Chapter 2

2008 Words
Nakakunot ang noo ni Helena at puno ng pagtataka ang kanyang hitsura habang nakatingin siya sa kanyang paligid. Nasa gitna siya ng nagtataasang mga punongkahoy at tanging huni ng mga ibon ang naririnig niya sa paligid. Halos hindi na makasilip ang sinag ng araw dahil sa matataas na kahoy at malalagong dahon ng mga puno. OMG! What I am doing here? Paano ako napunta sa kagubatang ito? Naguguluhang tanong niya sa kanyang isip. Pilit niyang inalala kung ano ang huling pangyayari na kanyang natatandaan ngunit kahit anong gawin niya ay talagang hindi niya maalala ang huling ginawa niya. At ang labis na nakakapagtaka ay hindi rin niya maalala kung taga-saan siya, sino ang kanyang mga magulang at mga detalye tungkol sa kanyang sarili mismo. Basta ang alam lamang niya ay ang kanyang pangalan at nakakapagsalita siya ng ibang language na hindi niya alam kung ano ang tawag. Maybe I'm just dreaming. Yes. It's possible that I am only dreaming. Sa pag-asang nananaginip lamang siya ay kinurot niya ang kanyang sarili. Ouch! Daing niya nang makaramdam siya ng sakit sa ginawang pagkurot niya sa kanyang sarili. This is impossible! Paano siya napunta sa kagubatang ito? Sa halip na patuloy na isipin kung paano siya napunta sa lugar na iyon ay nagpasya siyang maglakad at hanapin ang daan palabas sa kakahuyang iyon. Ilang minuto na siyang naglalakad nang mapansin na tila may sumusunod sa kanyang likuran. Hindi niya pinagtuunan iyon ng pansin sa pag-aakala na baka napa-paranoid lamang siya. Mag-isa lamang siyang naroroon kaya natural lamang na mag-isip siya ng hindi maganda. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay nasiguro niya na may sumusunod nga sa kanya. Naisip niya na baka isang mabangis na hayop ang sumusunod sa kanya. Hindi niya mapigilan na kabahan at mag-alala. Paano kung totoo ang kanyang iniisip? Paano niya ililigtas ang sarili kapag inatake siya ng isang mabangis na hayop? Sa pagmamadaling makalayo sa lugar na iyon ay hindi niya napansin ang isang malaking ugat ng kahoy na bahagyang nakausli sa kanyang dinaraanan. Napatili na lamang siya ng malakas nang bigla siyang napatid sa nakausling ugat at parang palaka na tumalon at pagkatapos ay bumagsak sa mga tuyong dahon na may mga tuyong sanga rin. Napangiwi siya nang maramdaman ang paghapdi ng kanyang kanang palad. Napamura siya sa isip nang makita na bahagyang dumudugo ang kanyang palad. Natusok pala siya ng tuyong sanga sa kinabagsakan niya, mabuti na lamang at hindi malalim ang sugat niya. Tatayo na sana siya nang mula sa kung saan ay biglang lumitaw sa harapan niya ang dalawang lalaki na parehong namumula ang mga mata. "Saan ka papunta, Binibini? Naliligaw ka ba?" tanong ng lalaking matangkad ngunit payat. Ang kasama kasi nitong lalaki ay medyo pandak at may katabaan naman. "Anong nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba? Gusto mo bang tulungan ka naming makatayo?" nakangising tanong naman sa kanya ng pandak at matabang lalaki. Sa ginawang pagngiti ay nalantad sa kanyang paningin ang dalawang matutulis na pangil nito na nasa bandang itaas. "Oh my God!" nahintakutang bulalas niya. Hindi pala isang mabangis na hayop ang sumusunod sa kanya kundi mas mabangis at mas mapanganib pala na mga nilalang. Mga nakakatakot na bampira. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mag-umpisang maglakad palapit sa kanya ang dalawang bampira. Parehong nakangisi sa kanya ang dalawa at tila takam na takam nang matikman ang kanyang dugo. "Tutulungan ka naming makatayo," pangungumbinsi sa kanya ng matangkad na bampira. Hindi nito itinago sa kanya ang paglunok ng laway habang nakatingin sa palad niya kahit hindi naman nakikita ang sugat. Talagang malakas ang pang-amoy ng mga ito. Konting dugo ay naaamoy nito. "No! Kaya kong tumayong mag-isa," napabilis ang pagsagot na wika niya sabay tayo ng mabilis. Nakaramdam siya ng pagsakit sa kanyang mga tuhod ngunit hindi niya iyon ininda. Mas nakatuon ang kanyang utak sa panganib na nakaamba sa kanyang harapan ngayon. Napaatras siya nang muling maglakad palapit sa kanya ang dalawang