Maagang inihatid sa school nila sina Helena at Jessie. Tig isang bag pack lang naman ang dala nila kaya hindi sila mahihirapang magdala ng mga gamit nila. Pagdating nila sa school ay marami nang mga estudyante ang naroon at pati ang bus na sasakyan nila ay nakaparada na sa harapan ng school at naghihintay na lang na makumpleto ang mga estudyante na kasama sa fieldtrip. "Helena! Ang aga mo,ah,"nakangiting bati sa kanya ni Chel. Sinimangutan niya ang kaibigan nang makitang palapit ito sa kanya. "Yes, maaga ako kahit na hindi mo man lang sinabi sa akin na may fieldtrip pala tayo ngayon. Kung hindi pa ako tinanong ni Sir Duncan ay hindi ko malalaman na may fieldtrip pala tayo ngayon," nakangusong sabi niya kay Chel. "Sorry, Helena. Wala ka nga pala nang time na nag-announce si Ma'am Selos

