Pagkatapos ng halos buong araw na paglalakad ay narating din nila ang baryo kung saan nakatira ang mga tulisang-gubat. Agad silang iniharap sa pinuno ng mga tulisang-gubat na mga taong lobo. "Helena, natatakot ako," mahinang bulong ni Aida sa tainga ni Helena habang nakatayo sila sa loob ng isang kuwarto at hinihintay ang pagdating ng pinuno ng mga tulisang-gubat. "Pareho lang tayo na natatakot, Aida," mahinang sagot ni Helena. Nang dumating ang pinuno na hinihintay nila ay agag silang pinaluhod sa harapan ng pinuno. "Amo, may magagandang babae kaming regalo para sa kaarawan mo," nakangising sabi ng lalaking pinaka-pinuno naman ng mga tulisang sumalakay sa baryo nina Aida. "Magaling, Baldo. Tamang-tama ang pagdadala mo sa dalawang babaeng ito. Ireregalo ko sila sa dalawang alpha na d