bampira. Oh Lord, please help me! Piping dasal niya. Kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod sa labis na takot ay pilit niyang tinatagan ang kanyang sarili. No one will rescue her in this place. Wala naman yatang nakakaalam sa pamilya niya na naroon siya sa lugar na iyon dahil kahit siya mismo'y hindi niya alam kung bakit napunta siya sa ganoong klaseng lugar. "Ako ang mauuna sa kanya," wika ng pandak na bampira. Pinigilan nito ang kasamang matangkad at payat nang akmang lalapitan na siya. Mukhang sampung taon itong hindi nakainom ng dugo ng tao kaya sobrang payat. "Ako ang unang nakakita sa kanya kung kaya't marapat lamang na ako ang maunang sumipsip sa kanyang dugo," hindi patatalong sagot naman ng kausap. Halos tumulo na ang laway nito sa sobrang pagkatakam sa kanya. Darn. Anong akala nila sa dugo ko laman ng s**o para sipsipin? Sinamantala niya ang pagkakataon na abala ang dalawang bampira sa pagtatalo kung sino sa mga ito ang mauunang sumipsip sa kanyang dugo at mabilis na kumaripas siya ng takbo. Kahit nagkakanda sugat-sugat ang mga braso niya dahil sumasabit sa matatalas na damo ay hindi niya iyon inalintana. Ang tanging nasa isip lamang niya nang mga sandaling iyon ay ang makalayo at mailigtas ang sarili sa tiyak na kapahamakan. "Sa tingin mo ay matatakasan mo kami, Binibini?" Napatili ng malakas si Helena sabay hinto sa pagtakbo nang biglang lumitaw at humarang sa kanyang harapan ang dalawang bampira. Pagkatapos ay bigla siya hinawakan sa batok ng matangkad na bampira at hinila palapit dito para sakmalin siya sa leeg. Nagpapalag, nangalmot at nanabunot siya para mapigilan ito sa nais gawin. Kahit alam niyang wala siyang kalaban-laban sa bampirang may hawak sa kanya ay hindi pa rin siya papayag na basta na lamang titili at hihintaying masakmal nito ang kanyang leeg. Sa sobrang pagka-desperada niyang makaalpas sa pagkakahawak sa kanya ng bampira ay mariin niyang kinagat sa braso ang kamay nitong nakahawak sa kanyang batok. What's the feeling of being bitten by a human? wika niya sa kanyang isip. Binitiwan siya ng bampira at hinawakan ang nasaktan braso. Akala niya ay hindi ito masasaktan dahil isa itong bampira ngunit nagkamali siya. Dahil katulad nilang mga tao ay nakakaramdam din pala ito ng sakit. Sa galit ng bampira ay bigla siyang sinampal ng malakas sa halip na sakmalin ang leeg niya habang malakas na halakhak naman ang pinakawalan ng pandak at matabang bampira na kasama nito. Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya ay bigla siyang tumilapon sa malayo ngunit hindi siya natumba. Bigla kasi may matigas na bagay ang tumama sa likuran niya at humarang kaya hindi siya natumba. Paglingon niya ay biglang nagkasalubong ang mga paningin nila ng lalaking nakatayo sa likuran niya. Sa dibdib pala nito siya bumangga at iyon ang matigas na bagay na naramdaman niya kanina. What a beautiful pair of silver eyes! Hindi niya napigilang humanga sa silber na mga mata ng lalaking kaharap. Sa buong buhay niya ay ngayon pa lang siya nakakita ng taong silver ang mga mata. Bagama't nagbabadya iyon ng panganib ay hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit hindi siya nakaramdam dito ng takot sa halip ay tila nakahinga pa siya ng maluwang. "Ayos ka lang ba?" buo ang tinig na tanong nito sa kanya. Hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa dalawang bampira kaya malaya niyang napagmamasdan ang taglay nitong kakisigan. Wala sa loob na napatango na lamang siya habang walang puknat ang pagkakatitig niya sa mukha nito. Hindi lang kasi sa mga mata nitong silver siya namamangha kundi maging sa reaksyon ng kanyang katawan. Tila ba nakaramdam siya ng kakaibang init na dumaloy sa kanyang kaibuturan nang magdikit ang kanilang mga balat. It's weird but it feels good. Kahit wala siyang maalala tungkol sa kanyang sarili ay nasisiguro niyang ngayon palang siya nakaramdam ng ganitong pakiramdam sa isang tao. Iyon kasi ang sinasabi ng kanyang puso at ng kanyang girl's instinct. "Huwag kang makialam dito kung sino ka man. Kami ang nauna sa babaeng iyan kaya nararapat lamang na