Hindi makapaniwala si Chel nang ikuwento ni Helena ang kanyang napanaginipan na naging karugtong lamang ng kanyang unang naging panaginip nang makapasok na siya sa school. "Nakakapanindig balahibo naman iyang panaginip mo, Helena. Karugtong lamang ng unang panaginip mo ang pangalawa mong panaginip. Hindi na talaga normal iyang napapanaginipan mo, Helena. Kapag wala tayong pasok ay sasamahan kita sa isang magaling na albularyo para maalis ang tila masamang espiritu na sumusunod sa'yo," nanlalaki ang mga matang react ni Chel matapos marinig ang kanyang kuwento. "As if naman naniniwala ako sa mga albularyo na iyan," nakataas ang kilay na sagot ni Helena. Kahit na nakakaranas siya ng kakaiba ay hindi pa rin siya naniniwala sa mga albularyo na iyan. Ngunit mapilit si Chel at hindi talaga siy

