit na mainit sa lalamunan ko.
"Wow, I thought you were naive to be a type of drunk girl," rinig kong saad ng lalaking hindi ko manlang namalayan na nakasunod na pala sa akin. Hindi ko siya pinansin at pinunasan gamit ang likod ng palad ang tumulong alak sa baba ko. Nang magmulat ako ng mata ay nakita ko siyang aliw na aliw habang pinapanood ako.
"Sino ka ba?" naiinis na tanong ko. Isang bote lang 'yon ngunit ramdam ko na ang pag-ikot ng paningin ko. "What a nice question, Miss. My name is Colton," he introduced himself. I rolled my eyes and laid my back on the couch. He watched me gather my hair and put it on my right shoulder.
"How about you? What's your name, Miss Softie?" Kumunot ang noo ko sa tinawag niya sa akin. "Who's Miss Softie?"
He chuckled, which made her manly shoulder shake. "It's you; you're too soft to be in this kind of place."
Umiling ako bago napanguso. Gano'n ba talaga ako kahalata na hindi ako sanay sa ganitong lugar? Naka-makeup naman ako at nagdamit ng ayon sa lugar. I guess I still have to practice everything, so no one would suspect that I am this innocent.
"So what? Are those tough girls only allowed in this place?" sagot ko sa kanya. Umangat ang sulok ng labi niya at bahagyang natawa. Mahina akong napamura sa isip ko, nang matulala ako sa kagwapuhan niya. I mean, he's indeniably handsome!
He shook his head. I watched him sit beside me while still not removing his stare from me. "A woman like you should be accompanied all the time."
I bit my lower lip. "No thanks, I can handle myself." Hindi na siya nagsalita pagtapos n'on. I stood up to check on my friend, but my head was already so dizzy that I almost fell to the floor. Luckily, a pair of muscled arms embraced my waist and made me sit on his lap. I gulped at the sudden electricity seeping through my bones as our skin touched. Hindi ko man nakikita ang mukha niya ngunit alam kong siya ang lalaking may kulay asul na mata na kanina pa ako binabantayan.
"Careful, Miss Softie," he whispered through my ears. Napakapit ako ng mahigpit sa balikat niya nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko, gusto ko sanang itulak siya para maakalis na ako sa awkward position naming dalawa ngunit tila ba nawalan bigla ako ng lakas.
"Stay here, hmm? Let's enjoy this moment and forget about your friend in the mean time. I'm sure she was having fun too, right now," he added, kissing the back of my head. I closed my eyes when I felt a tickling sensation in my belly. I felt his hand caress my hair. Hindi ko alam kung bakit gano'n ako kabilis naging komportable sa kanya. Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib hanggang sa maramdaman ko na lang ang bigat ng talukap sa mata ko at tuluyang nakatulog.
Nagising ako nang maramdamang may mabigat na bagay na nakalagay sa ibabaw ng tiyan ko. Nang dumilat ako ay halos panawan ako ng hininga nang makita ang hindi pamilyar na kwarto. I immediately left the bed and ran towards the door without looking at the man who was sleeping beside me earlier. Tumakbo ako palabas ng kwarto at napaupo sa pinto habang hinihingal.
"Ano bang ginawa mo, Amaia," naluluhang sermon ko sa sarili at napasabunot sa buhok. I checked my clothes, and I'm still wearing them. Napabuntong hininga ako at humawak sa dibdib, pinapakiramdaman ang sarili. I'm still virgin; hindi naman masakit ang katawan ko at ang ano ko sa baba. Napapikit na lang ako sa inis at tumayo. Dahan-dahan akong bumalik sa kama, at tinignan ang lalaking kanina lang ay katabi kong natutulog sa kama.
Nakatalikod siya sa akin at nakadapa, hindi ko maaninag ang mukha niya dahil kinuha niya ang unan at binaon doon ang mukha. I wanted to scream and accuse him of taking advantage of me last night, but his angelic face tempted me to just stay quiet and let him have a good sleep. Hinanap ko ang dala kong bag kagabi at kinuha ang cell phone. I'm sure that Zylla was now panicking because she hadn't gone home with me last night. I called her phone, but she wasn't answering. Mag-aalala na sana ako nang panglimang ring ay sumagod na siya.
"Yes, Amaia?" tila inaantok pa rin na sagot niya sa akin. Umawang ang labi ko at nangunot ang noo sa pagtataka. Kung normal na araw ito, malamang ay tatadtarin niya ako ng sermon dahil hindi ako nakauwi kasama niya kagabi.
"Zylla, nasa'n ka? Sorry kung hindi kita nabantayan kagabi. A-Ayos ka lang ba? Nakauwi ma ng maayos?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba, ayos lang ako. Inuwi ako ni Yosemite. Ikaw? Kumusta kayo ni Colton? Hindi ka ba pinagsamantalahan ng lalaking 'yon? Sabihin mo lang at susugurin ko siya riyan sa condo niya."
Napasinghap ako. "Hinayaan mo siyang iuwi ako?!" gulat na sigaw ko. Narinig ko ang mahina niyang paghagikgik. "Hindi naman sa hinayaan, 'no! Wala na akong choice kagabi kung hindi hayaan siya! Buong gabi ka kayang parang lintang nakayakap sa kanya. Kung hindi pa ako dumating, sigurado ako na napagsamantalahan mo na ang lalaki! Naku, ikaw talaga, Amaia. Nag-iiba ang anyo mo sa tuwing nalalasing ka."