kami ang makatikim sa kanya," galit na wika ng pandak sa lalaking may silver na mga mata. "Kung gusto mo ay paghatian na lang natin siya," nakangising alok naman ng matangkad na bampira. Papayag ito na mapaghatian siya basta't matikman lamang nito ang kanyang dugo. Talagang takam na takam ito sa kanyang dugo. "Anong akala n'yo sa akin? Pagkain na puwede ninyong paghatian?" inis na saad niya. Nag-aalalang napatingin siya sa mukha ng lalaking katabi. Baka pumayag ito sa alok ng bampira'y tiyak na ang kanyang kahahantungan. Pero bakit naman ito papayag? Bampira din ba ito katulad ng dalawang lalaki sa harapan niya? "Ang lakas ng loob ninyong dito pa sa nasasakupan ko maghanap ng mabibiktima. At bakit naman hindi ako makikialam kung ang nais ninyong biktimahin ay ang aking luna?" mapanganib ang boses na turan nito. Luna? I am his Luna? What does it mean? Naguguluhan niyang tanong sa kanyang isip. "A-ano? N-nasasakupan mo? I-ikaw si A-lpha Duncan?" kandautal na tanong ng matangkad na bampira. Kulay puti na nga ang balat nito ay mas lalo pa itong namuti dahil bigla itong namutla nang marinig ang pangalan ng kaharap. "Tama kayo ng narinig. Ako si Duncan," ani Duncan. Sa isang iglap ay nasa tabi na ito ng dalawang bampira at nakahawak na sa leeg ng mga ito. Sa pamamagitan ng tig isang kamay ay binali ni Duncan ang leeg ng mga bampira na hindi man lang nakapalag dahil sa sobrang bilis ng pagkilos nito. Segundo lamang ang lumipas ay bigla nang naging abo ang dalawang bampira na labis niyang ikinagulat. This guy is ruthless and more dangerous than those two vampires. I should avoid him as much as I can. Hindi siya nakakasigurado na hindi rin nito babaliin ang kanyang leeg katulad ng ginawa nito sa dalawang bampira. Paano kung kaya lamang siya iniligtas nito ay dahil gusto nitong solohin ang kanyang dugo? Baka isa rin itong bampira. "Salamat sa pagliligtas mo sa akin, Duncan. Ang mabuti pa ay umalis na ako't baka hinahanap na ako ng mga kasamahan ko," mataktikang paalam niya. Nagkunwari siyang may mga kasama para kapag naisipan nitong gawan siya ng masama ay magdadalawang-isip ito dahil may mga kasama siya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Ikaw ang aking Luna. Kaya uuwi ka sa aking tahanan kasama ko," marahas ang tono ng boses na wika ni Duncan. Naudlot tuloy ang balak niyang pagtalikod para iwan ito. "Ako ang iyong luna? Ano ang ibig mong sabihin? Ano ang ibig sabihin ng Luna?" Biglang tumalim ang tingin nito sa kanya kaya bahagya siyang napaatras. Tila hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. Napaisip tuloy siya kung alin sa tatlong tanong niya ang nakapagpagalit dito. "Ikaw ang aking luna, Helena. Ikaw ang aking magiging kabiyak. Ang luna ng alpha ng mga silver taong lobo," pahayag ni Duncan. Habang nagsasalita ito ay hindi inaalis sa kanyang mukha ang mga paningin. Tila ba hinihintay nito kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga sinabi nito. Silver werewolves? Tama ba ang narinig ko? This person in front of me is a werewolf? Not just an ordinary werewolf but an alpha of his pack. Anong kasamaan ba ang ginawa ko sa nakaraan kong buhay para ma-meet ko ang isang taong-lobo? Ang mga taong-lobo na siyang pinakaayaw ko sa lahat ng mga nilalang kasama na ang mga bampira. Hindi man niya naaalala ang mga bagay-bagay tungkol sa kanyang sarili ngunit alam niya sa kanyang sarili na hindi niya gusto ang mga taong-lobo. And doesn't want to see anyone of them. Tila nabasa naman ni Duncan ang iniisip niya kaya tila nananadya na bigla itong nag-transform sa harapan niya. Mula sa pagiging tao ay bigla itong maging silver wolf. Halos manlaki ng sobra ang kanyang mga mata sa hindi pagkapaniwala sa kanyang nakita. Totoo nga. Isa nga itong silver werewolf. "Tara na, Helena. Sumama ka sa akin pabalik sa aking kaharian dahil ikaw ang aking luna." "Ayoko! Ayokong maging luna ng isang katulad mo. Ayokooo!!" Ang sigaw niyang iyon ay nilamon lamang ng nagtataasang mga punong-kahoy. "I don't want to be the mate of a ruthless werewolf!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD