NAPAMULAT si Alice nang makarinig ng mga kalabog sa labas ng kanilang bahay. Napayakap siya sa kanyang teddy bear para kahit papano ay mabawasan ang kanyang takot. Sabi ng kanyang Papa Roman, dose anyos na siya, dapat ay maging isa na siyang matapang na babae. Naniniwala naman siya sa kanyang Papa. Ito naman din kasi ang pinakamabait na papa sa buong mundo—ang nag-iisang kasama niya simula noong ipinanganak siya. Wala na rin kasi siyang nanay. Namatay ito noong ipinangak siya. Kaya naman silang dalawa na lang ng kanyang Papa ang magkasangga sa buhay. Sinubukang ipikit ni Alice ang kanyang mga mata pero muli na namang mayroong kumalabog. Sa pagkakataong ito ay mas malakas. Kung hindi siya nagkakamali ay galing iyon sa may salas ng kanilang mansyon. Hawak-

