bc

Once Upon I Dream An Alpha

book_age18+
3.8K
FOLLOW
15.0K
READ
alpha
mate
dominant
student
drama
bxg
werewolves
pack
another world
teacher
like
intro-logo
Blurb

Through her dreams, Helena entered into a strange world where only vampires and werewolves existed. She meets Duncan, the ruthless alpha of the silver wolf pack, and was scared by many wolves and vampires. He saved her from the vampires who suddenly attacked her and brought her to his pack to be his mate. At first, she doesn't like him because he is ruthless. But after being with him and seeing the goodness inside him; though he is a bit cold and dominant to her, she gradually falls for him. When she finally admitted her feelings for him she discovered the reason why he saved her and forced her to be his mate. That reason hurts her but the most hurtful secret that she discovers is that Duncan's pack was the mortal enemy of her white wolf pack. How can she cope with the fact that her beloved alpha is her enemy? And what if she wakes up one day and finds out that everything happened to her and Duncan is all part of her dreams, and her dreams are all scripted by her brother who's an online writer? And what if she meets him outside her dream? May pag-asa ba silang magkatuluyan nang walang mga pagsubok na pagdaraanan o katulad din sa kanyang panaginip na ilang beses siyang sinaktan ni Alpha Duncan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Eksaktong katatapos pa lamang magbanlaw ng kanyang katawan si Helena nang biglang namatay ang ilaw sa loob ng kanyang banyo. Hinagilap niya ang towel niya at ibinalot sa hubad niyang katawan bago lumabas ng banyo para alamin kung bakit biglang namatay ang ilaw. Paglabas niya sa banyo ay patay rin ang ilaw sa kuwarto niya kaya naisip niyang marahil ay brownout na naman. Lately, napapansin niya na madalas nang magkaroon ng brownout sa lugar nila. At ewan kung ano ang dahilan sa madalas na pag-brownout sa lugar nila. Nakatapis lamang ng tuwalya na naglakad siya papunta sa pintuan ng kanyang kuwarto. Dahan-dahan lamang ang ginawa niyang paglapit sa pintuan at baka matalisod siya o di kaya'y bumangga sa mga gamit niyang naroon. Sobrang dilim ng paligid at talaga namang wala siyang makita. Nang makalapit na siya sa pintuan ay agad niyang binuksan at tinawag ang kapatid "Jessie? Nandiyan ka ba? Pa-on naman ng generator, please," tawag niya sa nakababatang kapatid na lalaki. "Jessie? Naririnig mo ba ako?" muli niyang tawag sa kapatid nang ilang minuto na ang nakalilipas ay hindi pa rin siya sinasagot nito. Naisip niya baka nasa loob na ito ng kuwarto nito kaya hindi siya naririnig. Medyo malayo kasi ang kuwarto nito sa kuwarto niya. Ang kuwarto ng kanyang mga magulang ang malapit sa kanya ngunit wala naman ang mga ito sa bahay nila. Nasa ibang bansa ang parents nila para sa tatlong araw na business trip. Nagpasya si Helena na siya na lamang ang magbukas ng generator at huwag nang abalahin pa ang kapatid. Pakapa-kapa siya sa unahan niya habang maingat at dahan-dahan siyang naglalakad patungo sa kanilang sala. Kahit kabisado na niya ang bawat sulok ng bahay nila ay nag-aalala pa rin siya na baka may mabangga siyang mahahalagang bagay sa loob ng bahay nila kaya doble ang pag-iingat na ginagawa niya. Patuloy siya sa pagkapa sa dilim nang bigla siyang napatigil sa paglalakad. Bigla kasi siyang may nakapa na kakaibang bagay. Parang malaking stuffed toy. Malambot ang balat at madulas. Kailan pa bumili ng stuffed toy si Jessie? At bakit dito lamang niya inilagay sa daan? Hinaplos ng kanyang palad ang iniisip niyang stuffed toy na malambot na bagay. Mayamaya ay napakunot siya ng noo. Bakit para yatang humihinga ang stuffed toy? Para kasing naririnig niya ang paghinga nito. Hindi sinasadyang napatingin siya sa labas ng bintana ng sala nila. May ilaw sa kabilang bahay? So, hindi brownout. Pero bakit wala kaming ilaw? Tatawagin na sana niya ang kapatid nang biglang bumaha ang liwanag sa buong paligid. Nagbalik na ulit ang kuryente kay may ilaw na sila. Nasilaw siya sa biglang pagliliwanag kaya mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Pagmulat niya ng mga mata ay laking-gulat niya nang makitang wala namang stuffed toy sa kanyang harapan. Saan napunta ang bagay na 'yon? Kani-kanina lamang ay hinaplos niya iyon ngunit bakit biglang naglaho? Namamaligno ba siya? May maligno ba sa bahay nila? Biglang nanayo ang mga balahibo niya hanggang sa kanyang batok sa isiping iyon. Tatakbo na sana siya pabalik sa kuwarto niya