Dahan-dahang iminulat ni Helena ang kanyang mga mata. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa kuwartong kinaroroonan niya. Where the heck am I again? Hindi napigilang tanong niya sa kanyang isip. Saglit niyang inalala ang mga nangyari. Nang magbalik sa kanyang alaala ang nangyari ay bigla siyang napabalikwas ng bangon. No! I will not be a luna to that merciless werewolf!
Akmang babangon na siya sa kinahihigaan niya para tumakas nang biglang bumukas ang pintuan ng kinaroroonan niyang kuwarto at pumasok ang lalaking nais niyang takasan.
"Mabuti at gising ka na. May dala akong pagkain para sa'yo," inilapag nito sa maliit na mesang nasa gilid ng hinihigaan niyang kama ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain.
Tiningnan niya lamang ang pagkain at hindi ginalaw. "Ayokong kumain. Ang gusto ko ay pakawalan mo ako ngayon din."
Lumapit si Duncan at umupo sa gilid ng kama. "Hindi ko gagawin iyan. Hindi kita pakakawalan dahil ikaw ang aking Luna."
"Luna! Luna! Ayokong marinig ang salitang iyan!" malakas niyang sigaw. Bakit ba nito ipinagpipilitan na siya ang Luna nito? Ni hindi nga sila magkakilala at magkaiba sila ng lahi. Isa siyang normal na tao samantalang ito ay isang alpha ng mga taong-lobo. Never her whole life she imagine that she will become a Luna of a werewolf.
Ang gusto niya ay makauwi sa bahay nila. Ngunit saan ba siya uuwi? Saan siya ba siya nakatira? Nasaan ang pamilya niya?
"Kahit anong gawin mo ay hindi kita hahayaang makaalis sa aking poder. At kung sakali mang paalisin kita ay alam mo ba kung saan ka pupunta? Alam mo ba ang bahay mo?"nananantiyang tanong nito sa kanya. "Kaya kumain ka na lamang at huwag mong gutumin ang sarili mo."
Napaawang ang mga labi ni Helena. Nakakabasa ba ng isip ang mga werewolves? Bakit tila nabasa nito ang nilalaman ng kanyang utak?
"Kahit saan basta huwag lang dito," nakataas ang noo na sagot niya.
"Hindi puwede. Dito ka lamang sa aking tabi," mariing sagot naman ni Duncan.
"Bakit mo ba ipinagpipilitan na manatili ako rito?" naiinis niyang tanong sa lalaking seryosong nakatingin lamang sa kanya.
"Bakit mo ba ipinagpipilitang umalis sa poder ko?" gagad naman nito sa kanyang tono. Mas lalo tuloy siyang nainis dito.
Sa halip na patuloy na makipagtalo ay nahiga na lamang siya at nagtalukbong ng kumot sa kanyang ulo. Ayaw niyang makipag-usap sa tao este werewolf pala na hindi marunong makinig sa kanyang sinasabi.
Napahugot naman ng malalim na buntong-hininga si Duncan nang makita ang ginawa niya. Mayamaya lamang ay naramdaman niyang tumayo na ito sa kinauupuan at lumabas ng kuwarto. Nang masiguro niyang wala na nga ito sa loob ng kuwarto ay mabilis siyang bumangon sa kama. Paano ako makakaalis sa lugar na ito? Hindi ako puwedeng manatili rito. I hate that silver eyes wolf alpha.
NAGLALAKAD-LAKAD sa paligid ng malaking bahay ni Duncan si Helena dahil gusto niyang makabisado ang bawat sulok ng lugar na iyon. Tinitingnan din niya kung paano siya makakatakas sa lugar na iyon. Pero mukhang mahirap yatang makatakas siya roon dahil maraming mga tauhan nito ang nagkalat sa paligid. Kaya siguro hinayaan lamang siya ni Duncan na lumabas sa kuwarto niya ay dahil alam naman nito na hindi siya makakatakas sa bahay na iyon dahil marami ngang bantay sa paligid.
"Hindi ka dapat nandito. Ako ang dapat na maging Luna ni Duncan at hindi ikaw!"
Biglang napalingon si Helena nang marinig ang galit na boses na iyon ng isang babae. Paglingon niya ay nakita niya ang isang magandang babae na galit na nakaharap sa kanya. She has two beautiful golden eyes and a golden hair. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakakita ng babaeng gold ang mga mata at buhok. What is she? A werewolf too?
"Sino ka naman?" tanong niya rito. Hindi niya pinansin ang galit na nakikita niya sa maganda nitong mukha.
"Ako ang prinsesa ng Silver Wolf Pack at ako ang dapat na maging Luna ni Duncan hindi ikaw," nanlilisik ang mga matang sigaw nito sa kanya.
"Bakit hindi mo iyan sabihin kay Duncan? Sa tingin mo ba ay gusto kong maging Luna ng isang taong-lobo? Never!" ganting sigaw naman niya rito. Lalong nanlisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
"Ang dapat sa'yo ay mamatay," mahinang bigkas nito sabay hawak ng mahigpit sa kanyang balikat.
Napasigaw si Helena nang maramdaman ang kakaibang init na nagmumula sa kamay ng babae. Pakiramdam niya ay idinikit sa balat niya ang isang nagbabagang bakal.
"Itigil mo iyan, Alendria!" galit na sigaw ni Duncan na biglang dumating. Agad naman siyang binitiwan ni Alendria ngunit nanlilisik pa rin ang kanyang mga mata.
"Bakit mo ako pinigilan? Papatayin ko ang babaeng iyan!" galit na sigaw ni Alendria pagkatapos ay bigla itong sumugod para muli siyang saktan ngunit naging maagap si Duncan. Bago pa man siya maabot ng babae ay sinalubong na nito ang babae at biglang sinakal ng mahigpit.
"Ako ang alpha ng Silver Wolf Pack kaya ako lamang ang may karapatang magde-desisyon. At kapag sinabi kong hindi mo pakikialamanan ang aking Luna ay susundin mo," mapanganib ang boses na wika ni Duncan habang hawak pa rin ng mahigpit ang leeg ng babae.
"A-ako ang d-dapat na iyong m-maging L-Luna," nahihirapang sa pagsasalita na wika ni Alendria.
"Uulitin ko ang sinabi ko. Ako ang alpha ng Silver Wolf Pack kaya ako ang magde-desisyon. At hindi ikaw ang pinili ko para maging aking Luna," pagkasabi niyon ay basta na lamang nitong binitiwan si Alendria na natumba dahil na-off balance.
Kinuha ni Duncan ang isang kamay niya at hinila palayo kay Alendria na halos maglabas na ng apoy ang mga mata sa sobrang galit sa babae.
Dinala siya ni Duncan pabalik sa loob ng kanyang kuwarto at pagkatapos saglit na iniwan. Pagbalik nito ay may dala na itong first aid kit.
"Sa susunod kapag makita mo si Alendria ay umiwas ka kaagad," sabi nito habang nilalapatan ng lunas ang braso niyang pulang-pula at mahapdi.
"Kasalanan mo ito. Kung hindi mo sana ako pinipilit na maging Luna mo ay hindi sana niya ako pagtatangkaang patayin. Bakit kasi hindi na lamang siya ang gawin mong Luna? Tutal, siya naman ang prinsesa ng inyong pack," naiiyak na sumbat niya rito. "Hayaan mo na kasi akong makaalis dito sa bahay mo—ouch! Ano ba? Gusto mo bang mas lalo akong masaktan?" Bigla kasing idiniin ni Duncan ang paglalagay ng lunas sa kanyang braso.
"Gusto mo bang ulitin ko sa'yo ang sinabi ko kanina kay Alendria?" blangko ang ekspresyon na tanong niya kay Helena. "At mas lalong hindi ka maaaring umalis sa aking bahay dahil tiyak na mas manganganib ang buhay mo. Dahil kilala ko ang ugali ni Alendria. Natitiyak kong hindi siya titigil hangga't hindi siya nagtatagumpay sa nais niyang mangyari."
"At kasalanan mo ang lahat ng ito. Iniligtas mo nga ako sa kamay ng mga bampirang iyon ngunit mas inilagay mo naman sa panganib ang buhay ko. Dahil mas mapanganib pa kaysa sa mga bampirang iyon si Alendria," inis niyang sabi rito.
Biglang lumambot ang anyo ni
Duncan dahil sa kanyang sinabi. Walang sabi-sabing tumayo ito at naglakad palabas sa kuwarto niya. Ngunit bago ito tuluyang lumabas ay muli siya kinausap.
"Tandaan mo ang sinabi ko. Iwasan mo si Alendria kapag nakita mo siya," sabi nito bago tuluyang lumabas sa kuwartong kinaroroonan niya.
Nakangiwing tinitigan niya ang kanyang napasong balat mula sa mainit na kamay ni Alendria. Hindi niya akalain na may taong kayang maglabas ng sobrang init sa kanilang katawan na para bang lava sa sobrang init. Wala sa loob na dinama niya ang napaso niyang balat. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita na biglang nawala na parang bula at bumalik sa dating hitsura ang kanyang balat. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa kanyang palad. Kaya kong pagalingin ang aking sarili? May kakayahan akong manggamot? Paano nangyari ito?
Kung si Alendria ay may kakayahang magpalabas ng kasing init na tila lava sa kanyang mga palad ay kaya naman magpagaling ng karamdaman ang kanyang mga bagay. Bagay na sobrang hindi kapani-paniwala para sa kanya.