Nalilito kong pinagmasdan ang paligid na para bang doon ako makakahanap ng sagot. "Ano bang sinasabi mo? Anong ginawa ko kagabi?!"
She chukled, obviously remembering everything that happened last night. "Sira ka, girl. Si Colton na lang ang tanungin mo dahil masakit talaga ang ulo ko ngayon, Amaia. Magkita na lang tayo mamayang hapon sa university kapag nakapasok ako," she said and chuckled. "Bye, I love you!"
Pinatay niya na kaagad ang tawag bago pa man ako makasagot. Napabuntong hininga ako at halos mapatalon nang makita ko ang lalaking may asul na mata na nakatayo sa gilid ng kama at blangko ang mata na tinignan ako. I gulped and clenched my fist. He was looking at me as if he were trying to read my mind. I hugged myself and took a step backward when he started walking in my direction. His eyes were still looking at me as if I were the most precious thing he had ever seen since he opened his eyes. Halos panghinaan ako nanv maramdaman ang malamig na dingding sa likod ko at wala na akong maatrasan pa.
"Where do you think you're going?" Napasinghap ako nang marinig ang boses niya. Pakiramdam ko ay nagkulay kamatis ang mukha ko dahil sa kiliting nararamdaman matapos kong marinig ang mala-anghel niyang boses. Seryoso ang mga mata niya ngunit tila ba kinakausap ako nito. Naramdaman kong naglakbay ang kamay niya mula sa balikat ko papunta sa aking pisngi. Halos mapatalon ako nang maramdaman ang init ng kamay niya.
"A-Ano, aalis na po ako," mahinang sagot ko at nag-iwas ng tingin. It was the wrong move because his face was now facing my neck. Alam kong nakita niya ang paglunok ko dahil sa pwesto naming ngayon. Madali na lang para sa kanya na sakupin ang maliit kong katawan dahil sa malaki niyang pangangatawan.
He's wearing a white sando and a boxer. Halos mapa-sign of the cross ako nang makita ang umbok niya sa baba. Kapag nalaman ito ni Zylla ay tiyak na aasarin ako nito. "After everything you did last night, you'll leave me here just like that?" bulong niya sa tenga ko.
I bit my lower lip and refrained from screaming. Hindi dapat ako nakakaramdam nito ngunit hindi ko mapigilan na kiligin. Ito ang unang beses na may lalaking nagparamdam sa akin ng ganito. Ito rin ang mga eksenang nababasa ko sa libre at halos kapareho ng nararamdaman ko ang nararamdaman ng mga babaeng bida sa libro.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at matapang na sinalubong ang kanyang tingin. Napangisi siya nang makitang sinusubukan ko lang maging matapang sa harapan niya kahit na sobra ang pangangatog ng tuhod ko.
"K-Kung ano man ang ginawa ko kagabi, pagpasensyahan mo na kasi lasing lang ako at hindi ko alam ang ginagawa ko. Kalimutan na lang natin ang lahat ng nangyari at hayaan mo akong makaalis ngayon," mahabang saad ko at sinubukan siyang itulak ngunit sadyang mahina ang kamao ko. Nanatiling nakalapat ang kamay ko sa matigas niyang dibdib. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahil hindi ko manlang siya napagalaw sa pwesto.
He leaned on his face and whispered in my ears. I clenched my hand tightly when he bit my ears. "I would never forget the first woman who dared to turn me on and slept like nothing happened, leaving me hanging," he muttered, planting a kiss on my ears down to my neck. I closed my eyes and bit my bottom lip tightly. His gestures sent a shiver down my spine, and electricity seeped into my bones.
"C-Colton," I called him, and I felt him sucking my skin there. Mahina siyang natawa at muling hinalikan ang ibabang parte ng panga ko. Hindi ko siya magawang itulak dahil talagang nanghihina ang mga kamay at paa ko.
"Call me, baby, the way you called me last night. Come on, I want to hear it again," he urges me.
Ano bang tinutukoy niya? Hindi ko halos maalala ang lahat ng nangyari kagabi. Masakit din ang ulo ko ngunit hindi ko mainda dahil sa ginagawa sa akin ng lalaking may asul na mata ngayon. Matapos niyang papakin ang leeg ko ay tuluyan na siyang humiwalay sa akin. Tuluyang nanlambot ang tuhod ko ngunit kaagad niyang nasalo ang bewang ko at binuhat ako papunta sa kama.
Napalunok ako nang inupo niya ako sa kanyang kama at lumuhod sa harap ko. Hindi na ako halos makatingin sa kanya ng maayos dahil sa hiyang nararamdaman. He held my chin and made me face him. Halos mangilid ang luha ko sa sobrang hiyang nararamdaman.
"Don't be shy; I'm still the man you've met last night."
I sniffed. "But I don't even remember you," naiiyak na saad ko, naging emosyonal bigla. He smiled at me, showing his perfect set of white teeth. Then he leans on me and gives me a peck at the side of my lips. "Then I would make you remember everything that happened last night; is that fine with you?"
I stared at his face and nodded, even though I felt like I hesitated a bit. I don't know, but I just trust him, even though I only met him last night.