nang pagpihit niya paharap ay biglang bumulaga sa kanya ang dalawang malalaking mata na kulay yellow. Matalim ang pagkakatingin sa kanya at tila ba nais siyang sakmalin. Sa takot ay bigla siyang nagtitili habang mariing nakapikit ang kanyang mga mata. "Ate, calm down! Ako lamang ito, si Jessie." Bigla siyang napatigil sa pagtili nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon ng isang lalaki. Pabiglang iminulat niya ang mga mata. Ang nakangising mukha ng nakababatang kapatid ang kanyang nabungaran. Inalis na nito sa ulo ang mascot lang pala na ulo ng isang lobo. "Walang hiya ka! You almost give me a heart attack," galit na sita niya rito sabay hampas ng kamay niya sa balikat nito. Inagaw niya ang suot nitong mascot na ulo ng lobo at itinapon sa sofa. All the animals in the world she especially hates wolf. Nakakatakot kasi ang hitsura ng mga lobo. Mga mababangis at kahit sa picture ay parang manlalapa na agad ng tao ang hitsura. "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang takutin ka. Isinukat ko lamang itong nabili kong mascot para sa halloween party namin bukas nang marinig ko na tinawag mo ang pangalan ko kaya lumabas na ako na nakaganito," mabilis na paliwanag nito. Lumapit ito sa sofa at kinuha ang itinapon niyang mascot na ulo ng lobo't muling isinuot. "Can you please remove that scary thing in front of my eyes? Baka hindi ako makapagpigil at sunugin ko 'yan," banta niya sa kapatid. Talagang natakot siya ng sobra kanina kaya maaaring magawa nga niya ang bantang iyon. "Okay, okay. Aalisin ko na," agad na inalis nito sa ulo ang mascot na ulo ng lobo at ipinasok sa kuwarto nito, pagkatapos ay bumalik sa harapan niya. "Bakit ba kasi sobrang hate mo ang mga lobo? Ang astig nga nila, eh. Sila ang paborito kong gawing bida sa mga kuwento ko." Helena rolled her eyes. "Astig? Astig ba iyong kahit sa picture ay parang manlalapa sila ng tao? Baka scary ang gusto mong sabihin, brother?" Natawa ng malakas si Jessie. "Ano kaya kung ang destiny mo pala ay isang werewolf? Karma mo dahil sa sobrang pagka-hate mo sa kanila." "Oh please don't say that bad words, Jessie. I will jump off the highest building when it happens," exaggerated niyang tugon sa kapatid na biglang ngumisi ng makahulugan. "I will make it happen, Ate. Ikaw ang gagawin kong bida sa aking bagong story at ang mamahalin mo ay ang pinaka-hate mong hayop. A story of an ordinary woman who fall in love with a werewolf prince," kumikislap ang mga matang wika nito. Halatadong maraming naglalarong eksena ang nasa loob ng utak nito. "Shucks! Don't do it. Kapag nabasa ko 'yan, I will tear it into pieces," pagbabanta niya rito. Ngunit mukhang desidido talaga ito na isulat ang mga sinabi dahil nginisihan lamang siya ng nakakaloko. "Then I will not let you read my story," nakangising sagot ni Jessie bago tumakbo papasok sa kuwarto nito. Siguradong magsusulat na ito at malamang na totohanin nga nito ang mga sinabi. Gagawin siyang bida sa story nito at ang magiging ka-loveteam niya ay isang taong lobo. Napapailing na lamang si Helena habang nakatingin sa kuwartong pinasukan ng kanyang kapatid. Isang tao, iibig sa isang taong lobo? Sino bang baliw na babae ang magkakagusto sa isang lalaking mukhang aso? Minsan talaga ay weird gumawa ng kuwento ang kapatid niyang ito. Gano'n ba talaga mag-isip ang mga writers? Iiling-iling na naglakad na lamang siya pabalik sa kanyang kuwarto. Wala siyang kamalay-malay na sa gabing iyon ay mag-uumpisa na pala ang kuwento niya at ng taong lobo na tinutukoy ng kanyang nakababatang kapatid. *** Nakaharap si Jessie sa kanyang laptop at abala ang kanyang mga daliri sa pagtipa sa keyboard. Ang kanyang utak ay punong-puno ng mga ideya sa kanyang bagong story na ia-upload niya sa website kung saan siya nagta-trabaho bilang writer. Napangiti siya ng maluwang. Tiyak na dudumugin ng mga readers ang kanyang bagong story. His new story is unique. Isang babaeng ayaw na ayaw sa mga taong-lobo ang iibig sa Alpha ng mga lobo. Ang mga online readers ay mahilig sa mga wolf stories kaya tiyak na magiging top ang story niya. At ang nakakatuwa pa ay ang sarili niyang kapatid ang mismong bida sa kanyang kuwento. Ang kanyang Ate Helena na hate ang mga taong-lobo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.5K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
80.6K
bc

LEGERDEMAIN ACADEMY: MAJESTIC FLAIR

read
5.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
299.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook