Pabiglang naimulat ni Helena ang kanyang mga mata sabay bangon sa kanyang kinahihigaang papag. Napakunot ang noo niya nang makita ang kinaroroonan niya? Teka, bakit siya nandito sa loob ng isang maliit na bahay-kubo? Ang huling natatandaan niya ay hinahabol siya ng dalawang taong-lobo na gusto siyang gawan ng masama tapos bigla siyang nahulog sa mataas na bangin. So, hindi siya namatay sa pagkahulog? Paano nangyari iyon gayong sobrang taas ng bangin at ang lalim pa? Imposibleng hindi siya mamatay at magkandalasog-lasog ang kanyang katawan sa pagbagsak niya? At saka bakit tila may mga alaalang nais pumasok sa kanyang utak ngunit ayaw makapasok? At ano naman ang mga alaalang iyon? Tumayo si Helena sa maliit na papag ngunit agad ding napabalik sa pagkakaupo nang biglang sumakit ang kanyang u

