“BAKIT ka takot sa ipis?” Napangiti si Elyse sa tanong ni Cliff. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang takot niya sa ipis. Pero nitong nakaraan ay bigla na lang niyang naalala na noong bata pa siya ay may ipis na dumapo sa kanyang mukha. Nakagat siya noon kaya naman nagkaroon ng pamamaga. Isang bagay iyon mula sa kanyang nakaraan na naalala na niya. Lately talaga ay parang bumabalik ang ilang piraso ng kanyang memorya. Ikinwento niya kay Cliff ang nangyari kaya tumawa ito nang malakas. “At tuwang-tuwa ka pa sa nangyari sa akin, ha?” Hinapit nito ang kanyang bewang at pinaupo siya sa hita nito. His arms are wrapped around her waist. This is life. Kagagaling lang nilang maligo sa dagat. Now, they are on the beach watching the s

